Chapter 09

2.1K 36 0
                                    

"G-gusto mo ko, Sir?"

Binasag ko ang katahimikan saaming dalawa nang sabihin niyang gusto niya ko. Sinabi na niya 'yon nung nag-inuman kaming dalawa sa condo unit niya pero hindi ako naniwala dahil nakainom siya no'n. E ngayon? Wine lang naman ang iniinom niya, at hindi naman 'yon nakakalasing, e.

Pumunta siya sa sala nila at umupo sa sofa. Naka-dekwatro din niyang pinwesto ang mga paa. Ewan ko kung may balak siyang sagutin ang pagka-klarong tanong ko o wala. Maliit pa siyang tumawa saka uminom, sira na ata ulo nito, e.

"Unbelievable, right?" he chuckled. Oo, hindi kapani-paniwalang magkakagusto ang lalaking 'to sa 'kin, 'di ko naman siya hinaharot, so pa 'no siya nagkagusto sa 'kin? Lol, niloloko lang ako. Peste.

"I said what I said. That's all, I like you." tumayo siya at nilapag ang baso sa lamesa, naglakad pa ito palapit saakin. Kinuha niya ang baso ko saka 'yon ininom ng walang preno. 'Yung Adam's Apple niya, please!

"Now, let's sleep." bulong niya saka na naunang umakyat. Sumunod naman ako at pumasok sa kwarto kung saan siya pumasok, nakita ko din si Shertia na natutulog sa kama ni Shiro.

Nag-ayos ako ng sarili saka tumabi sakaniya, si Shiro ay may pinapanood pa sa cellphone kaya nauna na akong matulog, alas tres na din kasi ng madaling araw.

"Ate, wake up, I'm hungry.." ina-alog ni Shertia ang balikat ko habang naka-upo sa tabi ko. Nang tignan ko naman siya ay magulo pa ang buhok nito at naka pajamas pa.

Agad din akong tumayo at pumunta ng c.r para mag toothbrush at mag-ayos ng sarili. Teka, hindi ko nakita si Shiro sa kama niya, ah. Sa'n nanaman nagpunta 'yung mokong na 'yun?

"Sa'n si Kuya mo?" tanong ko kay Shertia nang makabalik. Tumatalon talon naman ito sa kama, akala ko ba gutom? Pero bakit ang lakas ng energy?

Napatigil siya at dumungaw sa ilalim ng kama. "There he is!" sigaw niya.

Tinignan ko naman 'yon at nakita si Shiro na nanonood pa. Putangina. Hindi pa siya natutulog?

"Hoy, Shiro!" binato ko sakaniya 'yung tsinelas ni Shertia pero hindi pa din lumilingon. Naka-earphones ata.

Hinila naming dalawa ni Shertia ang paa niya palabas doon at nakita siyang tulog. Ano bang trip ng lalaking 'to at natulog sa ilalim ng kama niya?

"Hayaan mo na 'yan d'yan, halika baba na tayo." aya ko kay Shertia. Pinalo pa nito ang dibdib ni Shiro saka na ako mabilis na hinila palabas.

Sinamahan lang niya akong gumawa ng gusto niyang waffle saka 'yon inihanda sa dining. Habang kumakain siya ay nagkakape naman ako dahil hindi pa ko nagugutom.

Pagkatapos naman niyang kumain ay pina-switch niya 'yung TV kaya sinamahan ko na lang. Hindi naman ako nanonood dahil pambata 'yung pinapanood niya, nagce-cellphone lang ako.

"Did you eat?" tanong saamin ni Shiro habang nagsusuot ng t-shirt. Hindi na namin siya sinagot kasi pareho kami ni Shertia na natatawa sa itsura ni Shiro kanina.

"Ate, let's bake some cupcakes later." Shertia pouted. Nakakita lang sa TV ng nagbe-bake ng cupcakes, e gagayahin na. Wow. Yaman naman, chariz.

"Kung may mga gamit dyan, sige." pag-payag ko naman.

"Walang gamit pang-bake dito." sabat ni Shiro na kumakain ng tinapay. "Kidding."

"Epal." bulong ko, pero hindi naman niya dapat marinig 'yon, e.

"Ano 'yon?" sumingkit ang mata niya sa 'kin. Gago ang cute niya! Pa 'no ba 'to i-resist? Shuta!

Pasimple lang akong tumawa bago ko itinuon ang pansin kay Shertia, nakahiga lang ito sa legs ko habang nanonood, si Shiro naman ay pinapakealaman ang cellphone ko. Hindi din natuloy ang gusto ni Shertia na magbake kami dahil inaya na siya ni Shiro na maglaro sa arcade. Pero hindi din kami natuloy dahil biglang nagbago ang isip ng magkapatid, gusto na nila ngayon magrelax sa kwarto at manood, sabagay, maulan din kaya malamig.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now