Zaire's POV
"Kumain na ba siya?" Iinilingan ko si mom ng makalabas ako ng funeral room at napa-buntong hininga naman ito at napailing nalang. Nag-tungo kami sa kusina at inilagay ko sa lamesa ang pagkain na dala ko para sana kay ate pero ayaw niyang kumain. Hindi daw siya gutom. She's been like that for three days now at ayaw niyang lumabas sa room. Mananatili lang daw siya sa tabi ni tita at ayaw niyang kumain.
Nag-aalala na kami dahil simula pa nung nakaraang araw ay ganyan na siya at hindi man lang kumakain. Hindi niya din nabibisita si tito dahil sa kalagayan niya. Si kuya nga lang ang may kayang pakainin siya tapos wala naman si kuya dito ngayon. Nasa mansion siya nila tito at sinusuri niya kung may mga natira pa ba tapos hindi pa siya nakakauwi dahil busy siya. Idagdag pa ang babaeng yun, gusto niyang pauwiin si kuya samantalang alam naman niya kung bakit kami nandito. Ang kapal talaga hindi man lang niya nirespeto ang nawalan.
Bumuntong hininga nalang ako.
"Pa'no na yan ngayon? Ayaw niyang kumain. Si zeke naman ay nag-aalala na din sa lagay niya at ayaw niya itong papasukin baka daw umiyak yung bata." Paliwanag ko at napailing nalang. We understand her, it's just that we're worried sick for her health. May balak pa yatang sumunod ni ate.
"Wala tayong magagawa. Ayaw niya tayong kausapin kaya hayaan nalang muna natin siya. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni skye, dahil minsan na din akong nawalan ng importanting tao sa buhay ko. Let's just come back when she calmed down a bit." Tinanguan ko nalang si mom at nag-paalam siya na pupunta sa kaniyang kwarto kaya tango nalang din ang sinagot ko sakanya.
Naupo ako sa sofa at napa-hilot sa sintido bago napatingin sa glass wall na nasa gilid at papunta ito sa garden nila na mala-labyrinth. It's raining. Sobrang lakas ng ulan na parang mabibingi kana kapag lumabas ka dahil sa lakas nito. Nakatingin lang ako sa labas ng may mga yapak at mga tinig akong narinig.
"Are you sure? It's impossible-ah no. It's quite possible that she's your sister. Pero diba, sinabi mo na matagal nang wala ang kapatid mo? Paano siya naging buhay?" Dinig kong ani ng kung sino. Napalingon naman ako sa hallway ng papasok na sila and it seems hindi pa nila ako nahahalata.
"Yes. Sigurado ako. Kamukhang-kamukha niya ang bunso namin, atsaka pati si Kai sabi niya din na posibleng kapatid ko nga yun. Diba, Kai?" Napintag ang taenga ko sa nabanggit nila na pangalan.
Kai? As in Kai Fernandez?
"Imposible." Bulong ko. Balita ko namatay na si Kuya Kai matapos ang nangyaring insidente 10 years ago. Tapos mababalitaan ko nalang na buhay siya?
"Mhmm. Yeah. We found her in the streets that night and we brought her to the hospital dahil malalim ang sugat niya. I didn't know she was your sister. Not quite sure about that but I think she is." Mahina akong napasinghap ng makapasok na sila sa salas at laglag panga ko silang tinignan.
"Oh really-damn." Napahinto sila sa paglalakad at tinignan kung saan nakatitig si Kuya Kai at ganun nalang ang pagka-laglag ng panga nila ng malamang may ibang tao pa pala dito bukod sakanila.
"Oh shit."
"What the?"
"She heard everything."
Halos sabay-sabay na ani ng tatlong magka-katapid na Helios habang nakatingin sakin. We were too stunned to even speak. Palipat-lipat ang tingin ko sa taong ngayon lang nag-pakita at sa tatlong mag-kapatid. Nakanganga akong nakatingin sakanila habang palipat-lipat ang tingin.
Paano nangyari ito? Jusko, mahabagin. Ang akala namin ay wala na siya tapos bigla nalang siyang magpa-pakita na parang walang nangyari?! Aba, siraulo ba siya? Pa-kaltok nga isa nang magising ang taong 'to.

YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...