Luna's POV
Nasa airport na kami ngayon at papunta pa lang kaming pilipinas. Si Kuya Lucas lang ang hindi naka-sama dahil may concert sila ngayon. Karga ko naman si Hyas na natutulog pa dahil nag-cr pa si Ate Yesenia tapos sumunod naman sakanya si Kuya. Sabi niya may pag-uusapan daw sila.
1am pa lang ng madaling araw kaya doon sa pinas ay 1pm ng hapon. Maaga kaming aalis dahil kapag nakarating na kami ng pinas ay bukas pa ang family gathering kaya inagahan na namin. Nag-hintay pa kami ng ilang minuto bago na-announce ang flight namin sakto naman din na dumating na sina Kuya kaya nag-punta na kami sa eroplanong sasakyan namin kasama ang iba pang passengers.
"Mamie?" Nauntog ako sa compartment ng eroplano ng marinig ko ang boses ni Hyas. I hissed before sitting on my chair sa economy class. Naupo naman sa tabi ko si Kuya Primo at sa likod namin ay sina Papa at Kuya Auden tapos sa kaliwang upuan naman ay sina Kuya Ash at si Ate Yesenia.
May sarili na naman silang mundo. Habang ako dito ginawa nang yaya sa anak nila. Sabi ni Kuya eh sakin daw muna si Hyas dahil ayaw kuno niya ng sagabal. Hindi ko naman inakala na sagabal na pala ngayon si Hyas sakanya. Well maybe because gusto niya munang solohin ang asawa niya dahil palagi na lang si Hyas ang pinapansin nito.
"Mamie?" Napalingon ako kay Hyas ng tawagin ako nito. Kinukusot pa nito ang mata niya habang naka-sandal ang pisngi sa dibdib ko.
"Hmm?"
"Have we arrived yet, Mamie?" Lumingon-lingon pa siya sa paligid habang suot ang kanyang nagtatakang ekspresyon.
"Not yet, baby. Nasa himpapawid pa lang tayo. Look outside." Turo ko sa bintana sa tabi namin at napatingin naman siya doon tapos ay namangha sa nakita niya.
"Mamie, we're flying!" Napangiti na lang ako sa inasal nito at hinayaan siyang tumingin sa labas ng bintana. He can't see anything else but the night sky and the airplane's wings.
"Matulog ka muna, Hyas. Malayo pa tayo." Napalingon siya kay Dada Primo niya ng mag-salita ito saka napanguso.
"But, I'm not sleepy anymore, dada." Nakangusong wika nito sa kapatid ko.
"You need to sleep pa, Baby. Gigisingin ka na lang namin kapag umaga na para makita mo yung sa labas, okay ba?" Sabi ko at mabilis naman itong tumango saka bumalik sa pagkaka-higa sa dibdib ko tapos ay niyakap niya ako gamit ang maliliit niyang bisig.
"Good night po, Mamie." Hinalikan ko ang ulo niya saka siya kinantahan ng lullaby para maka-tulog na ulit.
"Good night, handsome." Nakasimangot na saad ni Kuya dahilan para matawa ako ng mahina.
"Nagseselos ka na naman sa sarili mong pamangkin, Kuya." Natatawa kong ani pero inismiran lang ako nito. Umiling na lang ako at nag-focus kay Hyas.
Nang maramdaman kong bumigat ang pag-hinga niya ay nasiguro ko nang tulog na siya. Inayos ko ang posisyon ko at napalingon sa katabi kong nakanguso habang may binubulong sa sarili niya. I reached out my hand to ruin his hair. Napalingon naman ito sakin at sinamaan ako ng tingin.
"Don't be jealous, Kuya. You'll still be my favorite brother." Nakangiti kong ani at nakita ko ang pag-lambot ng ekspresyon niya. Kalaunan ay ngumiti naman ito at umiling.
Kinikilig siya. Marupok.
"Hoy, ano yung narinig ko? Favorite brother mo siya? Paano naman ako?" Pareho kaming napatingin kay Kuya A ng sumulpot bigla ang ulo niya sa pagitan namin. He has this sulking look on his face na para bang naagawan siya ng candy.
"Hindi mo kasi siya nililibre ng pagkain, Auden. Ayan tuloy ako na ang favorite ng bunso natin." Mapang-asar na tugon ni Kuya Primo sakanya at mas lalo namang hindi maipinta ang mukha nito.
YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...