"May problema ba?" tanong ko kay Shiro nang pumasok siya sa opisina ko, hindi niya ako sinagot at binagsak ang sarili sa couch, halatang kararating lang niya.
"Bumangon ka nga r'yan," utos ko na hindi niya sinunod. Tumayo ako saka kinuha ang unan at binato 'yon sakaniya, nang-aasar pa rin siyang ngumiti pero nakapikit pa din ang mga mata.
"Shiro, bumangon ka r'yan kung ayaw mong batuhin kita ng tsinelas." banta ko, agad naman itong tumayo saka ako tinignan ng masama bago lumabas.
Kung inaantok siya edi sana hindi pa siya pumasok, duh, or pwede namang dun siya sa opisina niya, e. Arte lang talaga ng lalaking 'yun.
Agad ko din siyang sinundan sa opisina niya at nakita siyang nakahiga na nga sa couch, naka taas pa ang mga paa nito sa lamesa at naka-krus ang mga braso. "Hoy, gumising ka r'yan." pag-aalog ko sa balikat niya, sumama ang tingin nito sa 'kin nang magising. "Gusto mo dun ka matulog sa condo?" I asked softly.
Parang nagising ang dugo niya kasi ngumiti siya at hinila ako pahiga at paibabaw na sakaniya. "Of course." he whispered. Amoy alak siya, ah.
"Uminom kaba?" tanong ko saka siya tinitigan ng mariin.
Ano namang rason niya at nainom? Sabi ko sakaniya, kapag may problema siya sabihin niya sa 'kin hindi 'yung umiinom siya, maluluto bituka ng lalaking 'to sa pagiging lasinggero.
Atleast expensive maglasing.
Parang bata siyang tumango saka ako niyakap ng mahigpit, hinawakan pa niya ang kamay ko saka iyon hinaplos ng marahan. He kissed it before kissing me again, kung may problema naman siya andito lang ako, e.
Alam ko naman na madami 'yon at hindi ko kayang tanggalin, pero sana kahit papaano ay may mai-bawas ako.
"Hey, sabi ko 'diba kung may problema walang iinom? Sabi ko kapag may problema ka, sabihin mo sa 'kin, hindi ko sinabing uminom ka kapag may problema ka. Hindi 'yun ang solusyon sa lahat ng problema, okay?" bilin ko.
"Fuck, love." he whispered. "I miss you so much."
I just laughed sarcastically at that before sitting beside him, mukha pang masakit ang ulo niya dahil nakahawak siya sa noo niya saka iyon hinahaplos. Bakit kahit may problema siya, ang pogi niya? Ang unfair, ha.
"That's not a problem, Shiro. If you miss me then tell me so I can spend time with you, hindi 'yung iinom ka, para kang adik." I chuckled. He glared at me for a second before he layed his head on my lap, I played on his kissable lips with my thumb.
"I know you're busy, so it's okay." he answered. Hinarap pa nito ang mukha sa tyan ko saka ako niyakap, he's so sweet. "Next year, we'll have our wedding." natatawang turan niya.
"Ulol. Hindi pa nga tayo sigurado kung meron pa bang tayo sa susunod na taon, e. Siraulong 'to."
Hindi niya ako sinagot, at nang tignan ko naman ay naka-pikit na ang mga mata, ang kamay niya ay nakayakap pa rin saakin, so pa'no ako aalis? Para akong nagpatulog ng sanggol, ah.
Sinubukan kong tanggalin ang ulo niya sa hita ko, at ang kamay niyang nakayakap saakin pero ayaw niya, binabalik at binabalik pa din niya.
"Shiro?" rinig kong boses ng babae na pumasok ng opisina niya, nang lumingon naman siya sa kaliwa ay nakita niya si Shiro na nakahiga sa hita ko.
Siya 'yung kaibigan ni Shiro na malandi, charot. "Here we go again." she whispered. Lumapit siya sa gawi namin saka hinarap ang mukha ni Shiro sakaniya, hinalikan niya ang labi ng lalaki sa harap ko kaya nagising si Shiro saka agad na naitulak si Francine.
"Fuck!" reklamo ng lalaki. Maliit akong natawa ng sarkastikto bago hinulog si Shiro mula sa couch at padabog na lumabas doon.
Gago, hinalikan niya mismo 'yung boyfriend ko sa harap ko. Alam naman niyang girlfriend ako nung tao, hahalikan niya sa harap ko, 'wag naman sana niyang ipahalata na may gusto siya dun sa tao.
Pumunta ako sa restroom, at chineck ang tig-iisang cubicle ro'n, nang walang tao ay agad kong nilock ang pinto ng restroom saka umupo sa likod non, gago naman, tangina sa harap ko pa talaga?
Gago. Sobrang gago. Wala naman na din akong nagawa nun dahil hindi ko alam na gagawin niya 'yon, kasi tangina, simula nung pinakilala ako ni Shiro sakaniya, naging magkaibigan kami at nagbigay ako ng tiwala sakaniya kahit na obvious naman na saakin na pareho kami ng lalaking minamahal.
"Hello? Sinong tao dito? Pakibuksan please, naiihi na 'ko, e, sira 'yung restroom sa office ko." rinig kong pagkatok ni Zaliah sa pinto. Agad akong tumayo saka iyon binuksan, agad ko siyang niyakap ng mahigpit saka agad nilock 'yung pinto. Siya lang makakaintindi sa 'kin, siya lang muna ang mapaglalabasan ko sa ngayon.
"Hey, anong nangyari?" tanong niya saka hinaplos ang likod ko, hindi ko siya nagawang sagutin at tahimik na umiyak sa balikat niya. "Ezryn, bakit ka umiiyak at nagkukulong sa banyo ng kompanya?" tanong niya muli.
Peke akong ngumiti saka pinunasan ang sarili kong luha. "Wala 'to, ah, umihi ka na, bilis, may gagawin pa 'ko rito." utos ko na hindi niya sinunod, niyakap niya ko muli at hinaplos ang likod 'ko.
"Ezryn, ha, anong problema? Magsabi ka, please." she plead.
"Gago, h-hinalikan ni Francine si Shiro sa harap ko, Zal... Tangina, boyfriend 'ko 'y--", may nagbukas ng pinto at nakita ko si Shiro na may hawak na susi, at magulo ang buhok.
"Love, let's talk..." he tried to hold me but I avoided him. Putangina, ang sakit niyang mahalin.
Pinunasan ko ang luha ko saka pekeng ngumiti at walang pasabing tumakbo papunta ng parking bago ko dinrive ang sasakyan.
"Putangina!" sigaw ko sa loob ng sasakyan at pinalo ang manibela. Inuntog ko ang ulo ko ro'n bago tinigil sa tagong lugar.
Ang sakit naman niyang mahalin, kung alam ko lang, hindi na 'ko nakipagrelasyon pa. Alam ko namang masakit, e, pero sinubukan ko, gago alam ko namang wala siyang kasalanan o alam sa nangyari, pero sa harap ko ginawa, e.
When I opened my unit's door because I heard someone knocking on it, I saw Shiro who's holding boquet of roses. I fake a smile before I came near him.
"What are you doing here?" I asked, calmly.
"Sorry,"
"Wala ka namang kasalanan doon, e. Ang masakit lang, ginawa sa harap ko, kaya sorry, Sir. Kung umalis ako sa kompanya nang walang paalam, someone kissed my boyfriend infront of me, and I can't handle the emotion, so I left."
"Fuck, stop calling me 'Sir', Ezryn." he commanded.
"What should I call you?" I asked sarcastically, seems like I pissed him.
"Ezryn.." he death glared at me.
"Joke lang." I chuckled as I wrapped my hands around his neck. "You will be the last man I'll love, kapag nawala ka, hindi na 'ko magmamahal ng iba." I whispered.
"Same with you, love. You'll be the last woman I'll love, no one can replace you, no one can give the love you're giving me right now. You, and only you can give the love I have longed for." he kissed my forehead and hugged me tightly.
The CEO's Weakness

YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022