Chapter 32

84 2 0
                                        

Luna's POV

Dumating ang araw ng family gathering namin at ngayon ay naka-handa na kaming gumayak. Ang tanging hinihintay na lang namin ay sina Tita at Tito. Sa aking tabi ay si Owen habang si Hyas naman ay naka-kandong sakin at natutulog.

Si ate Yesenia kasi ay nasa pinaka-unang upuan nakaupo katabi sina Papa at Kuya Ash. Kami naman ang nasa likuran pati na sina Zaire at Kaius. Pinagigitnaan nila akong dalawa dahil si Zaire ay nasa gilid ni Kaius which is sa may bintana ng van.

Ang dalang van namin ay dalawa dahil marami kami ngayon sa family gathering. Usually kasama dapat ang side nina Tita Clovis pero lahat sila ay busy so kami na lang ang inimbita niya. Sayang naman daw kasi dahil naka-handa na ang lahat para sana sa family gathering nila ngunit pare-parehong busy ang mga cousins and relatives nila Tita Clovis.

Alas dyes y media ng gumayak na kami papuntang La Union. Tumigil muna kami sa jollibee para bumili ng pananghalian namin ng sumapit ang alas dose tapos ay gumayak na ulit kami. We kept quiet from time to time dahil wala naman kaming pag-uusapan at nakikipag-usap lang ako kay Hyas.

"Wife..." Hindi ko pinansin si Owen. Kanina pa siya wife ng wife dyan parang tanga. Alam kong inaasar lang niya si Kaius sa hindi ko malaman na dahilan pero nakaka-inis na talaga ang bunganga niya.

"Wife, come on." Hindi ko pa rin siya pinansin. Bagkus ay pina-inom ko ng tubig si Hyas ng matapos niyang nguyain ang kinain niya.

Yung mga magulang, ayun. Tulog. Career na career nila ang pagiging mag-asawang walang anak samantalang ako ay naging instant mommy na ni Hyas dito. Bahala sila. Hindi ko na kasalanan kapag mas gugustuhin ni Hyas na ako na lang ang mag-bantay sakanya kesa ang mommy at daddy niya.

Si kuya naman kasi. Nag-madaling magka-anak pero nang dumating na si Hyas ay parating nagseselos dahil ang bata na lang ang binibigyan ng pansin ni ate. Baliw din yun eh.

"Daddy, you're so noisy." Suway sakanya ni Hyas. Napanguso naman ang deputa at nagpa-cute pa sakin. Bumuntong hininga na lang ako at hindi siya pinansin.

"Zain, wife, subuan mo din ako." Sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matahimik ito pero nanatili pa rin na nakanguso.

"Hyas, your mother doesn't love me anymore. Kawawa naman si daddy." Gusto niya ba talagang sabayan ko ang trip nila sa buhay? Kunti na lang talaga at masasabayan ko na tong dimuho na'to sa mga katarantaduhan na ginagawa nila ng mga kapatid ko. Kasali pala si Papa.

"Mamie, you don't love daddy anymore? Are you gonna leave us, Mamie? Don't you love me anymore too? Is there someone more important than me and daddy?" Sunod-sunod na tanong sa akin ni Hyas. Napalunok naman ako at kinagat ko ang loob ng aking pisngi.

HE'S SO CUTE! I COULD DIE! Cuteness overload...

Napalingon ako sa gawi nina Kuya Ash at nakita ko ang pag-ngisi ng mga dimuho kasama na si Papa. Sinundan ko naman ang tinitignan nila at napataas ang kilay ko ng makitang nakatingin pala sa akin si Kaius.

Anong meron? Bakit sakin siya nakatingin eh wala naman akong kasalanan?

"Mamie... A-ayaw mo na po samin ni d-daddy?" Nanlalaking mga mata kong nilingon si Hyas ng marinig ko ang pag-hikbi nito. For pete's sake, how can I resist that kind of face?!

"A-ah... N-no, no Hyas. It's not like that, baby." Kabadong ani ko. Nagulat naman ako ng bigla siyang umiyak dahilan para mapasinghap ako at nataranta.

"Ah-eh-Owen! Ano na naman bang pinag-sasabi mo sa bata?! Punyeta ka bakit mo pina-iyak?!" Natataranta kong ani pero ang gago ay naiiyak na rin.

Curse you to hell, you moron! Kapag ako naka-ganti sira-sira yang buhay mo!

One Deep Love Where stories live. Discover now