Chapter 25

105 3 7
                                        

Luna's POV

Sinangga ko ang atake ni papa at sinipa siya dahilan para mapa-atras siya saka naman ako tumayo at ako naman ang sumugod sakanya. Inambahan ko siya ng suntok pero nakita kong sisipain niya ako paitaas kaya nag-bend ako at mabilis kong sinipa ang dagger mula sa mga kamay niya ng makita ko na aatakihin niya ako. Lumusot ako sa ilalim ni papa dahil hindi ako makaka-tayo ng pinagi-gitnaan niya ako. Ako naman ang umatake at nagawa ko ngang galusan ang pisngi ni papa gamit ang patalim na nasa sapatos na suot ko ngayon.

"Impressive, Luna. You improved a lot more." Nginisihan ko lang si papa at pumosisyon na ako. Nasa training grounds kami ngayon at nanonood lang sila sa gilid. Totoo nga naman ang sinabi ni papa dahil noon na maliit pa lang ako ay hindi nga ako marunong humawak ng kutsilyo.

Umatake siya at nagawa ko pa naman na umiwas saka niya ako inambahan ng suntok sa mag-kabilang gilid na naiwasan ko din, salamat sa reflexes ko. Mabilis gumalaw si papa pero napapan-tayan ko naman siya, but I can't even barely scratch his body so I got lucky earlier.

Mahigit 30 minutes na din kaming nag-combat fighting ni papa and I can tell that he's testing my stamina. Pero hindi pa naman ako napapagod dahil palagi kong sinasanay ang sarili ko kaya sanay ako sa ganito kahabang combat fighting.

It's been 2 weeks since that day and I have been observing zendee but I think she really knows about what her boyfriend did. Sa loob ng 2 weeks na yun ay naging tahimik naman ang buhay namin at wala pa rin akong news tungkol sa Beatraux so I clearly don't know when or where they are going to attack. But even so, it's for the better I think na hindi na sila umatake pa.

Napa-atras ako ng bigla akong nasipa ni papa pero hindi naman ako na-out of balance and his kick is not even that worse. He didn't go easy on me pero masasabi ko na ang nga atake niya sakin ay may pag-iingat. Kapag aatake siya sa iba't-ibang parte ng katawan ko ay ingat na ingat siya kung saan niya ako patatamaan.

"That's enough for today. You okay?" Lapit ni papa sakin at inalalayan niya ako. Tumango naman ako sakanya at naglakad kami palapit sa bleachers saka inabutan akoni Kuya Ash ng tubig na tinanggap ko naman. Ininom ko ito habang si Kuya Primo naman ay tumayo at pinunasan ang likod at leeg ko.

"Kuya Ash, asan si Britney?" Tanong ko matapos kong tingnan ang paligid kasi hindi ko siya makita. Naupo ako sa tabi ni papa at hinila naman niya ako para yakapin. He's so clingy sometimes and he's also overprotective of me.

"Nasa loob. Kalaro si zeke." Sabi nito kaya tumango na lang ako at niyakap si papa. Naramdaman ko ang pag-haplos niya sa buhok ko at mas sumiksik pa ako sakanya.

"You did great, princess. I didn't expect you to grow up this fast. I miss my little princess." Mahinang sabi ni papa pero hindi ako umimik.

"Alam mo, karga lang kita noon sa mga bisig ko tapos ngayon ang laki mo na. Your mother would be so proud of you if she's here, since her little princess has grown to be a beautiful and strong girl." Nanatili pa rin akong tahimik at nakikinig lang sakanya.

"Oh come on, dad. You're making us cry." Ma-dramang ani ni Kuya Auden.

"Men don't cry, Auden. Don't be such a gay." Kalmadong sabi ni Kuya Primo saka inayos ang buhok niya.

My big brother is so hot, really.

Kung hindi ko lang sila kilala o kadugo ay malamang na isa na ako sa mga na in love sakanya.

"Dude, I make an exception. And that is not gay-it's called emotional damage, okay? There's no reason for me to cry if nothing's hurt me." Naka-cross arms na ganti ni Kuya Auden sakanya with matching hand sign pa ng sinabi niya ang 'emotional damage'.

One Deep Love Where stories live. Discover now