Chapter 11

2.1K 40 0
                                    

Nang makarating ay nakita ko si Louisse na nakikipag laro sa mga bata, pero hindi ko muna siya pinansin at tumakbo na lang papunta sa bahay ni Tita, I saw her cleaning the house.

"I miss you." I whispered as I hugged her so tight.

She chuckled, "Hay nako ka talagang bata ka, umuwi ka pa talaga." Hinarap niya ako saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko, "Kumain ka na b-"

Pumasok si Shertia sa bahay at nakangiti akong niyakap sa bewang, si Shiro naman ay pumasok na din.

"Sinama ko na, wala siyang kasama sa bahay nila, e. Ayos lang po ba?" Tanong ko kay Tita na nakangiti na kay Shertia.

"Ayos na ayos," sagot nito.

Lumabas muna ako ng bahay para magpahangin manlang, si Shertia ay sinamahan ni Tita na kumain, si Shiro naman, sinamahan ako. Buntot ko na ata 'to, e.

"Tita, pahingi pera." Wika ni Louisse saka lumapit saakin, namana ba niya ang ugali ni ate Erthia and Elaiza? Sana hindi, ayokong maging gano'n s'ya.

"L-louisse, 'wag ngayon, marami akong pinagga-gastusan.." Pagtanggi ko, may hawak pa naman siyang bente, e.

"Damot." Inirapan ako nito at pinalo ang legs ko bago tumakbo paalis.

"What the hell." I whispered.

Narinig ko naman ay maliit na pagtawa ni Shiro dahil sa ginawa ni Louisse. Jusko, namana na nga ata niya, wala pang isang linggo na hindi kami nagkita, nagbago na agad siya.

"Ate!" Hinila ni Shertia ang kamay ko papasok sa loob ng bahay at dinala sa likod. "Look." Tinuro niya si ate Erthia at ang asawa ni ate Elaiza na naghahalikan sa likod ng bahay.

"Holy shit!" Mura ni Shiro sabay takip sa mata ni Shertia.

"Puking-" Hindi ko na naituloy ang pagmura ko nang bigla ding takpan ni Shiro ang bunganga ko, "Dalhin mo 'yan sa kwarto, pasamahan mo kay Tita."

Lumabas ako ng bahay at nagtago sa gilid no'n para pakinggan ang usapan nila. So, nagchi-cheat silang dalawa sa sariling asawa. Kadiri, magkapatid pa naman, iw.

"Fucking cheaters." Bungad ko nang mas lalong maging malalim ang paghahalikan nila. Bakit ba nila kailangang magloko, lalong lalo na si ate Erthia, sariling kapatid pa niya ang niloloko niya.

Natulala sila at lumayo sa isa't isa. They even wiped their own disgusting fucking lips. Nakangisi lang saakin ang lalaki samantalang si ate Erthia naman ay nakatingin lang saakin.

"What? Speechless kayo? Don't tell me nahihiya kayo sa akin? Eh, sa likod nga ng bahay kayo gumagawa ng karahasan, hindi kayo nahiya, e. Saakin pa kaya." Patuloy ko.

"I didn't know why I am wasting my time for you two, fucking cheaters." I laughed sarcastically. "Ate Elaiza will surely know about this."

Tinalikuran ko na sila at pumunta na kay Shiro, nakita ko itong nakikipag laro kay Shertia sa kama, nang makita naman niya ako ay tumigil siya at nilapitan ako.

"Is everything okay, hmm?" Tanong niya. Hinawakan din niya ang dalawa kong kamay at hinaplos 'yon.

"I don't know why they need to cheat. Kahit na alam nilang masasaktan nila 'yung tao na walang ginawa kundi magmahal." Umupo ako sa kama at huminga ng malalim. Tumabi naman ito sa 'kin at tinignan ako, nakangisi pa.

"Isn't it obvious? They cheat because they're not contented with someone's love, they want another who can make them happy." wika nito. Nasa probinsya kami pero english pa rin siya ng english.

"Ay, dito kayo matutulog, 'di ba? Hinanda ko na 'yung kabilang kwarto, pero walang aircon doon." Sabat ni Tita na pumasok ng kwarto, lumapit naman ito sa cabinet at kinuha ang ibang mga unan. "Doon na lang kayo, mas maluwang at mas malambot ang kama, si Ezryn pa ang bumili." Pagkwento nito.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now