Chapter 6

5.1K 92 5
                                    

Atarah

"Oi tara inom tayooo!" Mahabang sabi ko sa kanila. Kasama ko ang mga kateam ko sa soccer ba nakatambay dito sa likod ng COA building. Ang sarap kaya ng hangin dito.

"Tara gusto kong makalimut" pagsasang ayon naman ni Pia. Taena neto akala mo naman broken. Puro alak lang kasi ang laman ng utak kaya ganyan. 

Remember her? Sila ni Al ang kasa kasama ko, pati na rin si Kyla, sa tuwing umiiwas ako doon sa dalawa.

"Aba, broken ka rin sis. Si A lang broken satin oi!" Kaagad kong binatukan si Kyla sa sinabi niya.

"Parang ikaw hindi ah!" Pabalik na banat ko sa kanya. Natawa naman yong dalawang kasama namin.

Binasted siya ni Lou dahil kay Jade. Tawa ako ng tawa nang nag sumbong si Kyla sakin. Akala ko naman magiging okay na sila dahil sa sinabi ni Lou sakin noong umuwe ako sa bahay niya. Kaso kahapon lang binasted niya si Kyla dahil sa connection ni Kyla kay Jade.

Masyadong territorial si Lou kaya ayaw na ayaw niya lumalapit si Kyla kay Jade. Hindi rin naman kasi basta basta maiiwasan ni Kyla si Jade dahil naging magkaibigan muna sila bago naging mag jowa kaya yon. Binasted HAHAHAHA.

"Kakainom niyo lang kahapon oi. Mag pahinga naman kayo!" Saway ni Al. Makasaway naman ito akala mo hindi umiinom ng isang drum ng alak. Mauuna pa siya doon sa pupuntahan sa place ng inuman namin sa sobrang excited niya. Hindi ko nga alam kung bakit fit na fit pa rin siya sa pag lalaro ng soccer.

"Alam mo Al, kung ayaw mo wag ka nang sumama" inis na sabi ni Pia sa kanya.

"Syempre gusto ko. Baka lang kasi mag bago isip niyo." Kaagad naman siyang binatukan si Pia. Kami naman ni Kyla tumatawa lang.

"Saan tayo iinom?" Tanong ni Ky.

"Dito mismo para exciting" Kaagad nila ako pinalo sa kamay. Napa daing ako sa ginagawa nila.

"Tangina! A kung gusto mo maexpel. Wag mo kaming idamay" Sabi ni Kyla. Natawa naman ako sa mga istura nila.

"Woooo takot ka lang kay ma'am Lou e" pang aasar ni Al sa kaniya.

"Sinong hindi? Masakit siya manapak men" reklamo ni Kyla at tumawa lang ako.

"Hindi naman tayo mahuhuli. Tsaka tayo lang naman nakaka alam sa place na to" pa ngungumbinsi ko sa kanila.

"Ayos din dito. Tago" Sabi ni Pia saka lumingon lingon sa paligid.

"Inom na inom ah Pia" Sabi ni Kyla saka umiling. Humagikgik lang kaming dalawa.

"Ang problema paano natin maipapasok e ang higpit ng guard" Napasimangot naman si Pia sa narinig niya galing kay Al.

"Madali lang ako bahala" Sabi ko saka nag taas baba ng kilay sa kanila.

"Putek, A mukhang alam ko na ang nasa isip mong kalokohan" Sabi ni Kyla na siyang ikinatawa ko. Alam na alam niya talaga ang meaning ng pag taas baba ng kilay ko. Talo pa niya si Abel na kaibigan ko mula high school. Sabagay lagi namin siyang kasama ni Kate mula noon.

"Hindi niya mahahalata. Wag kang mag alala" nakangiti sabi ko sa kanila. Clueless namang tumingin sakin yong dalawa.

"Kukuha sa office ng CEO." Nagulat namang tumingin saamin yong dalawa.

"Paano?"

"Madali lang kausap si Ate Vicky. Tsaka payborit ako non. Don't worry guys" mayabang na sagot ko kay Pia.

Finally, It's YouWhere stories live. Discover now