Dana's POV
"Babbie.. malayo pa ba tayo? I'm so hungry na." kulit ng cute kong pasahero na kanina pa reklamo ng reklamo.
She's pouting like a baby right now.
I smile internally seeing her so adorable right now kahit na ang arte arte nya kanina pa.
"Naghahanap pa po. Halos close na mga restu kamahalan. Ang late na kase." paliwanag ko habang naghahanap ng makakainan.
Napaismid naman ito sa narinig.
"Eeeh. Kaya nga bilisan mo magdrive para madali tayong makahanap. Bagal-bagal naman kase." angal ulit niyang nakakunot-noo na.
'At naging kasalanan ko pa?'
Ewan ko ba dito. Eh inaya ko kumain kaninang may bukas pang kainan ay ayaw naman niya. Kaya heto ngayon, ako ang kinukunsumi dahil gutom na daw siya. Anong oras na oh. I'm sure wala nang bukas na restu or food hub ngayon. Hindi naman ako makaangal. Ikaw ba naman ang lapagan ng Jowa trump card ng super cute and adorable mong jowa na si Maria Candelaria Jemimah Elizalde. Makakatanggi ka ba? Kaya eto ako ngayon, jowa slash driver duties na naman. Napailing na lang ako sa naisip.
"Halos close na lahat ng food hub ai." sabi ko pa nang matanaw na close na naman ang restu'ng pinuntahan namin.
"Maghanap ka. Feeling ko lumulutang na ulo ko babbie. Nahihilo na ako." paawa pa neto saka menasahe pa sentido nya kaya nag-aalala tuloy ako.
Napatingin naman ako sa kanya while caressing her face. Kawawa naman ang bebe ko.
"Drive thru nalang tayo ai." I suggested.
"Ayoko sa drive thru Evans." reklamo naman niya.
"I'm craving for something and wala sa drive thru yon."
Ang arte arte niya talaga. Promise. Hindi tinablan ng gutom ang kaartehan.
"Fine. Maghahanap nalang tayo ulit baka may open pa na restu." I sigh defeated.
Napangiti naman ito sa narinig saka hinawakan ang kamay kong nasa pisngi niya. Ang cute lang.
"Thank you babbie." she whisphered then she kissed my cheek softly.
Kaya ayon tunaw na naman ang inis ko. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. Haaays.
Bakit nga ba ang swerte ko?
Seguro dahil sa fortune cookie na nakain ko? Swerte daw love life ko eh sabi don.
O
Seguro baka may nagawa akong kabutihan sa past lives ko kaya binigyan nya ako ng isang napakacute, napakathoughtful at napakabait pero maarte nga lang na jowa.
Actually hindi naman talaga maganda ang unang pagkikita namin. Napakasungit pa niya sa akin as in. Ewan ko ba bakit mainit dugo niya sa akin dati eh wala naman akong nagawang karumladumal sa kanya. Mabait naman ako. Hindi ko naman sinadyang banggain siya. The fact that siya pa nga ang bumangga sa akin tapos ako pa itong sinungitan nya. Tsk!
Naging close lang kami simula nong nalaman niyang ako si David ang sweet at magandang "manliligaw" niya sa isang subject namin dati noong freshmen college kami. Ewan ko pero bigla nalang kaming nagclick. Parang magic na naging close kami agad simula non. At dahil don ay mas nakilala namin ang isa't-isa. Kaya konting sungit nalang ang natatanggap ko sa kanya.
Marami ring mga coincidences ang nangyari sa amin gaya nang bracelet namin na couple bracelet pala. I remember na ito yong nabili ko sa isang store malapit sa may platue park na pinasyalan namin nila mama at kuya. Nagandahan kase ako sa bracelet kaya binili ko. Hindi ko alam na may pares pala ito. At nasa jowa ko pala ang pares nito. Nalaman ko lang na destiny bracelet pala ito nang namasyal kami ni Jemaimah doon sa platue park at naikwento ng madaldal na tindera.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo