Special Chapter 1

33 3 0
                                    

4 years later....


"Mommy, wake up!"

"Hush, love, your mommy's sleeping."

"But I wanna play with mommy, daddy... Ayaw ba ni mommy makipaglaro sakin?"

"Of course not, love. Natutulog ang mommy so you go play with Zenith instead, hm?"

"Aww, I don't want to. Zenith doesn't want to play with me and just read books all day!"

Lumundag-lundag ang kama kaya wala akong nagawa at gumising na lang. Nakita nang dalawa ang pag-galaw ko dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Ang iingay niyo, hon." Bati ko sakanya at pabiro siyang inirapan.

"Good afternoon too, wife." He sarcastically said and kissed me. Pinalo ko naman nang mahina ang dibdib niya dahil doon.

"There's a kid watching, Kaius."

"Well? Zenin is our son anyway, what's wrong with that?" Hindi ko na lang siya pinansin at bumaba ng kama para buhatin ang anak ko na nakanguso at lumulubo ang pisngi.

"Good afternoon, love." I gently kissed his chubby cheek and snuggled my nose on his. Nabuo naman ang araw ko nang narinig ko ang pagtawa niya.

God, I so love my family.

"Why did Zenin got a good afternoon hug and not me?! I'm the husband here, it's so unfair!" Tinawanan lang namin siya ni Zenin at lumabas ng kwarto para puntahan ang mga kapatid niya sa playroom.

Ginigising ako para makipaglaro sa kanya. Ayaw ba naman makalaro ang ama niya kasi palagi niya itong inaasar.

"Mommy, why does Brother Zenith not want to play with me? Does he not love me anymore? Does he love his books more than me and Aurelia?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin na ikinangiwi ko.

Kung si Zenith ay tahimik, kabaliktaran naman nito ang kapatid na si Zenin. Samantalang pinaghati naman ang mga ugali nila sa bunso na si Aurelia. May halong tahimik na minsan naman ay madaldal. Naka-depende lang sa magiging mood niya.

They are triplets. I didn't even expect three kids on my first night with my husband, but he's a sharpshooter.

Nakatatlo agad. At madagdagan pa.

Pagpasok namin sa playroom nilang tatlo ay naabutan namin ang kapatid niyang babae na naglalaro sa train station ng Kuya Zenith niya.

Pagtingin ko naman sa anak kong si Zenith ay ayun, napakaraming libro na nakapatong sa mini table nito at nagbabasa.

Napailing na lang ako at tumingin sa karga-karga kong anak. Kawawa naman ang Zenin ko, hindi pinapansin nang dalawa niyang kapatid.

"Saan mo ba gustong maglaro tayo, love?" Tanong ko sakanya. Itinuro naman nito ang drawing table niya na ikinatango ko.

Makikipaglaro siya sa akin sa pamamagitan ng pagpipinta at pagd-drawing. Fine.

Sasabak na naman ako sa gyera nito.

At ayun nga ang nangyari. Ilang ulit akong natalo sakanya sa pag-drawing ng mga anime characters dahil medyo mahina pa ako sa pag-drawing dito.

But in terms of drawing buildings and landscapes, I'm more than skilled. Pero sige, makikisaby na lang ako sa anak ko at kawawa naman dahil walang makalaro.

Hindi naglaon ay sumali naman ang dalawa niyang kapatid sa pagpipinta at masasabi kong matatalo ako sa kanilang tatlo.

Ang gagaling talaga ng mga anak ko.

One Deep Love Where stories live. Discover now