Luna's POV
It's Saturday and I am here, staring at the butterfly on my balcony. Wala akong magawa ngayon dahil katatapos ko lang basahin ang report ng right-hand woman ko doon sa pilipinas.
My bakeshop is doing great, actually. Pero nag-aalala ako para kay Margaret-right-hand ko.Hindi naman ako makaka-uwi ng pilipinas para alagaan ang bakeshop ko gayong isasama ako nila Papa papuntang New York ngayong Monday.
Napa-buntong hininga na lang ako bago kinuha ang selpon ko para tawagan si Marga about sa sitwasyon ko and why I can't go back there. Nag-ring ang selpon ko at hinintay ko na sagutin niya ang tawag ko. Nakokonsensya ako na siya na ang gumagawa ng lahat ng mga dapat kong trabahuin as the head of that bakeshop.
[Hello, ma'am?]
Napakurap ako at nabalik sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Marga. Napatingin naman ako sa selpon ko at napailing na lang dahil hindi ko na alam kung bakit nagiging mas lutang pa ako sa mga araw na lumilipas.
"Marga? Are you okay?" Nag-aalala kong tanong. Nakarinig kasi ako ng pagka-hulog ng isang bagay sa kabilang linya at maingay din.
[Yes, ma'am. Okay lang po ako-ay teka po, bakit po kayo napa-tawag? Babalik na ba po kayo, ma'am?]
Napa-buntong hininga ako sa naging sunod-sunod na tanong niya at ayaw ko na sanang sabihin ang sadya ko dahil sa saya ng boses niya pero kailangan.
"No. I'm really sorry, Marga. I promise babawi ako sayo pag-karating ko dyan sa pilipinas. Nangako kasi ako sa Papa at mga kapatid ko na sasama ako sa kanila papuntang New York, eh." Nakonsensya pa ako lalo ng marinig ko ang malungkot na buntong-hininga nito at may binulong pa siya pero hindi ko masyadong rinig.
[Ganun ba, ma'am? Miss ka na namin eh, pero sige po ma'am. Ako po muna ang bahala dito sa bakeshop po natin at i-update mo lang ako kapag babalik kana po, ah?]
Nakagat ko ang daliri ko sa pagka-konsensya at napapa-buntong hininga na lang ako ng ilang ulit. Wala naman na kasi akong magagawa dahil naka-desisyon na sina Papa at pinangha-hawakan nila ang naging sagot ko sa kanila na sasama ako papuntang New York.
"Pasensya na talaga, Marga. I'll just increase your salary hanggang sa maka-balik na ako dyan, okay ba? Ipapa-dala ko na lang ang pera sa bank account mo bukas." Sabi ko kay Marga.
[A-ano ho, ma'am? Dadagdagan mo po ang sweldo ko hanggang sa maka-balik kana dito? I-it's too much for me, Ma'am athy! 5,000 po ang sweldo ko tapos dadagdagan niyo na naman po ng 5,000 ano?]
Napa-hilot na lang ako sa sentido ko sa sinabi ni Marga. I think it's unfair for the workers kung si Marga lang ang taasan ko ng sweldo. I want to be fair to my workers dahil hindi lang sila ang napapagod sa trabaho nila at isa pa, wala pa ako doon para gabayan sila.
"Yeah. Kilala mo na talaga ako, Marga. Pero ngayon, gusto ko ding dagdagan ang sweldo ng mga workers natin for their hard work, diba? I want to be fair to them din." Sabi ko sabay buntong hininga ng matapos kong sabihin yun.
[Si ma'am athy ba yan, Marga?!]
[Ma'am babalik kana po ba?]
[Miss kana po namin, ma'am! Wala na pong maganda dito sa bakeshop natin!]
[Aray naman! Grabe ka wala nang maganda! Eh ano kami dito, hangin?!]
[Bakit, maganda ka ba? Ehh, wala akong makita.]
[Manahimik nga kayo! Hindi pa babalik si ma'am athy dito! Nangangamusta lang siya satin dito sa bakeshop!]
Narinig ko ang pag-angal nila kay Marga sa kabilang linya dahilan para mapangiti ako. Nakakatuwa silang kasama sa totoo lang, pero hindi pa ako makaka-balik sa pilipinas ngayon. Maybe after 2-6 years siguro-depende kung kailan ako papayagan nila Papa na bumalik ng pinas.

YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...