Chapter 23

89 4 0
                                        

Athanasia's POV

Nanatili kami roon ng ilang oras para mag-pahinga at pagkatapos ay umuwi na din kami kasama si zendee. Close na ang dalawa at nasabi na si Britney ang lahat sakanya and as usual, madali niyang na-patawad ang babae dahil anghel yan eh. When we came back, maayos na ang lahat sa pagitan namin. Pero nanatili pa rin na sikreto ang tungkol kay Britney kasi hindi pa daw siya handa at naiintindihan ko naman siya.

"Skye, I'm okay now. And I'm happy na nakasama mo na ulit ang pamilya mo. Salamat din sa pag-sagip niyo sakin mula sa puder nila." Kausap ni zendee sakin. Nasa may swimming pool kami at naka-tanaw sa kanila na naliligo. 7pm na ng gabi at dumating kami kaninang 6 tapos ngayon naman ay nag-swimming sila na para bang walang matinding training na naganap kaninang umaga.

"It's good to know that you're fine, zendee. And isa pa, balak naman talaga namin na kunin ka doon in the first place." Ngumiti ako sakanya at binaling ang tingin kay zeke na ngayon ay nasa gitna ng pool kasama si Kuya Kai.

Si Britney ay nasa loob at natutulog samantalang si Briana naman ay umuwi sa kanila since tumakas lang daw siya mula doon. Hindi ko pa rin talaga buong napagti-tiwalaan si Briana pero sinusubukan ko dahil sabi naman ni Britney ay hindi siya ang kalaban namin. Si dad at papa naman ay nasa loob at may kanilang mundo. Kami lang ang mga nandito.

"Nalilito ako kung dapat ba kitang tawagin na luna or skye kasi hindi naman iyon ang totoong pangalan mo pero baka mas sanay ka sa "skye". " Sabi nito dahilan para masira ang katahimikan sa pagitan namin. Nag-kibit balikat naman ako.

"I think you'll just gonna call me Luna. Nasanay na din kasi ako na palaging tinatawag na ganun araw-araw." Napatango siya at uminom sa glass niyang may juice.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalaman ko ng makita ko siya kahapon.

"Alam mo, akala ko talaga patay kana noon. Tapos makalipas ang tatlong taon ay nakita ulit kita. Akala ko ay kamukha at ka-edad mo lang pero ikaw pala iyon. I'm so happy to know that ikaw talaga iyon, Luna. Naalala mo pa yung unang pagki-kita natin nung mga bata pa tayo?" Nagtaka ako sa tanong niya.

"Alin don?" Tanong ko. Natawa naman siya ng malaman na naguguluhan ako.

"Yung luna. Yung totoong ikaw." Napangiti ako at napa-tango. Napatingin ako sa kalangitan na napupuno ng mga magagandang bituwin habang hindi napapawi ang ngiti sa labi ko.

"Oo naalala ko pa. We met at the playground inside the school nung four years old ako. You were being bullied by Damian again for the tenth time." Pareho kaming natawa sa sinabi ko.

"Yeah, and you came to save me from him. Actually, pagkatapos mo akong protektahan mula kay Damian noon, naisip ko na ikaw yung savior ko. I mean, totoo na ikaw yung savior ko pero I really admire you that time and until now. Naging mag-kaibigan tayo until we became the best of friends. Hindi ko talaga makakalimutan ang time na yun." Nakangiti akong tumango-tango.

Zendee was my first ever friend that I had. To put it shortly, we are best friends.

"At alam ko na may crush ka kay Kaius." Napatigil ako sa sinabi niya at kaagad na namula ang buong mukha ko.

"H-h-h-hindi no! I mean, slight lang pero hindi ibig sabihin nun na gusto ko talaga siya! It was just pag-hanga!" Mabilis kong tanggi. Malakas siyang natawa sa naging reaksyon ko.

Shit. He was my first love! Takte, nakakahiya.

"Oh, ede-deny pa. Alam ko naman na gusto mo talaga siya eh, sus." Pang-aasar pa nito sakin. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"I was just a child back then! Stop teasing me, zendee! It's only natural for a child to have a small-very small crush on someone their age! Kalimutan mo na nga iyon!" Singhal ko sakanya na nakangiti lang sa akin.

One Deep Love Where stories live. Discover now