Chapter 05

2.7K 55 1
                                    

"Hoy babaita ka!" bungad saakin ni Zaliah nang makita akong papasok ng opisina. "Saan ka nagpunta kahapon, ha?! Pumunta dito 'yung kaibigan mong Ocampo!"

Hindi ko siya sinagot at pumasok na lang. Sinundan pa din niya ako, umupo pa sa swivel chair ko, kapal talaga.

"Kasama mo daw si Sir Salazar, sumakay daw kayo sa iisang kotse, saan kayo pumunta?!"

"Alis ka dyan, magta-trabaho na'ko." pag-iwas ko. Walang kwenta kung sasagutin ko ang lahat ng 'yon.

"Saan nga?" lumambot ang boses nito. Gusto lang naman nito ng sagot, e.

"Basta."

Tumayo siya doon at tinignan ako. Umupo nalang siya sa harap ko at nakatitig pa din saakin na animo'y may ginawa akong mali sakaniya.

"Alam mo, kahit anong titig mo sa 'kin dyan, hindi ko sasagutin 'yang mga tanong mo, 'no." ngumisi ako.

Padabog siyang tumayo at nang mabuksan ang pintuan ng opisina ko ay bigla din niya 'yon isinara at tumakbo sa likod ko.

"Si Sir Salazar, gagi.." ginulo niya at pinaikot ang swivel chair ko paharap sakaniya. "Nakita ko siyang pumasok ng opisina niya, t-te, may dugo 'yung tagiliran niya.."

"Ha?!"

Palabas na sana ako ng opisina nang bumungad saakin ang guard ni Shiro. "Architect Avila? Ezryn, right? Sir Salazar is calling you, let's go."

Nang makapasok kami ng opisina ni Shiro ay nakita ko siyang nakahiga sa couch at dumudugo ang tagiliran. Agad ko din 'yun nilapitan, tumigil na ang dugo pero malaki ang sugat nito.

"Napabayaan namin siya kanina, hindi naman namin alam na may naka-abang sakaniya, pinakuha lang niya sa 'kin 'yung relo niya sa sasakyan, pagbalik ko, ayan na, may dugo na sa tagiliran." pagkwento nung Ivan na kaibigan niya pero guard niya,

"This is just nothing, go back to your work." sabat ni Shiro.

Diniinan ko naman ang paghawak sa sugat niya kaya napapikit siya, bakit ba ayaw niyang sabihin na nasasaktan na siya?

"I said go back to you work!" he yelled. "Except you, Ezryn."

Lahat sila ay nagsilabasan na sa opisina at kaming dalawa na lang ni Shiro ang naiwan dito. Matagal din kaming natahimik, tanging aircon lang ang naririnig.

"Tatawagin ko 'yung kaibigan mo, magpahatid ka na sa ospital bago pa lumaki 'yang butas sa tagiliran mo, bago ka pa maubusan ng dugo." I broke the silence. Ngumiti pa siya sa 'kin at umupo.

"Wala 'to, it's protected. I knew this is gonna happen, so I always wore my protecting vest."

"Eh? Bakit dumudugo?" kuryos na tanong ko naman. Protecting vest daw pero may dugo, amp.

"Natamaan lang ang balat ko, kaya nasugat. But it's nothing. I'm not hurt by the way." sagot niya habang tinatanggal ang butones ng black sleeves niya.

Nang matanggal niya 'yon ay umiwas ako ng tingin dahil ayokong makakita ng sugat na may umaagos na dugo. Hindi ako takot sa dugo, takot ako sa sugat.

"Oh come on, Ezryn. Look at me. Kung makaiwas ka kala mo naman di mo pa ko nahahalikan." he teased.

Agad akong tumayo at kinuha ang first aid kit. Hindi ako ang mag-gagamot sakaniya, siya mag gagamot sa sarili niya. Ayoko talagang makakita ng sugat na rumaragasa ang dugo. Ew!

"Gamutin mo sarili mo, kaya mo na 'yan." binato ko sakaniya 'yon. 'Di ko naman sinasadyang matatamaan 'yung sugat niya, e.

Tinignan lang niya ako ng masama bago naglagay ng betadine sa bulak at dinampi dampi iyon sa sugat niya.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now