Chapter 14

1.8K 34 0
                                    

Habang nasa daan na ako papunta sa kompanya ay bigla kong nakita ang kotse ni Shiro sa gilid, naka-bukas din ang bintana nito kaya tumapat ako doon at saka siya tinawag para sabay na kami papunta ng kompanya.

"Let's go?"

May sumilip na babae mula sa shotgun seat at nakita ko si Francine na itinaas pa ang kamay nila ni Shiro na magkahawak, agad namang binaba ni Shiro ang kamay niya saka tumingin ng masama kay Francine, peke naman akong ngumiti.

"Una na pala ako." maayos na paalam ko saka na nagdrive ulit. Hindi ako nagseselos, pero sinabihan niya ako na mahal niya ako, pero magkahawak sila ni Francine ng kamay.

"Hi." bati ko kay Zaliah nang makaupo ako sa tapat nito. She looked at me for a second and stood up to hug me. Magdadrama nanaman ba siya or what?

"Musta?" tanong niya sa 'kin. Aba, ang sweet ng boses niya ngayon. May kailangan siguro ang babaeng 'to, 'di ako sanay na ganun ang boses niya. Kadalasan kasi ay makulit ang babaeng 'to at madaldal pa.

"Ayos lang." pagsakay ko naman sa trip niya.

Sumeryoso ang mukha nito sa 'kin saka umupo na sa tabi ko. Hindi naman siguro halata na hindi ako okay, 'no? For sure hindi, hindi naman ako nagpapahalata sa mga taong kaharap ko kapag hindi ako okay, eh.

Hindi na niya ako sinagot pa at binigyan na lang ng mani na kinakain niya, gusto kong magbakasyon kina mama at papa, malapit na rin kasi ang birthday ni Louisse and I want to surprise her by arranging her birthday celebration.

"Can I... file a leave, Sir?" pormal na wika ko nang makaupo ako sa tapat ni Shiro. Madiin siyang tumingin saakin at tiniklop ang folder na may lamang papeles ng kompanya.

"Sure, where are you going?" tanong niya. Sumingkit pa ang mga mata nito saakin, pasimple akong umirap.

"Province. My niece's birthday is coming and I want to surprise her. I want to file a leave sana."

Nagkunwari pa siyang nagiisip na parang tanga, bakit ba hindi na lang niya sabihin kung pwede o hindi? Nagmumukha tuloy siyang tanga sa ginagawa niya ngayon.

"Sure." sagot niya matapos ang ilang minuto. "But, you're going with me." sagot ulit niyang kinainis ko. Nahihibang na ba siya?

Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako, "No more buts. I am your husband, so pack your things and let's go."

Umirap ako sa hangin saka padabog na tumayo, bago lumabas ng opisina niya ay kinuha ko ang unan sa couch niya saka 'yon binato, tumawa lang siya roon.

Nagpa-alam na ako kay Tita at ginising na rin siya dahil napag-desisyunan namin ni Shiro na umalis ng madaling araw kaming bumyahe para malamig at 'di na kailangang mag aircon sa kotse.

"Mamamatay na ko dito, please switch the aircon, Ez." wika ni Shiro habang nagdadrive. OA naman! Isang oras pa lang, eh!

"Che! Nakabukas na nga ang bintana kahit sa backseat, naka bukas. 'Wag mo naman ipahalatang richkid ka." I chuckled.

Madrama siyang nagpunas ng noo niya kahit na wala namang pawis. Tumigil pa ito sa gilid at naghubad ng t-shirt, fuck ang hot!

"Mag... mag damit ka! Ang lamig lamig, e!"

Hindi ko siya tinitignan hanggang sa sinwitch na nga niya ang aircon, bakit ba napaka-arte ng lalaking 'to? Dinaig pa 'ko na babae, or talagang rich kid lang talaga siya at hindi sanay sa walang aircon?

Nang makarating kami doon ay madaling araw na kaya kumatok na lang ako at binuksan ni kuya Rhalf ang pinto, akala niya ay wala akong kasama kaya hinawakan niya ang bewang ko pero nang makita niya si Shiro ay agad niya ring tinanggal.

The CEO's Weakness | UNDER EDITING Where stories live. Discover now