Anthea
Today is a masquerade party. It will start at 8 pm and it's already 6 pm. Hindi naman kasi dapat ako pupunta e kung hindi lang sinabi ni Atarah yong mga katagang yon noong nasa cafeteria kami. Umaasa pa rin ako sa nangyare sa classroom noong nakaraan.
'Sure, why not. I want to be with her' edi ready to wait na naman kahit may Markus na nag hihintay. Dapat sa fiance ko, ako nag fofocus hindi sa iba. Pero paano ako mag fofocus kung may nangyare saamin.
Pero hindi ko talaga papigilang hindi umasa sa sinabi niya. Jusme! Excited na nga ako kanina pa e. Kaya mula kanina 4pm nag mimili nako ng isusuot at mag to-2 hours nakong namimili hindi pa rin ako tapos
"Ma'am Anthea?" Tanong ng katulong ko pagkatapos niya kumatok ng pintuan ko.
Inayos ko ang robe ko saka lumapit sa pintuan at binuksan.
"Ano po yon manang?" Tanong ko kay manang.
"Meron po ma'am Avery sa baba, hinahanap ka po"
"Sige manang. Paki sabi na lang po na pababa nako" sabi ko. Tumango naman si manang at umalis na. Sinarado ko naman ang pintuan ko saka lumapit sa mga damit ko at nag palit muna ng pang bahay. Mamaya na ko mag papalit.
"Good evening, Anthea." Bati ni Tita ng makita niya akong pababa ng hagdanan. sa pangalan sa pangalan ko. Yumakap at humalik ako sa pisngi niya ng makababa ako ng lubusan sa hagdanan.
"Naparito ka, Tita?" ko sa kanya. I guided her to the sofa. Dumating din ang ibang katulong namin at naglapag ng juice ang meryenda. Narinig ko namang nag pasalamat si Tita. Nagbow ang mga katulong saka umalis.
"A little favor Anthea" nahihiyang sabi niya.
"What is it, Tita?" Tita Avery is Atarah's mother. Mabait at napaka ganda pero sa ugali lang nagmana si Atarah dahil sobrang mag kamukhang kamukha sila ni Tito Arthemus.
"Alam kung sumosobra na ko pero sayo lang kasi nakikinig si Arah" Paluhang sabi niya.
Hindi kasi nakikinig kanino man si Atarah kahit kay Kate or kay Zoren. Pati kay Tito hindi na siya natatakot. Pati nga kay Lou wala na e. Sabi din ni Lou sakin na hindi siya masyadong umuuwe sa bahay niya. Ayaw niya kasing sabihin kong anong problema niya. Napapasunod ko naman siya pero ayaw niya talagang sabihin kung saan siya namamalagi.
"Tita okay naman po sakin. Mahal ko pa rin naman po ang anak niyo" pag aamin ko. There's no use to deny it. Napatingin siya sakin at ngumiti ng matamis. Saka ako niyakap ng mahigpit.
"Anak, patawarin mo siya sa lahat ng ginawa niya. Alam kong may dahilan kung bakit niya ginawa yon. Mahal na mahal ka ni Arah" sabi niya at humagulgul ako sa balikat niya. She caresses my back.
We stayed hugging each other until my mind was already clear. I wipe my tears.
"What's your favor, Tita?" pag iiba ko ng topic dahil nakakahiya.
"Alam kong masquerade party niyo ngayon. Kaya alam kong may gagawing hindi maganda si Arah. Please look after her. I know you have your fiance with you, but please wag mong papabayaan si Arah. Kay Louise ko sana sasabihin pero hindi daw siya pupunta sa party dahil masakit ang katawan niya." mahabang sabi niya. Anyare kay Lou?
"Of course, Tita. You can count on---"
"Hoy gago. Sabi ko sa bahay ni Lou dahil may kukunin ako. Bakit nandito tayo sa bahay nina Anthea" naputol ang sasabihin ko kay Tita nang marinig namin ang boses ni Atarah.
YOU ARE READING
Finally, It's You
Fanfiction"Uwe na tayo, Luv" ---- series #1 Tagalog-English story Warning: GXG and G!P (intersex)⚠️ Complete 🦋 Published - December 2022 Finished - May 2023 Done re-editing - January 2024