Dalawang linggo na kaming hindi masyadong nakakapag usap ni Shiro dahil sobrang busy, naging dalawa ang project ko, at siya naman ay pa-alis alis ng bansa dahil sa meetings with his business partners.
Ayos lang naman 'yon, kailangan niyang mag focus sa trabaho niya, at gano'n din ako. Nagdala na rin ako ng flat sandals incase pumunta ako sa site mamaya, para may pangpalit ako kung matuloy ako.
Pagtapos ng meeting ay nagmamadaling lumabas si Shiro ng conference room at pumasok agad ng opisina, ako naman ay pumunta na sa department namin para kumuha ng isang copy ng isang project namin.
Sinabihan din ako ni Zaliah na hinahanap ako ni Shiro sa opisina niya kaya dali-dali akong naglakad papasok doon, hinalikan naman agad niya ako sa pisngi at nagpaalam na aalis daw muna saglit.
Wow. Pinapunta niya 'ko rito, pero iiwan din agad niya 'ko. Pumunta na ako ng opisina ko para mag-palit ng flat sandals at nagdrive papunta sa site sa Rizal.
Nagsuot ako ng hard hat, at pinakita kay Engineer Marquez ang blue print, may iniiba siya, pero nakakapag sunduan naman namin kaya ayos lang.
Nang matapos ang araw na 'to, ay napagdesisyunan kong 'wag na munang pumasok bukas dahil wala rin naman akong gagawin, I also reviewed my schedule for tomorrow, and it's empty, so I decided to rest.
"Hey love."
Basang-basa na pumasok si Shiro sa condo unit ko kaya kinuha ko ang tuwalya saka iyon ipinunas sakaniya. Since umalis si Tita, dito siya natutulog, minsan doon sa condo niya, pero kadalasan ay dito.
"Maligo ka na muna don, ipaghahanda kita ng hapunan." I smiled awkwardly before walking thru the kitchen to cook his food. Shiro hugged my waist and put his face on top of my shoulder.
"I'm sorry for being busy."
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagluto, pati ako ay basa na, sabi ko maligo siya, e, inuuna ang landi. After he took his bath, he peacefully ate what I cooked before laying on the bed beside me.
Nakatalikod ako sakaniya at pinipilit na matulog pero hindi ko magawa, when I looked at him, he already fell asleep. He's tired of work. Okay.
Tumayo ako saka kinuha ang cellphone para magscroll sa Instagram. Wala rin akong napala kaya humiga na ako saka na natulog.
Pagkagising ko ng umaga, ay wala na siya, he left a sticky note on my bed side table.
'Goodmorning, it's your rest day, right? You can hangout with your friends, I'll just meet my friends. I love you.'
Pinunit ko 'yon saka naligo at nag-ayos ng sarili para mag-aksaya ng gas. Nakakasawa, ha. Ayos lang naman sa'kin na busy siya dahil sa trabaho, pero, nagsasawa akong mag-intindi kahit na alam kong walang ibang malisya ang pagiging busy niya.
Or baka meron? Baka pinaniniwalaan ko lang ang sarili ko na walang ibang malisya 'yon kahit na meron talaga? Ah, fuck, Ezryn Trishia! Stop overthinking!
Pero kung meron man, mas magandang sabihin na niya habang hindi pa humahaba ang relasyon namin, mas magandang sabihin niya ngayong tatlong buwan pa lang kami.
"Did you eat lunch?" he asked as he saw me drinking coffee in the kitchen.
I rolled my eyes on him before spilling my coffee into sink and faced him again. "Busy ba talaga sa trabaho, o busy sa paglandi pabalik sa kaibigan?" sarkastiktong tanong ko.
"Alam mo kung ako sa 'yo, sabihin mo na ng maaga ang ginagawa mo habang hindi pa humahaba 'tong inaamag na relasyon natin." patuloy ko. He looked so confused about what I told him.
YOU ARE READING
The CEO's Weakness | UNDER EDITING
Romancethe ceo's weakness a young millionaire ceo, shiro ezekiel salazar and an architect of his company who just graduated, ezryn trishia avila ••• solliary, 2022