Luna's POV
Nagising ako sa pag-dampi ng araw sa mukha ko. Tumayo ako at sumilip sa bintana para makita ang karagatan tapos ay pumasok na ako sa Cr para mag-hilamos. Hindi pa ako maliligo kasi balak kong maligo sa dagat mamaya.
Nag-palit ako ng nike shorts na itim tapos nag-suot ako ng floral strap top and then pinusod ko na ang buhok ko na umabot na hanggang kalahati ng hita ko. Wala naman kasi akong balak na mag-pagupit ngayon dahil hindi ko na maisingit yun sa problema ko kay Genesis.
Kahit naman 30 years old na ako ay slim pa rin ang katawan ko kagaya ng katawan ko nung 22 years old pa lang ako. I kept my balanced diet and exercise para hindi ako madaling mapagod sa araw-araw na gawain gaya na lang ng pakikipag-sparring kay Papa at sa mga kapatid ko.
Tinignan ko ang sarili sa whole length mirror na nasa aking harapan at napangiti ng malapad. Even though I am already old, I can't deny the fact that I am still as glowing and beautiful as when I was still a teen.
"Ang ganda ko, tsk." Dinampot ko ang selpon ko sa aking kama at lumabas na ako ng kwarto ko. Nang masiguro kong lock na ang pinto ko ay humarap na ako para maka-gayak na but I stopped mid-way.
Pareho kaming napa-tigil sa paglakad ng mag-katinginan kami. He observed me from head to toe and I saw his brows shot up. Tinaasan ko din siya ng kilay at tinignan mula ulo hanggang paa. Ngayon ko lang napansin na pareho ng kulay ang mga suot namin. Is this on purpose? Or just a coincidence?
"What the hell?" Bulong ko sa aking sarili. Napatingin ulit ako sakanya at nginitian siya.
"Hi, good morning." Bati ko tapos ay senenyasan siya na mauuna na akong bumaba. Hindi ko na lang hinintay ang sagot niya at humakbang na paibaba ng hagdan.
"Love!" Kunot-noo akong napalingon sa aking likuran ng marinig ko ang tinawag sa akin ni Owen.
"Good morning, Zain." Tinaasan ko lang siya ng kilay saka tinalikuran.
Pareho ng kulay ang suot naming tatlo, bwesit. Coincidence lang yan, Luna. It is not on purpose, it is only a coincidence. A COINCIDENCE.
Pag-baba ko ay dumeretso ako ng labas sa dalampasigan tapos ay naglakad-lakad ako sa may tubig. 8:22 pa ng umaga at hindi pa masyadong marami ang mga tao dito sa dagat. Karamihan ay puro mga bata at teenagers ang nandito na ginagawa ang kani-kanilang gagawin.
I took out my phone and took a selfie of myself. I posted it on my IG tapos ay mabilis na nag-comment si Jewel. Napangisi naman ako saka mahinang natawa dahil hindi talaga siya magpapa-huli sa mga pino-post ko.
Jewelparvis: Ay bet ko dyan girl. Nasan ka ba?
Lunahelios: La Union.
Jewelparvis: Lah nandito ka rin?
Kumunot ang noo ko bago napalinga-linga sa paligid. Wala naman akong nakita na Jewel, baka pina-prank lang ako ng babaeng to.
Lunahelios: Wag ka ngang fake news jewel.
Jewelparvis: duh I'm not fake news. Tumingin ka kasi sa likuran mo.
Gaya ng sabi niya ay tumingin nga ako sa likuran ko. Napanganga ako ng makita ko siyang kumaway sakin habang tumatakbo.
"Gosh, I didn't know you're here Jewel." Gulat kong ani ng maka-lapit siya.
"It's because you didn't ask, duh." Inirapan ako nito pero tinawanan ko lang siya.
"Ganda natin, ah." Pambo-bola ko sakanya. Ang sosyalin kasi ng suot niya. Nag-flip hair naman siya na siyang ikinangisi ko.
"Of course, ako pa ba. Ako kaya ang pinaka-maganda sa mga kaibigan natin." Pag-yayabang nito at ngumisi pa.
YOU ARE READING
One Deep Love
RomanceAthanasia Skye Fernandez is a 22-year old woman who's living her life full of lies and danger. What will she do if she discovers that she is adopted and her real family is someone who is close to her? What if she is slowly regaining her memories fro...