Atarah
After I parked my car, she immediately got out of my car, not minding the students around the parking lot. Buti nga walang naka pansin. Napakamot na lang nang makita ko ang mascara niya sa upuan. Paano ko to ibibigay?
Lumabas ako at naging agaw pansin ang outfit ko. Ayokong mag dress dahil na rin sa mga gasgas ko. Bobo kasi ni Kate, di marunong mag drive. Ngumiti ako sa kanila at halos mabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng tilian nila. Ganda ko talaga. Hindi na lugi si Anthea.
Speaking of her, musta na kaya si Kate? HAHAHAH patay na kaya yon? Nag uunahan lumapit sakin ang mga kababaehan ng may sumigaw ng boung pangalan ko. Napatingin ako sa entrance ng parking lot. And wow! Model ang peg ng mga kaibigan ko, kung makarampa. Kulang na lang ay yong mga camera.
Kate Jamil. Siya yong tarantado kakambal ni Kyla. She's a criminology student at napaka Play Girl. She's my friend since birth pero nag kahiwalay kami kasi lumipat sila ng bahay. Siya rin yong may alam tungkol sa buhay pag-ibig ko bukod kay Lou. Tsismosa lang talaga kapatid niya kaya nalaman niya. Kararating niya lang galing OJT. Mga last week lang tapos binangga niya pa yong poste kaya nasermonan na naman kami ni Dad at ng ate ko. Habang si Mom naman, mukhang pinabantay na naman ako kay Anthea. May gusto rin siya kay Ate Glen. Pero ayaw siya ng nong dalawang. Hambog daw si Kate. Pero para sakin hindi. Mabait sa mabait. Masungit sa masungit. Hambog sa hambog.
"Iba talaga sex appeals mo!" Sigaw ni Kate. Tumingin ako kay ma'am at ang sama ng mata niya. Kasalanan ko kung pinagkakagulohan asawa niya. Naka maskara siya habang si Zoren hindi. Ay nagpalitan sila.
"Maybe later girls" nakangiti sabi ko sa kanila.
"Mamayang gabi daw." Sabi ni Abel na ikinatawa ni Kate. Isa rin toh e tarantado. Hindi ko alam kung okay na kami. Pero pinapakisamahan ko na lang.
"Gago!" Sabi ko saka siya binatokan.
"Tara na nga sa loob baka makakita kayo ng massacre dito" Tawang sabi ni Zoren at kinuha ang maskarang hawak ko.
Umirap si ma'am bago unang pumasok sa school. Sumunod naman kami.
Mula sa labas dinig na dinig na ang lakas ng sound system. Sa may gym ginanap ang Masquerade ball. Pagpasok namin bumungad ang mga kulay purple na theme ng ball. Madaming mga ilaw na naka palibot sa bawat sulok ng gym. Sa may stage nandoon ang mga Dj na nag reremix ng mga song.
May mga sumasayaw na rin sa dancefloor at isa na doon si Abel at ibang mga kaibigan niya. Hindi rin mawawala ang mga alak na naka display sa kabilang table. Hayyyy nakakabored naman toh. Walang malalakas na alak dahil puro cocktail lang at wine. Buti na lang may nakatago para sa mamaya namin nina Kate.
Hinanap namin ang table nina Pia dahil sila ang nauna dito. Napansin kung may kumakaway samin na malapit sa stage. Napangiti na lang ako.
"Nandoon sila oh" bulong ko kay Kate at tinuro ang pwesto nina Pia.
"Tara! Tapos hanap tayo ng isasaway mamaya" excited naman niyang sabi.
Sabay kaming tatlo na pumunta sa pwesto ng mga kaibigan namin. Kasama nila si Abel at mga teacher. Tsk! Pero bago kami makalapit ang humarang sa harapan namin na mga babae.
Naka maskara sila ng kulay Violet at black na mag kakaiba ang mga design. Yong nasa gitnang babae may feather ang bawat gilid ng maskara niya. Sa kaliwang babae naman may black feather lang sa gitnang taas ng mask niya. Yong nasa kanan naman, may mga glitters at beads sa maskara niya.
Yong tatlo pang nasa likod, black naman ang maskara nila. Pero parehas ang mga design katulad ng mga nasa harapan namin. So bale anim silang lahat
"Need anything, ladies?" Malanding tanong ni Zen.
YOU ARE READING
Finally, It's You
Fiksi Penggemar"Uwe na tayo, Luv" ---- series #1 Tagalog-English story Warning: GXG and G!P (intersex)⚠️ Complete 🦋 Published - December 2022 Finished - May 2023 Done re-editing - January 2024