"Happy Birthday, zeke!" Kasabay ng pag-putok ng confetti ay ang pag-bati namin kay zeke na kararating lang. Gulat na gulat siya sa nakikita niya ngayon sa kanyang harapan na tila ba isa lang iyong panaginip para sakanya. Nilapitan ko ang anak ko at niyakap.
"Happy Eighth Birthday, baby ko. Namiss ka ni mommy." Paulit-ulit ko siyang hinagkan sa kanyang mukha habang nakangiti.
Hindi ko akalain na pinanindigan ko na ang pagiging nanay ko.
I didn't know this is the feeling of having a child your own."M-mommy..." Napakurap-kurap kami ng bigla nalang siyang umiyak.
"B-baby, bakit ka umiiyak, hmm? May nagawa ba si mommy na ayaw mo? Don't you like our birthday surprise for you?" Naga-alala kong tanong at pinahiran ng pisngi niya.
"No... It's just that... Thank you po, mommy." Napangiti ako doon at napatulo ang luha ko. Hindi ko talaga akalain na umabot kami sa birthday niya.
"Hey, big boy, si mommy mo lang ba ang pasasalamatan mo? We decorated this all for you so won't you thank us too?" Reklamo ni Kuya Auden.
"Wala kaming hug, bud?" Nakangising ani ni Kuya Lucas. Humiwalay naman si zeke sa akin at niyakap sila.
"Thank you Tito's for your hard work. Pati po si mommy at sa iba pang tumulong just to prepare this for me." Napa-baling ang tingin ko kay Kaius ng mag-lakad siya papunta sa akin habang nakangisi. He raised his hand asking for a high-five kaya binigyan ko.
"You owe me one, Athy." Napataas ang kilay ko ng dahil doon.
I owe him one? Since when?
"What? Since when did I owe you one?" Takang tanong ko. Humilig siya para bumulong at natuod naman ako sa kinatayuan ko.
"For leaving me alone with the four Helios' brothers. And for calling me baby." Automatic na napalayo ako sakanya at naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Nakangisi lang siya sa akin at tila natutuwa pa sa nakikita niya.
"W-what? That was t-two months ago, bakit naalala mo pa?" Namumulang tanong ko sakanya. Humakbang siya papalapit sa akin at parang naputulan ako ng oxygen ng hinawi niya ang hibla ng buhok ko at inilagay sa likuran ng aking taenga.
Close...
His face is so close! Shit, shit, shit!
"I have a good memory, baby. And you expect me to completely forget that, hm?" Nakangising ani nito. Napalunok ako ng dahil don. Busy ang lahat sa kaka-entertain kay zeke at kinakantahan na nila siya ng happy birthday pero eto kami ngayon dito, may sariling mundo.
Calm down... Calm down, Skye.
Nahihiya ako kasi baka rinig niya ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi pwede, hindi pwede. Mali 'to, Skye. Alam mong mali kaya tumigil ka. Hindi ka pwedeng kiligin! No, no!
Pero tangina, kinikilig kasi ako...
"S-so what? Alam mo, t-tumigil ka kasi kapag hindi masusuntok talaga kita." Mahinang ani ko. Hindi pa rin nawawala ang init sa mukha ko at nakakahiya lang kung makita niya kahit dim lights lang ang nandito sa garden.
God, why does he have to this beautiful?!
No, stop that weird thought, Skye. Kailangan mo na ng holy water.
"Hmm, really? I know you can't. You love me too much, so I doubt that you could punch me." Natigilan ako doon. Alam kong nag-bibiro lang siya pero may alam ba siya sa nararamdaman ko? Am I that obvious?
Hindi, imposible. Imposible na alam niyang may gusto ako sakanya, dahil alam kong mahal na mahal niya si zendee. Manhid siya. Oo, he doesn't know anything.

YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...