Chapter 9

112 5 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Naka-handa naba ang ini-utos ko?" Tanong ng babaeng naka-upo sa isang swivel chair. Nasa may dilim ito at ang tauhan naman niya ay nasa harapan niya, nakayuko.

"Naka-handa na lahat, queen Almirah. Ang signal nyo nalang ang kulang." Nakayukong ani ng kanyang tauhan. Napangisi naman ang babae at ang nasa isip niya ngayon ay tuluyan na niyang mapapatay ang isa sa kaaway niya.

Let's see who is the first one to die, sandra. Inagaw mo ang lahat sakin kay nararapat lang na mawala din ang taong mahal mo.

"Good. Hintayin mo silang makalabas at wag na wag nyo silang paaabutin ng airport. Make sure to shot Lyndon, you get it?"

"Yes, queen. We won't disappoint you."

"Just make sure. Or else..." Kinuha nito ang baril na nakalagay sa lamesa nito at pinaputukan ang gawi ng tauhan niya pero hindi niya pinatamaan. Sa halip ay sa pintuan iyon tumama. Nanginig naman sa takot ang kanyang tauhan. "Y-yes, queen."

"Heh. Now, get lost." Agaran naman nagsilabasan ang tatlong tauhan at nang maisara ang pintuan niya ay ngumisi siya hanggang naging mala-demonyo na ang pag-tawa nito.

"Hay, sa wakas. Makakapag-higanti na rin ako. Pinatay mo ang pinaka-mamahal kong asawa at inagaw mo pa sakin ang lalaking minahal ko kaya dapat lang na mag-bayad ka, sandra." Kinuha nito ang darts at pinatamaan ang ulo ng litrato na naka-pin sa isang white board at sinunod nitong tamaan ang lugar kong nasaan ang puso ng taong iyon.

Alessandra Clestine Ambrosio. Tandang-tanda ko pa ang pangalan mo, matalik kong kaibigan. Kung hindi mo lang sana pinatay ang taong mahalaga sakin, hanggang ngayon ay mag-kaibigan pa tayo.

"Ah, yes. Hindi na pala siya Ambrosio kundi Fernandez. Tatapusin na kita, sandra. Hanggang dito nalang ang life span mo." Muli ay para siyang baliw na tumawa at pinag-babaril ang litrato ng kaniyang matalik na kaibigan noon, na ngayon ay kaaway na niya.

Now, let's start the game.

Athanasia's POV

Kanina pa ako hindi mapakali. Pakiramdam ko talaga may mangyayaring masama. Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad dito sa loob ng kwarto namin ni zeke. I kept calling our mens but no one is answering and I've been repeating it for like 20 times already. Pati si mom at dad ay hindi sumasagot. It's still 2 am but I am already awake because of that creepy dream. Na-alerto ako ng may biglang bumagsak mula sa side table ng kama namin kaya ay mabilis ko itong kinuha at wala akong masabi.

Nahulog ang picture frame ni mom at dad na dala ko. It broke, like there's someone who intensionally make it fall. Mabuti nalang at hindi nagising si zeke ng dahil sa pag-kabasag na iyon. Mas lumakas ang pag-tibok ng puso ko at sa hindi ko mawari kung anong dahilan ay nahihirapan akong huminga.

"There is something wrong but I can't pin point it. Come on, ano bang nangyayari?" Mahinang ani ko. Tinawagan ko ulit si mom pero ganun pa rin. Cannot be reached. Naiiyak na ako.

"Okay, kumalma ka lang skye. Maayos lang sila. Maayos lang sila." Pagku-kumbinsi ko sa aking sarili pero wala namang epekto. Naisipan kong lumabas ng kwarto at uminom ng tubig sa ref para pakalmahin ang sarili pero wala pa rin. Natugunan na ang uhaw ko pero yung kaba at kabog ng dibdib ko hindi pa rin. Tinawagan ko si Sapphire pero katulad ng ibang natawagan ko ay wala. Nagri-ring lang ang phone nila pero walang sumasagot.

Inis kong inilapag ang phone sa lamesa at sinabunutan ang sarili bago napabuntong-hininga. I'm starting to get paranoid, may mga posibilidad na pumapasok sa isipan ko pero ni isa man doon ay hindi ko kayang tanggapin.

One Deep Love Where stories live. Discover now