Chapter 17 - interrogation

778 69 5
                                    

Mula sa paaralan, dinala ng mga pulis si Dana sa kanilang presinto. Nang dumating ay pinagtitinginan sila ng iba pang pulis na kasalukuyang naroon. Takang taka ang mga ito kung bakit isang teenager ang kasama ng dalawang pulis na kabilang sa grupong may hawak sa isang napakaespesyal na kaso.

Ang teenager naman ay tahimik lang na sumunod sa dalawang pulis. Walang pakialam sa paligid.

"Anong tinitingin tingin nyo dyan?! Balik trabaho!" sita ng lalaking may kaedaran na. Saka hinarap ang dalawang pulis.

"Good Afternoon po chief!" sabay sumaludo ang dalawang pulis sa kanya.

"Siya ba iyon?" tanong sa kanila ng matandang pulis saka maiging tiningnan ang teenager na kasama nila.

"Opo sir." kumpirma ng dalawa.

Tumangu tango naman ang matandang pulis. Bago pumunta sa isang silid.

Agad namang pinapasok ang teenager sa isang kwartong katabi lang ng kwartong pinasukan ng matandang pulis. Sa loob nito'y may isang mesa, tatlong upuan, may napakalaking salamin ang nakasabit sa puting dingding.

Pina-upo ito sa isang silya saka iniwan siyang mag-isa ng dalawang pulis. At doo'y naghintay sa taong kakausap sa kanya.

Ilang sandali pa ay pumasok na ang dalawang tao. Isang chinitang babaeng bilogan ang pisngi. Napakaseryo ng magandang mukha nito habang may dala dalang mga folders. Nakasuot ito ng maong na pantalon at polo shirt na puti. Samantalang ang kasama nito ay isang matikas na lalaking may malakas na karisma. Napakapormal din ng mukha nito gaya ng babaeng kasama. Suot nito'y itim na pantalon, puting v-neck na t-shirt na pinatungan ng maong na jacket. Parehong may badge ng pulis ang nakakwintas sa leeg ng dalawa. Kaagad na naupo ang mga ito sa harapan ni ng estudyante.

"Dana Evans Manansala, We have few questions for you." panimula ng chinitang pulis while scanning a folder with Dana's profile in it. Si officer Sierra Guia.

"Sure! Fire away." kalmadong sagot ni Dana.

Walang nababakas na kaba o takot sa kanyang mukha which is very unusual behaviour of a person under interrogation. Naging curious tuloy ang babaeng pulis dito.

"Okay then." seryosong tiningnan siya ng pulis.

"Napag-alaman naming pinatawag ka ni Mr. De Jesus sa guidance office the other day?"

"Yes." walang kagatol-gatol na sagot ni Dana.

"Why?" matamang tiningnan ni officer Guia ang teenager sa kanyang harapan na waring binabasa ito.

Sinalubong naman ito ng tingin ni Dana saka sumagot.

"Usual offense of a student. Sabi nya."

"And what offense did you do?"

"Tinanong niya ako so sinagot ko siya. Tapos sinigawan niya ako dahil hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Matapos noo'y inutusan ako at di ko siya sinunod. Nakakabastos daw ako at nainis siya sa akin kaya pinaguidance niya ako." mahabang paliwanag nito.

The officer feels the honesty in the student statements. Inis lang ang maririnig nito sa tuno ng boses ng teenager.

"Hindi ka man lang ba nagalit sa kanya dahil sa mga ginawa niya sa iyo?" dagdag na tanong ni officer Guia.

"Galit?" Dana smirked.

"Strong word officer. Hindi ako ganon kababaw." naiiling na sagot nito na nakangiti pa rin.

"Really? You haven't plan a revenge plot?" Officer Guia pressed further, wanting to find something.

"Waste of time officer."

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon