Chapter 13

4.4K 80 4
                                    

Atarah

"Dad?" Napalunok ako habang binuksan ang office niya. Paano ba naman nag sumbong na si Lou tungkol sa nangyare noong last week. Kaya ngayon pinapatawag niya ako.

"Seat down Atarah," He said coldly. Muli akong lumunok saka umupo sa visitor's seat.

"A-ano ka-kasi Dad---"

"I don't want to hear your excuses. Sira na naman ang kotse mo dahil sa kalokohan mo. Siraulo ka talaga kahit kailan. Alam mong naka inom ka, tapos mag dridrive ka pauwe." Seyosong sabi niya sakin.

"You're grounded for a month at kukunin ko ang mga cards and also yong motorbike" napanganga ako sa sinabi niya. Hala!!

"But Dad---"

"No more buts Atarah. Sinabihan na kita noong last na nasira mo ang kotse mo. Ngayon inulit mo na naman" sabi niya at itinuloy ang binabasa niya.

Hala wala akong pera pang date!! Awitss!! Hindi naman masakit para kagat lang ng dinosaur :(

"Dad paano pang date ko?" Tanong ko baka sakaling maawa sakin.

"That's not my problem anymore." napa nguso ako dahil sa sinabi niya. Walang hiya talaga. Paano ako babawi kay Anthea neto.

"Oh, apo, what are you doing here?" Napalingon ako sa nag salita.

"Lolaaaa!" mahabang sigaw ko saka yumakap sa kanya. "Namiss po kita"

"Ma, what are you doing here?" Tanong ni Dad saka lumapit saamin at yumakap din.

"Bawal na ba kitang bisitahin dito?" Tanong ni Lola Lucing. Inalalayan ko siya papunta sa upuan. Nang makaupo kami yumakap ulit ako sa kanya. Sobrang namiss ko ang lola ko.

"Hindi naman sa ganun Ma. Dapat nagsabi po kayo para nasundo ko kayo sa baba." Magalang na sabi ni Dad.

"At ikaw bata ka. Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa school ka?" Baling ni lola sakin. Napangiti lang ako saka tumingin kay Dad. Masama naman ang tingin niya sakin na lalo kong ikinangiti.

"Si Dad po kasi kinuha lahat ng cards ko. Wala akong pang date--- este pang allowance ko sa school." pag susumbong ko.

"Art bakit mo naman ginawa yon?" Tanong ni lola.

"Ma dinidiciplina ko lang po siya dahil naka inom na naman po siyang nag drive." Pag dadahilan ni Dad.

"Pero dapat nag iwan ka rin ng pang allowance ng anak mo. Paano siya uuwe kung wala siyang pera?" Napatango tango naman ako sa sinabi ni Lola na may halong ngiti sa mga labi ko.

"Fine! Kaya tumitigas ang ulo niyan e. Kinukunsinti niyo kasi" sabi ni Dad at bumalik sa pag tratrabaho.

"Oh hala sige ibigay mo na. Ako na mag hahatid sa kanya sa school nila." Sabi ni lola. Yehey!! May pang date nako. Lakas ko talaga sa lola ko.

"Thank you, Dad!!" Pang asar na sabi ko at sinamaan niya ako ng tingin. Napatawa na lang ako ng mahina.

---

"Apo sa susunod wag mo na ulit gawin yon. Paano pag may nangyare masama sayo? Hindi kakayanin ng mga magulang mong mawalan pa ng isang anak" napabuntong hininga ako sa sinabi ni lola.

"Promise lola titino na po ako ngayon" sabi ko. Ngumiti naman siya at niyakap ako.

"Ikaw na lang ang naiiwan. Wala na ang kakambal mo" hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi ni Lola.

Finally, It's YouWhere stories live. Discover now