Anthea
"Ahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!"
"Sige pa misis. Nakikita ko na ang ulo ng bata" sabi ng doctor na nag papa-anak sakin. Gosh!! I'm so tired!
"Luv kaya mo yan. Last na" sabi ni Atarah sa tabi ko. Hinawakan ko ang kamay niya para kumuha ng lakas.
"Hindi ka na makakaulit Atarah!! Ahhhhhhhhh!!!!" Muling sigaw ko at humawak ng mahigpit sa kamay ni Atarah. Wala akong pake kung nasasaktan siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya dahil mas nasasaktan ako ngayon.
"Isa na lang Misis" huminga ako ng malalim at sa pinaka huling pagkakataon umeri ako para sa huling anak ko. Hingal na hingal ako at parang mawawalan ng malay.
"Luv?" Rinig kong sambit ni Atarah pero unti unti akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako sa isang kwarto dito sa hospital ni Lou. Nilibot ko ang paningin ko at tumambad ang asawa at isang anak kong hawak hawak niya. Kita ko rin may benda ang kamay niya. Ramdam ko ang pananabik na mahawakan ang dalawang anak ko.
"Maby?" Medyo nang hihina pa rin ako. Lumingon siya at lumiwanag ang mukha. Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo.
"You need anything, my queen?" Tanong niya sakin. Kakatapos lang ng kasal namin 1 months ago. Sobrang saya noong nasa reception kami kasi doon na mismo nag proposed si Kyla kay Lou. Planadong planado pa talaga nila.
"Can I hold them?" Nag aalangan na tanong ko. Ngumiti naman siya.
"Of course, Luv. You're their other mom. Wait kunin ko si Avrie" sabi niya tapos niyang ibigay yong isa. Pagharap niya ay buhat buhat niya ang tulog na sanggol papunta sakin. I can see love and admiration in her eyes.
"Luv, that's Amiya Zaylee, our bunso, siya ang huling lumabas. Tapos ito naman ang panganay natin, si Avrie Zaniyah." Sabi niya at itinabi ni Avrie sa tabi ko. Ang cute nila. Ang taba ng pisngi lalo na kay Avrie. Natutulog si Avrie habang nakatingin naman sakin si Amiya. Parehas na parehas sila ng mata ni Atarah.
"And ahmm. Luv, Avrie has the same condition, just like me. " tumingin ako sa kanya at muling ibinalik ang attention ko kay Avrie.
"Baby, sana hindi ka matulad sa Mama mo" nakangiting sabi ko at hinalikan si Avrie sa noo. Natawa naman ng mahina si Atarah. Sa penthouse pa rin pala kami naka tinira dahil pinapagawa pa lang daw yong bahay namin. Hindi ko nga alam kung saan e.
Nakarinig kami ng katok mula sa pintuan. Nagulat naman si Amiya at unti unting umiyak. Kaagad ko siya hinele para tumigil sa pag iyak.
"Did we wake her up?" Tanong ni Vince kasi napansin niyang umiiyak si Amiya. Umiling naman ako. Tapos tumigil siya nang mahawakan niya ang kamay ko.
Nagpaalam si Atarah at yong mga kaibigan niya para bumili ng pagkain namin. Dahil nagugutom din ako.
"Thea she's so cute" sabi ni Lou nang makita niya si Avrie. Gising na siya. Mukhang nagising noong umiyak ang kapatid niya.
"Hi, I'm your Tita-Ninang" sabi pa niya ulit at kaagad namang nag reaction Avrie. Her laughs melts me. "You have chubby cheeks and eyes just like your Mommy Anthea" dagdag pa niya.
Actually, yes, I have chubby cheeks when I was born. Yon ang sabi ni Mama. Noong una hindi ako naniniwala hanggang pinakita sakin ni Mama ang mga baby picture ko. Nakaka inis nga si Atarah e, kinuha niya yong isa tapos naka lagay sa wallet niya. Pampaswerte. Tsk!
"What are their names?" Tanong ni Lou saka kinarga si Avrie.
"This Amiya Zaylee, and you're holding Avrie Zaniyah." Avrie giggled when she held Lou's point finger.
YOU ARE READING
Finally, It's You
Fanfiction"Uwe na tayo, Luv" ---- series #1 Tagalog-English story Warning: GXG and G!P (intersex)⚠️ Complete 🦋 Published - December 2022 Finished - May 2023 Done re-editing - January 2024