Chapter 48

1.6K 30 0
                                        

Pagkatapos naming mag-impake ay agad na pinatulog ni Shiro si Eloise, sabi niya ay bukas na daw kami lilipat sa Rizal, sakto namang uuwi na sila mama mamayang madaling araw galing sa Mindanao, kaya makakapag paalam ako ng maayos, lalo na kay Noah, close na close kami non.

"Allysa judged you?" he asked when I layed beside Eloise. Napatingin naman ako sakaniya, paano niya nalaman? "Marielle texted me."

"Wala 'yun, maliit na hindi pagkakaunawaan lang." I lied. Hindi 'yon maliit na hindi pagkakaunawaan, malaki 'yon.

"Bakit ka niya hinusgahan?" tanong niya habang nakatingin pa rin saakin.

"Wala nga. 'Wag na nating pag-usapan pa." I closed my eyes, now ready to sleep.

Maaga akong nagising dahil kailangan maaga kaming makakarating doon, and to have breakfast with my parents. For the last time.

Umupo ako sa tapat nila at naglagay ng gatas sa cerial ni Eloise. Tahimik lang kaming kumain, kaya nag-ayos na ako habang nilalagay ng driver ang mga gamit namin sa van.

Nang makababa, agad akong niyakap ni Noah, nauna na sila Shiro sa sasakyan dahil kanina pa nangungulit si Eloise.

I kneeled and wiped his tears when I saw it fell down on his cheeks, "Lilipat lang ng bahay si ate, why are you crying?"

"Hindi na kita makikita.." he sobbed. My parents are just looking at me.

"Makikita mo pa ako, hindi naman ako mamamatay, e, saka, ang lapit lapit lang ng Rizal, pwede kang magpahatid doon anytime you want." I hugged him tightly.

"I don't know how to drive.."

"Wala bang driver? Pasundo kita dito every weekends, hmm? Maglalaro ka with Eloise ro'n," I smiled.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na akong tawagin ni Shiro kaya tumayo na ako at tinignan ang mga magulang ko.

"Take care of her," bilin ni papa. Hinawakan ni Shir ang bewang ko at tumango.

"I will, Sir. Thank you for taking care of them for five years, it is now my turn." he answered respectfully.

Niyakap ko sila at tuluyan nang umalis sa bahay na 'yon. Tahimik lang ako buong byahe not until makita ko ang isang pamilyar na mukhang nakasalubong namin, binuksan ko ang bintana at binaba ang shades ko, nang makita ako ni ate Elaiza ay agad kong sinarado ang bintana ng kotse.

I don't want them to see my daughter, nor my fiancee.

"Francine is here?" tanong saakin ni Shiro nang makarating kami. Bumaba ito at kumatok sa bintana ng kotseng nasa harap ng sasakyan na ginamit namin.

Bumaba roon si Francine na hawak ang kamay ng anak nila, kaya bumaba ako kasama si Eloise, nginitian naman ako nito.

"Hi.." bati niya. "Pwede bang.. Saiyo na si Axl?" tanong nito kay Shiro, tumingin naman ito saakin kaya tumango ako.

Wala namang mali saakin kung titira saamin si Axl. Maganda na din 'yun para maging close sila ng kapatid niya.

"Ezryn, ayos lang ba? Alam kong makapal na ang mukha ko, sinakripisyo mo na nga ang kasiyahan mo para saakin, tapos ibibigay ko pa sainyo si Axl, sorry, hindi ko kasi siya pwedeng dalhin sa Hongk-" Shiro cut her off.

"Hongkong? You're leaving?" he asked.

"Yes, for good." she nodded.

"Why?" sabat ko. Ngayon ay nasa loob ng bahay na sila Axl at Eloise dahil pinauna na namin sila. "May anak ka pa rito sa Pilipinas, anong rason mo at bakit ka aalis?"

"Para itama ang mga pagkakamali ko."

"Nandito ang mga pagkakamali mo, wala sa Hongkong." pagsagot ko. "Saka, paano si Axl dito?"

"I am one hundred percent sure he'll live his best life with his dad and his step mother, hindi ako nagaalala." umayos siya ng tayo.

"Safe skies, then," Shiro hugged her.

"Kailan kasal niyo? Susubukan kong umattend." she tried to joke. "Time's up, I need to go, mali-late na ko sa flight ko." she looked at her watch and about to enter her car when I called her name.

"Francine." naglakad ako palapit sakaniya at niyakap siya. "Ingat, ha, makakahanap ka rin ng para sa 'yo, mas pogi pa dyan kay Shiro." I laughed.

"I hope so, please take care of my son, Ezryn," bilin niya.

"Ako ang bahala sa anak mo, hindi ka niyan makakalimutan bilang nanay niya, I won't let that happen." I assured to her.

Umalis na siya kaya pumasok na kami sa loob at nakitang nagtatakbuhan na ang dalawa, hinayaan lang namin sila dyan at umakyat na sa kwarto. Umupo ako sa kama habang siya ay nakatayo sa harap ko.

"Are you okay?" he asked.

"May na-realize lang ako,"
"What is it?" he asked again while unbotting his polo.

"Na kailangan pala patawarin mo 'yung tao kahit gaano pa kasama ang mga bagay na ginawa o inagaw niya sa 'yo, kasi, anytime, they can leave, kagaya ni Francine, hindi ko pa siya napapatawad, pero aalis na siya, ayokong umalis siya nang may ama ng loob kami sa isa't isa, kaya pinatawad ko na. And, in order to be free, you need to forgive someone." I answered and smiled. "Pero aaminin ko, hindi rin madaling magpatawad, 'no. Ikaw, limang taon bago kita napatawad, 'di ba?"

"Ako nanaman." he complained and sat beside me.

"Paanong hindi ikaw? Sa lahat ng taong nagkaroon ng kasalanan saakin, ikaw ang kinamuhian ko ng sobra sobra, nanakit ka, e." I laughed sarcastically, "Pero bukod sa 'yo, may kinamumuhian pa akong iba."

"Who?" he asked and layed on the bed.

"Sila tita." I answered.

"Galit ka pa rin sakanila?" napabangon siya bigla at tinignan ako.

I nodded. "Yeah, para bang pinagkait nila saakin na makasama ko ang tunay kong mga magulang at ang kapatid ko ng halos buong buhay ko. Si Tita, alam niyang hindi ako ang tunay nilang anak, pero ano? Pinili niya ang itago 'yon saakin, ang daming beses naming nagkasama na kaming dalawa lang, pero, hindi pa rin niya sinabi. Kung sinabi niya, hindi siya madadamay sa galit ko, hindi siya maiisama sa mga taong kinamumuhian ko."

"Do you want to be free?" tanong niyang tinanguan ko. "Then forgive them, like what you said, in order to be free, you need to forgive someone."

The CEO's Weakness

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now