Jem's POV
Lumipas na ang isang linggo ay ganon pa rin set up namin ni Dana. Buti nalang medyo nagka-etiquette na sya ng kaunti ngayon. Hindi na sya basta basta naghuhubad sa harap ko para magbihis. Marunong na rin syang maghilamos bago matulog. Di na tamad pumuntang banyo.
Kaya lang ganon pa rin. Para pa ring starfish kung matulog sa kama. I mean dinaig pa si Patrick Star. Pero yong halik na yon. Di ko pa rin alam if totoong nangyari o panaginip lang. Bigla tuloy umunit ang mukha ko nang naalala ko na naman yon.
'Bwisit kang Evans ka!'
Noong isa beses nga, konti na lang masasapak ko nya sya. Sinabihan ba naman ako na kaya konting space lang ibibigay nya dahil maliit daw ako so sakto lang ako sa space na binigay nya. Ang liit ko daw kase parang bubwit. Parang bagay daw akong maging member ng team gasul,yong yong grupo nila Sheki at Brie. The nerve! Sya na nga itong nakikitulog sa kama ko. Nilait pa height ko. Hmp!
At isa pa ha. Mas lalo pa itong naging PG. Lamon kung lamon kapag kakain na kami, lalong lalo na pag recess time na. Favorite subject nya ata ang recess eh. Taas ng energy kapag na bell na during recess time. Laki rin ng ngiti pagnakikita nya ang cafeteria. Bilis maglakad eh. Lagi kaming iniwanan ni Ecka, tapos di na kami pinapansin kapag lumalamon na sya. Diba napaka rude lang? Grabe. Eto namang si Ecka panay dada, eh di naman sya pinapansin. Kaya sa akin nalang sya nangungulit as usual. Akala ko maibabaling na nya ang kakulitan nya kay Dana. Kakainis talaga. Mauubos ang dugo ko sa kanya. Sa kanilang dalawa ni Dana pala. Plus Coby na bigla nalang sumusulpot para manligaw. Ayoko na talaga sa buhay ko.
At ngayon nga. Eto oh tulog na naman si Dana. Iniwan kase kami ng teacher namin dahil may emergency meeting daw sila. Pinagbasa lang kami ng libro para naman may gagawin kami habang wala sya. Pero tong si Dana parang laging puyat. Kompleto naman sya sa tulog. Nagtataka nga ako bakit laging tulog to. Favorite pastime nya ang tulog aside sa Lamon. Eto sya oh tulog nga at tulog. Walang paki sa paligid nya mga mars.
Patay talaga to kapag nalaman ni Lolo. Ha! Patawa ka Jemimah. Well wala naman syang pakialam sa kung anong sabihin ng lolo. Tigas ng bungo. Walang galang sa matanda.
Haba na ng monologue ko ah.
Biglang dumating ang school administrator. Kaya dali dali kong ginising ang mahimbing na natutulog kong katabi.
"Hoy Evans. Gumising ka na. Andyan na si sir De Jesus." yugyog ko sa natutulog na babaita.
Pero deadma sya. Kaloka.
'Bakit ko ba ginigising to? Anong paki ko kung pagalitan? Dapat nga matuwa pa ako dahil makakaganti ako. Bahala sya dyan. Di naman seguro ako papagalitan ni dad noh, I mean I did try kayang gising sya.'
"Lakasan mo Jemimah, nakatingin na dito si sir De Jesus. Baka madamay pa tayo. Alam mo naman yang gurang na yan. Masyadong maldita. " nababahalang bulong ni Ecka sa akin habang nakatingin sa harapan.
"Bakit naman tayo madadamay ha? Bahala sya dyan. Hmp!" bulong ko sabay irap sa kanya.
"Hala di na nakonsenya. Roommate mo yan oh. Kawawa naman." guilt trip nya sa akin.
Pero huli na ang lahat. Nakita na sya ng administrator namin. Good luck nalang sa kanya noh.
"Looks like someone is in a dreamland." biglang nagsalita si Mr De Jesus habang masamang nakatingin sa natutulog na si Dana.
'Patay ka talagang babaita ka! Wala pa namang sinasanto yang gurang na yan.'
'Kaya gisingin mo na.'sigaw ng utak ko sa akin.
"Hoy Evans! Gising!" tulak ko nang malakas na ikinalaglag nya.
"Aray naman Jemimah! Sakit non hah! Grabe ka talaga sa akin." bulyaw nya sa akin habang nakaupo sa sahig. Bugnot na bugnot ang itsura nito at ang sama ng tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo