Chapter 13

95 5 0
                                    

Athanasia's POV

Nakatulala ako sa kawalan habang iniisip ang mga mangyayari ngayon na wala na si mom. Si dad naman ay nasa coma pa kaya napapaisip nalang ako kung paano at ano ang uunahin kong trabahuin. Makakapag-antay naman siguro sila dahil alam nila ang nangyari. Pero kailangan ko talagang pumasok sa komapanya ng maipaliwanag ang mga nangyari. Medias are everywhere even paparazzi's kaya kailangan ko talagang lumabas para gawin ang trabaho ko bilang anak nila. They need my help right now inside the company so I have to move my body.

I handled my company well, so maybe I will do well today, right?

Sa totoo lang wala talaga akong gana na lumabas at mag-explain kung anong nangyari sa pamilya ko, pero nasa news na kami eh. I have to take a step para naman matigil na ang mga negative comments sa mga websites. Kahit nandito lang ako sa bahay ni Kuya Ashton ay alam ko pa rin ang mga nangyayari sa paligid ko ng dahil kay zaire. Palaging active yan sa social media eh.

Mag-a-alas dyes y' media na at eto ako nakaupo sa kama ko at walang ginagawa. Kuya Ashton and zaire told me yesterday night na kailangan kong lumabas para matigil na ang mga media. Nakakairita naman sila eh, kita nang hindi stable ang pamilya namin andami pang mga tanong. This is why I hate being too heavy na pamilya. Napatigil lang ako sa pagmo-monologue ng may kumatok dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

"Ate? Gising kana ba?" Bumuntong hininga na lang ako bago tumayo sa higaan at binuksan ang pintuan.

"Is this about me going to work again?" Deretsahang ani ko. Natahimik naman siya pero kalaunan din ay tumango kaya napa-buntong hininga na naman ako.

Ano ba yan, andaming pressure. Namatayan na nga kami, may problemang dadagdag pa, tsk.

"Hindi ka pa rin ba papasok, ate?" Inilingan ko siya.

"No choice. Who will be with me today?" Tanong ko sakanya at nginitian naman ako nito.

"Si Kuya Ash at Kuya, ate." Wala sa sarili akong tumango at napa-labi nalang.

"Okay. Thanks." Pinag-sarhan ko siya ng pinto at nag-tungo nalang sa banyo saka mabilisang naligo. Nag-bihis ako pagkatapos at pinatuyo ang buhok ko. I put a light make up on para hindi masyadong halata ang mugto kong mga mata at inilugay ko lang ang wavy kong buhok saka bumaba. I made sure na presentable ang itsura ko at nang makababa ako ay naabutan ko si zeke na naglalaro sa salas ng mga laruan na bili kuno ni Kuya Ashton.

Nakakahiya man na nakaka-abala kami sakanya, pero ang parati niyang sinasabi ay ayos lang since wala naman daw kaso. Dumeretso ako sa dining room at pagpasok ko ay napahinto ako sa paglalakad ng makita ang apat na mag-kapatid na Kumakain.

"Good morning, Skye."

"Morning, sunshine."

"Kain kana."

"Good morning, princess."

Isa-isa nilang bati sakin kaya naglakad na ako papunta sa isa sa mga upuan dito sa loob ng dining room at inasikaso naman ako ng isang maid. "Good morning din sa inyo." Bati ko din sa kanila at pinasalamatan ang maid na nag-asikaso sakin. Tinignan ko naman ang naka-handang pagkain sa plato ko at napa-buntong hininga na lang din ako.

Nakakatamad kayang pumasok no. Lalo na ngayon na hindi ako stable.

Napatingin ako sa kanila ng maramdamang nakatitig lang sila sakin at nanatili sa mid air ang kanilang mga kutsara. Palipat-lipat naman ang aking tingin sa kanila at tinaasan sila ng kilay. "What?" Taas kilay kong tanong na nakapag-pabalik sa kanila sa katinuan at kumain ulit sila na parang walang nangyari kaya umiling nalang ako.

Papasok naman na ako kaya mas mabuti pang bumisita ako kay dad matapos ang board meeting namin ng mga employees para naman makapag-pahinga na din sina Butler Letio sa pagba-bantay kay dad. That'll be a good choice, right? Medyo malayo-layo nga lang ang hospital na kinaroroonan ni dad mula sa kompanya pero okay na yun at least mabisita ko siya because I have never visited dad ever since the accident. Gusto ko ding malaman ang kalagayan niya kung okay lang ba siya at baka magising siya kaya naman ay pupunta talaga ako. Gusto kong libangin muna ang sarili ko kasi feeling ko ang depressed ko na. Hindi man lang ako nasisilayan ng init mula sa labas ng bahay kasi hindi naman ako lumabas ng funeral room. Ngayon lang talaga dahil kung hindi lang ako kailangan ng kompanya ay hindi talaga ako lalabas kahit na may ambush pa dito.

One Deep Love Where stories live. Discover now