Chapter 21

3.9K 57 2
                                    

Yvonne

"Boss ito na po yong mga pinapakuha niyong picture" sabi ng isa sa mga tauhan ko saka inilapag ang isang folder.

"Siguraduhin mong maganda toh." Napalunok naman siya sa sinabi ko. Inirapan ko siya bago binuksan ang folder na binigay niya sakin. Pina alis ko na ang tauhan ko.

Napangiti ako sa mga picture na nakita ko. It's her. Hays! You can call me obsessed with her because I love her so much. Lahat gagawin ko para mapa sakin siya. Kahit pumatay pa ako. Walang makakapigil sakin para makuha siya.

~~~Flashback~~~

"Ahmm. Naiwan mo" napalingon ako sa taong nagsalita sa likod ko.

Napa hanga ako sa taglay niyang kagandahan. I her brown eyes it's so beautiful. Ang mga ngiti niyang makalaglag panty sa ganda. Kaya wala sa sariling napahawak ako sa beywang ko baka mahulog. Hehehe.

"T-thanks" nauutal kong sabi. Ngumiti ulit siya ng malawak saka tumalikod.

Gosh! Bakit ang ganda niya? At parang ngayon ko lang siya nakita. Ano kayang pangalan at grade siya?

"Oy Von! Tumutulo na laway mo!" Sigaw ni Enzo Mabilis ko namang kinapa ang bibig ko kung totoo ba sinabi niya. Kaagad kong siyang sinamaan ng mauto niya ako.

"Gago!" Sigaw ko habang siya tawa ng tawa.

"Sino ba kasi yon at parang hinuhubaran mo na siya sa isip mo?" Tanong niya at sumabay sa paglalakad sakin.

"Hindi ko rin kilala. Binigay niya lang to" sabi ko at pinakita ang librong naiwan ko kanina. Hindi ko alam kung paano niya ako na kilala. Hindi kaya matagal na niya akong nakikita pero hindi ko lang siya napapansin.

"Pero kilala ka ah. At ang pagkaka alam ko straight ka" sabi niya at nakarating na kami sa classroom. Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi niya. Akala ko rin kasi straight ako e. Pero bakit parang gusto kong maging akin yong babaeng yon.

"Kamusta yong babaeng sinasabi mo sakin. Kayo na?" Pag iiba ko ng topic. May nililigawan kasi siyang babae pero nasa college na. Gusto ko sana makilala pero soon na lang daw pag naging sila na.

"Hindi pa. Pero malapit na. Kunti panunuyo na lang mapapa sakin na yong babaeng yon" nakangiting sabi niya.

"Gago! Umayos ka nga. Obsession na ang tawag jan" sabi ko at umiling sa kanya.

"You can't blame me, Von. Mahal ko yong tao. At lahat gagawin ko mapasakin siya. Magiging ganto ka rin pag sobrang nainlove ka sa isang tao" sabi niya at saktong dumating naman ng professor namin.

-

"Hi!" Napa angat ako ng tingin ng may magsalita sa harapan ko.

"He-hello" utal na sagot ko. Ang ganda niya talaga.

"Ahmm. I'm Atarah. " nagulat naman ako sa pag papakilala niya. Ito na kaya ang simula namin.

"I'm Yvonne." Ngiting sagot ko. "This is Enzo, my boy best friend," pag papakilala ko kay Atarah. Kumaway naman siya habang si Enzo tumango lang.

"Can I join?" Nahihiyang tanong niya. Ngumiti ulit ako saka tumango.

"Enz, doon ka sa tapat namin" nagtaka naman si Enzo kaya pinanlakihan ko siya ng mata. He sighed and stood up. "Dito ka Arah. It's okay if I call y---"

"Yeah, it's fine."

Nagsimula kaming kumain habang si Arah umiinom lang ng Chuckie.

"Bakit Chuckie lang iniinom mo? Hindi ka ba kakain ng rice meal?" Nagtatakang tanong ko.

Finally, It's YouWhere stories live. Discover now