Athanasia's POV
Napamulat ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana at chineck ang orasan. Bumangon na ako at inayos ang higaan bago nag-tungo sa banyo. Mabilisan akong naligo at nag-bihis. Nag-lace up shorts lang ako na black at plaid O-ring zipper cold shoulder blouse. Hindi naman ako aalis kaya ito lang ang sinuot ko. Nakarinig ako ng mga nag-tatawanan sa labas kaya hinawi ko ang kurtina ng balcony at napangiti ng makitang nag-hahabulan sila kaius at zeke.
"Hi po mommy! Baba ka po laro tayo!" Nginitian ko naman ito at gaya ng sinabi niya ay lumabas ako. Pagkalapit ko sakanila ay nakipag-laro kaagad si zeke sa akin. Gumawa kami ng sand castle at kumain ng gusto niyang kainin. At nang dumating ang tanghali ay doon kami kumain sa Moon's Restaurant. Matapos ang mangyari kahapon ay hindi ko na nakita pa si tito Kaiser. Maybe he's busy with work because I know he's so workaholic like daddy. Pareha talaga ang dalawang yun. And right, speaking of daddy tumawag ako kagabi sakanila para makibalita and they told me they're going to Tokyo Japan for the opening of our second Mall there. I didn't say anything of course, kasi alam ko naman na ang tungkol don na malapit na ang opening ng Mall namin.
Surprisingly wala namang galaw ang mga Beatraux. But at the same time it is literally weird.
"Athy, kumain kana. Ano pang tinutunganga mo dyan? Baka maubusan ka." Napatingin ako kay kaius sa gilid ko. Next to him is zendee. Si zaire ay nasa kabilang gilid ko at sinusubuan si zeke. Ako nalang pala ang hindi pa kumakain. Sinamaan ko naman ng tingin si kaius at nagsimula nang kumain. It has already been three weeks and Four days and yeah malapit na akong mag-buwan dito.
After I assure their safety, I am going back home. Tutal maayos naman na si tita, and I had a deal with mom na babalik ako after a month kaya kami nandito sa tagaytay para mag-bonding. Isasama ko si zeke of course, dahil sa kagustuhan na din niyang makita sila daddy sa personal. But I'll still keep my eyes on them kasi mahirap na at may kasama kaming traydor sa iisang bubong. You know what I mean.
Napatingin naman si zendee sa akin at ngumiti na kamuntikan ko nang irapan. Napigilan ko lang ng dahil napatingin din sakin sina tita. Nakakairita talaga ang pagmumukha niya. Ang kapal-kapal na nga, ang laki pa ng noo niya. Wide space, pwede nang paghukayan ng libingan niya. Tutal, nalalapit naman na din ang kamatayan niya. Mag-hukay nalang ang kulang pero pwede ko naman siyang ilibing na buhay.
Nag-iwas nalang ako ng tingin sakanya at nag-tuloy sa pag-kain. Baka mawalan pa ako ng gana ng dahil sa plastic niyang face. Inirapan ko nalang ang pagkain ko.
"Ate, mag-scuba diving tayo mamaya. Pwede?" Agaw pansin ni zaire sakin napataas naman ang kilay ko pero kalaunan ay tumango din. Maybe sea water can make my head cold. Ang init-init kasi ng ulo ko. Idagdag pa na nakatingin sakin si chado. Mukhang chaka doll kasi ang pagmumukha niya at idagdag pa na ang kapal ewan ko nalang. Maski bakal siguro mababali sa tigas ng pagmumukha niya.
Come on, how long are you going to keep up the act?
Nakakasawa na kasing makipaglaro sakanya.
"Mommy, tita zaire said there are fishes there? Can I also see them?" Kunot-noo akong napalingon kay zeke sa sinabi niya. Sasama siya? Marunong kaya itong lumangoy?
"Ang tanong marunong kabang lumangoy, zeke?" Pagtatanong ko. Napatingin naman ito kay zaire at tumingin din sakin.
"Sabi po ni tita zaire gagabayan mo po ako. Ayaw ni mommy na sumama si zeke?" Inosenteng tanong nito at napa 'ha' naman ako. May sinabi ba ako na ayaw ko siyang sumama? Wala naman diba?
"Ano? May sinabi ba ako na ayaw ko? I just asked if you know how to swim, zeke. Wala namang kaso kung marunong ka lumangoy, kasama mo naman ako." Paulit-ulit naman na tumango si zeke.
YOU ARE READING
One Deep Love
RomansAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...