Athanasia's POV
Matapos ang ginawa ko kahapon ay umuwi na ako kasi satisfied na ako sa nagawa ko, and when I got home from eliminating one of their hideouts nakita kong nandito sila kaius.
He saw me, soaked in blood. But it's not mine. Ngayon naman ay hindi pa siya tapos sa kaka-sermon sakin. Kahapon pa siya simula pag dating ko sermon na siya ng sermon. Nakakairita na din ang bibig niya. Para siyang sirang plaka na gusto ko na siyang sapakin.
"Alam mo ba na yung ginawa mo ay napaka-delekado?! At sumugod ka pang mag-isa without even thinking what might happen to you, stupid! Wag mo nang ulitin ang ginawa mo, naiintindihan mo'ko?! Hey, are you even listening to me?!" Bagot na bagot ko na siyang pinakinggan simula pa kahapon, eh wala namang ibang lumalabas sa bibig niya kundi 'napaka-delekado ng ginawa mo, wag mo nang uulitin!' 'sumugod ka pang mag-isa paano nalang kung madami sila?!' 'ang tigas ng ulo mo!'
"Yes, yes. Nakikinig ako." Bagot kong sabi at sumubo ng isang popcorn habang nakatingin sa tv na palabas at demon slayer na movie season two.
"Aray! Maka-batok naman 'to oh! Ano akala mo sakin, semento? Ang sakit kaya!" Singhal ko sakanya ng bigla niya akong binatukan. Mabuti nalang at hawak ko ang popcorn na Nakalagay sa hita ko, kundi nahulog na iyon.
"It's because you're not listening! Would you listen to me just once, Athanasia Skye?!" Singhal din nito sakin. Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak-hawak ang ulo kong binatukan niya. Nasa harapan ko siya ngayon at nag-mukha siyang si mommy sa pagse-sermon sakin.
"I am damn listening, you violent alien!" Sabi ko sakanya. Sila tita ay nasa kusina at nag-luluto. I insisted but, she said she should cook. Kaya hinayaan ko na lang siya. Matapos akong sermonan ni tita at tito kahapon, sumunod naman si zaire at kaius ngayon. Kakatapos lang akong sermonan ni zaire nang kagigising ko palang, hanggang dito ba naman sa salas may sesermon pa rin sakin.
"It doesn't look like you are! Look at that expression and face you're making! You brat makinig ka nga sakin!"
"Eh ano pa bang sasabihin mo?! Kahapon kapa putak ng putak para kang manok na hindi binigyan ng pagkain! Paulit-ulit ka eh!" Inis na ani ko. Sumubo ako ng popcorn bago siya inirapan na ngayon ay nakataas ang kilay sakin.
"Well, napaka-tigas kasi ng ulo mo! You could've died there! Are you even thinking?!"
"Don't you trust me, Kaius Lorenzo?! Masamang damo ako kaya mahirap akong patumbahin nor patayin!" Bato ko sakanya pabalik.
"I don't trust you right now. Even the most strongest person falls. Kahit na masamang damo ka pa, pwede ka pa ring mamatay! You're also a human, Athy." Natahimik ako sa sinabi niya at sumubo nalang ng popcorn. Sinadya kong punuin ang bibig ko para hindi na ako makapag-salita pa.
"Hey, can you two fucking lower your voices?! You're shouting like an idiots, ano bang sinisigaw nyo?!" Biglang pasok ni zaire at binato sa akin ang unan na dala niya dahilan para mahulog ako sa sofa. It's a good thing na naitaas ko ang popcorn ng mahulog ako kaya hindi nahulog. Kakagising lang niya matapos niya akong sermonan kanina ay natulog ulit siya. Imagine, senermonan niya ako ng 5 am natapos siya sa pag-sermon sakin ng 7 am. It's already 11 in the morning.
"Aray ha! Mag-kapatid nga kayo, ang ba-bayolente nyo! No doubt! Tang na juice yan." Inis na turan ko at tumayo habang hindi parin binibitawan ang lalagyan ng popcorn.
"Ayan napapala mo kapag hindi mo inayos yang pagkaka-upo mo! Patingin nga!" Tinakpan ko ang taenga ng sumigaw na naman ulit siya. Ang lapit-lapit pa sakin ng lalaking 'to. Tinignan niya kung may bukol ba ang ulo ko at sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit kaba sumisigaw?! Ang lapit-lapit lang natin eh sumisigaw ka!" Angil ko at tinulak siya palayo sakin. Ang lapit-lapit eh maka-sigaw naman 'to. Dinaig pa babae what the hell. Tinakpan din niya ang taenga niya at masama akong tinignan.

YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...