Athanasia's POV
"ATE! Bumangon kana! Pupunta pa tayong batangas!" Nagising ako sa pag-alog ni zaire sakin. Kinusot-kusot ko naman ang mga mata ko pero hindi ako bumangon.
"Mm... What time is it?" I asked her with my bedroom voice. Napa-daing naman ako ng may dumagan sa likuran ko. Naka-dapa kasi ako ng higa.
"Mommy! Gising na po!" Lumundag-lundag si zeke sa likuran ko kaya sapilitan akong napa-harap sakanya.
"Stop it, baby. Gising na si mommy." Senenyasan ko siyang lumapit sakin at ng makalapit siya ay mabilis ko siyang niyakap pahiga. Hinalik-halikan niya ang pisngi ko at tinatampal niya ito ng mahina.
"Mommy~ it's already 10 in the morning na po. Gising kana po." Napangiti ako ng hinalikan ako nito sa mga mata.
It's good to wake up in the morning if he'll wake me up like this. Nakaka-gaan sa pakiramdam..
"Ate, tumayo kana! Iiwan ka namin nila kuya, tamo!" Tumayo na ako habang yakap-yakap si zeke sa mga bisig ko. Ayoko pang tumayo. But I have no choice kaya kikilos nalang ako. Pumasok ang dalawang katulong at sila na ang nag-ayos ng higaan ko. I went inside the bathroom and took a bath. Wala pa sana akong balak lumabas ng tawagin ako ni zeke kaya tumayo nalang din ako.
Mabilisan akong nag-bihis at lumabas na ng kwarto ko habang humihikab. Nakasalubong ko pa si kaius na kakalabas lang din ng kwarto nito. "Good morning." Bati nito sakin saka tuluyang sinara ang pintuan ng kwarto niya.
"Good morning din." Bati ko pabalik bago sinabayan siya sa paglalakad patungo sa ibaba. When we got down the stairs, nakita namin silang nag-aayos ng kanilang mga gamit. Kaniya-kaniyang mga backpacks ang mga inaasikaso. Si zeke at zaire naman ay nag-aayos din habang ngiting-ngiti naman ang bata. Nang makita nila kami ay unang tumakbo si zeke papunta sakin at niyakap ang tuhod ko.
"Mommy, everything is ready na po. Your clothes are all ready, and are taken care by me. Tinulungan po ako ni tita zaire." Buong pagmamalaki na ani nito na ikinagiti ko. I kissed his cheek at kinurot ko iyon matapos.
"Ready naba kayo? We'll just eat on the way. Or gusto nyo nalang bang mag-drive thru?" Tanong ni tita sa amin.
Tita got discharged last week and siya ang may sabi na mag-punta kami sa batangas. Family bonding daw kaso nga lang wala sila mom at dad. Pero sabi ni tita ay okay lang daw at babawi nalang kami sa susunod. Nag-plano pa nga akong tawagan sila pero natutulog sila ngayon kaya siguro mamaya nalang gabi.
"Mommy, dine in ako! I don't like eating on the way, because you know nasusuka ako." Ngumuso ito at tumingin sa amin. Nag-kibit balikat naman ako ng tumingin siya sakin bago ako nagpunta sa couch at chineck ang mga dala namin. Tito checked his wristwatch at napatango.
"Alright, we still have enough time to get there. Mag-dine in nalang tayo. Is that okay, kaius?" Tanong ni tito kay kaius. We know very well that he doesn't like wasting time kaya siya nagtatanong.
"Grandpa, grandpa! I also want to dine in. Can we? Can we?" Kumislap ang mga mata ni zeke at wala sa sarili naman akong napatingin kay kaius to see his reaction. This mf surely will let this pass. Kinalabit ako ni zeke at tinuro niya si kaius. Napatango naman ako ng maintindihan ko ang ibig niyang sabihin at naglakad papunta kay kaius. Zeke held out his hand, sign na gusto niyang buhatin siya ni kaius na mabilis namang kinarga si zeke.
"Tito-dad, tito-dad. Dine in po tayo." Nakatitig lang si kaius sa mukha ni zeke bago binaling ang mga mata sa amin isa-isa. Hindi makatanggi ng bata.
"Sige na kuya! It's not a waste of time, you know. Even your son wants to dine in." Napangiwi ako sakanya ng sabihin niya ang salitang 'son'. Siraulo itong gagang to. Napatingin naman ako kay kaius sa peripheral vision ko at nakita kong napangiti siya don bago mahinang natawa at napatingin sakin. I can hear their 'kyaa's' and whatsoever. Nanunukso ang mga tao sa paligid.

YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...