Jem's POV
"Hay naku mars! Di ka ba tapos?! Kanina pa tayo ikot ng ikot ah!! Pudpud na ang sapatos ko sa kakalakad! Pagod na pagod na ako!!" reklamo nitong kasama kong nagpapapadyak pa parang bata.
Kung makapagsalita parang naglakad talaga ng ilang kilometro. Ang OA lang. Siya naman itong nagyayang magshopping eh. Tapos ngayon magrereklamo sya. Aba!
I mentally rolled my eyes seeing her like a kid.
"Tumahimik ka nga Ecka. Di ka bagay mag-artista! Ang lapit lapit nga lang ng nilakad natin eh!" irap ko dito at iniwan na ito dahil nakakakuha na kami ng atensyon sa iba pang nagsho-shopping. Nakakahiya ang lakas ng ngawa niya sa totoo lang. Sarap ipagkanulong kasama ko siya.
Napanguso naman ito sa narinig sa mula akin saka tahimik nalang na sumunod. Wala rin naman itong magagawa. I heave a sigh. Mabuti nalang at tumahimik na rin siya.
"I have to buy new shoes." I casually said na ikagulat at ikinainis niya. The annoyed look on her face says it all.
"What?! Eh kabibili mo lang last week ah! Disposable ba yang sapatos mo at ang dali-dali mong palitan?!" she rants out in disbelief. "Yaman mo talaga Jemimah. Papagalitan ka na naman ng dad mo niyan. Panigurado." at nagsermon pa ang lola niyo.
"Hindi naman yon magagalit kung hindi niya malalaman." confident na sabi ko. I then shrugged at hindi na pinansin and reaction nito. Hindi pa ba ito sanay? Eh ganon naman talaga ako kung magshopping.
"Ecka, luma na yon ngayon. Last week lang uso yon! May bago kasing style ngayon. So I need to buy new pairs." maarteng paliwanag ko dito.
"Grabe talaga sa kaartehan tong babaeng to!" bubulong bulong na sabi nya pero narinig ko pa rin.
"Lakasan mo pa mars para mas marinig nilang lahat."I said with sarcasm.
"Totoo naman yong sinabi ko. Hmp!" napanguso ulit ito habang lulugo-lugong sumunod sa akin
Di ko nalang pinansin at nagpatuloy sa paglaakad. Kahit magreklamo pa ito, hindi pa rin ako papipigil. Bahala siya.
"Hmp!"
------Bigla akong napahinto nang makita si lolo sa isa sa mga shopping store ng damit.
"Holy shit!" I exclaimed very nervous.
Kinakarma na seguro ako at tadhana na ang gumawa ng paraan para mahuli ako ng lolo. Last last week nang huli niya nya ako pagalitan tungkol sa mga expenses ko. Tapos ngayon gagastos na naman ako. Patay na talaga.
"Aray naman mars!!" reklamo ni Ecka nang hilain ko syang bigla para makapagtago kami.
"Wag ka ngang malikot mars! Baka makita niya tayo." I wisphered petulantly kasi naman ang ingay at ang kulit nito.
Kaya maraming shoppers ang nagtataka ng napatingin sa amin.
Ang katabi ko naman ay nagtataka ring sa ikinikilos ko since pasilip silip ako sa corner ng pinagtataguan namin.
"Ano ba yang sinisilip silip mo dyan ha?" bulong ding sabi nya habang sinisilip rin ang sinisilip ko. Wala naman itong kaalam alam kung sino o ano ang tinitingnan ko. Parang baliw lang.
"Nandito si lolo. Paniguradong patay ako pagnakita nya ako dito!" sabi ko na nakatanaw kung saan nandon si lolo.
Lumaki ang mata nito sa nalaman. Pero agad ding ngumisi nang nakakloko.
"Oo nga no? Patay ka talaga pagnakita ka nya Jemimah!! Hala! Sermon na naman aabutin mo. Goodluck nalang talaga mars." pananakot pa nito sa akin na parang kasalanan ko ang lahat. Eh ito naman ang nagyayang pumunta kami dito.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo