Chapter 20

117 3 0
                                        

Athanasia's POV

Isinara ko ang laptop at napa-buntong hininga. Ewan ko ba kung anong nangyari pero hindi pa siya nagigising hanggang ngayon so I'm still waiting para malaman ko ang sasabihin niya sa akin. Sinubukan ko ring i-track ang base nila pero hindi ko mahanap ang main at halos lahat ay hideouts lang so it's really hard for me to know where zendee is exactly. Napatingin ako sa labas ng bintana dito sa library at tinanaw ang mga tao sa garden.

Seems like they're having fun.

Naka-labas na si dad sa ospital nung isang araw at dito pa rin kami nanatili sa mansion nila because they said so. It's been five days but I kept my distance away from them because I'm afraid I might lose control of myself if they do get close to me.
Si zeke at ang mga maids lang tanging pinapansin ko pero sila, wala. Kahit na kakain, makaka-salamuha ko sila, maka-tinginan, lahat. Hindi ko sila kinakausap. I'm still tryna accept this truth so I am distancing myself from them.

Napailing na lang ako at inalis na ang pagkaka-hawak sa bintana saka kinuha ko nalang ang laptop sa lamesa at lumabas na. Tanghali na ngayon kaya naisipan ko na bisitahin si Britney at alamin ang kalagayan niya so I went to her room to check on her. Pinihit ko pabukas ang pintuan at pumasok na ako. Parang hospital room lang itong kwartong kinalalagyan niya dahil may naka-kabit sa kamay niya at isang patient monitor sa gilid ng hinihigaan niya. Ibinaba ko ang laptop sa side table at naupo sa gilid niya.

Honestly, maganda naman siya.

Palaisipan pa din sa akin kung paano niya nalaman kung nasaan kami tumutuloy so I suspect that someone helped her to find us. Sa lagay niyang yun, pusta ko hindi siya aabot dito ng hindi niya alam kung saan kaming subdivision nakatira, and to be honest, nang makita ko siya sa ganung sitwasyon, kahit magka-away kami, ay naawa ako sakanya. Miserable siya ng dumating dito at halos mag-wala na siya para lang makita ako, so I suppose mahalaga ang sasabihin niya sakin and I think may iba pa siyang sasabihin hindi lang kung nasaan si zendee. May iba pa siyang alam.

Hindi ko lang maintindihan kung bakit sa lahat nh pwede niyang pag-sabihan, ay sa akin pa talaga na kaaway niya. Lately, nag-iiba na siya. Hindi na siya yung britney na kilala ko na maldita, plastic, Don't get me wrong, hindi literal, yung ugali lang niya. Wala sa bokabularyo niya ang pagiging mabait kaya nag-tataka ako. Maybe, she, too, wants to change?

Sa tagal kong naka-titig sakanya ay nabigla na lang ako ng bigla siyang dumilat at kaagad na napa-upo na siyang ikina-hulog ko mula sa aking kinauupuan. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig sakanya habang pinapa-kiramdaman ang heart beat ko.

"God, Britney, you just gave me a mini heart attack!" Gulat na usal ko sakanya na siyang ikinalingon niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako at aasta na siyang tatayo para tulungan ako pero pinigilan ko at ako na mismo ang tumayo.

"Skye...! You're here!" Masayang usal nito na siyang tinanguan ko lang dahil hindi pa rin ako maka-get over sa pagka-gulat ko. Para akong namatay sandali dun ah. Not gonna lie, my body just took a screenshot. Tumakas panandalian ang kaluluwa ko mula aking katawan.

"Right, what day is today?" Tanong niya habang naka-turo sa suot ko. Tinignan ko naman ang relo ko at tinaas ang tingin sakanya.

"Thursday, 22, November." Sagot ko sakanya at bigla na lang siyang napa-singhap. Anong nakaka-gulat don?

"Oh my gosh, so I was unconscious for five days? Oh my goodness, I thought..." Napairap na lang ako sa pagiging overreacting niya pero napangiti din.

"Alright, Britney. You're fine, don't worry. It's not like two bullets could kill you, no?" Pang-aasar ko sakanya at sinamaan lang naman ako nito ng tingin pero may mapag-larong ngisi sa kanyang mga labi.

One Deep Love Where stories live. Discover now