Kinabukasan, hindi na muna pinayagang pumasok ng matandang Elizalde ang dalawang estudyante nang dahil sa nangyari sa kanila kagabi. Alalang-ala silang dalawa ni Arturo nang ipinaalam sa kanila ng kapulisan ang nangyari sa kanyang apo at kay Dana.Hindi nila akalaing na si Geoffrey Harvey, isang bagong hire na guro ng RHA ang totoong pumatay sa kanilang school administrator at ng isa nilang estudyante.
'Paano ito nakalusot sa mahigpit na proseso sa pag-hire ng RHA?' Napaisip tuloy siya na tanggalin ang kung sino mang naghire kay Geoffrey Harvey.
Ayon sa nakalap na ebidensya ng mga pulis sa bahay ng killer, malaki talaga ang galit nito sa kanilang school administrator. Matagal na pala nitong pinagpaplanohan ang pagpatay kay De Jesus. Napag-alaman nila na si Geoffrey Harvey was sexually abuse by Henry De Jesus when he was a kid. Nagsampa ng kaso ang ama ni Harvey laban kay De Jesus. Subalit dahil sa maimpluwensya si De Jesus, naharang ang ebidensya at hindi na umusad ang kaso. Dahil doon inatake sa puso at namatay ang ama ni Geoffrey Harvey. Maaga itong naulila dahil patay na din ang ina nito. Kaya ang lagay ng kanyang pag-iisip ay naapektuhan.
Samantalang ang estudyante nilang si Delos Reyes naman ay nadamay lang dahil sa natuklasan nito laban kay Geoffrey Harvey.
Mga impormasyong galing mismo sa hepe ng kapulisan na kabilang sa mga tauhan ni Condrad Elizalde.
Kaya maagang pumunta ng presito ang dad ni Jem upang maghain ng kaso laban kay Geoffrey Harvey. Ito ang inatasan ni Condrad na personal na mag-asikaso ng kaso. Naglatag sila ng malaking pabuya para mas madali mahuli si Geoffrey Harvey na on the loose pa rin hanggang ngayon. Hinding hindi nila palalampasin ang ginawa nito sa kanyang apo.
-----
Samantala...
Ang dalawang teenager ay kasalukuyang kinakausap ng masinsinan ni Condrad Elizalde habang sila ay nagbebreakfast.
Nababahala itong nakatingin sa kanyang apo na may mga pasa sa mukha. Hindi nito mapigilang magalit kay Geoffrey Harvey dahil sa nangyari sa kanyang apo.
"Kumusta ka naman apo?" nag-aalalang tanong ni Condrad sa kanyang kaisa-isang apo.
Bluish at visible na kasi ang mga pasa ni Jem.
"Medyo okay na naman ako lolo." tipid na ngumiti si Jem para hindi na gaanong mag-alala ang kanyang lolo.
Hindi naman naniwala ng lubos ang matandang Elizalde dito.
'Mas mapapanatag ang loob niya kapag napatingnan na ito sa doctor.' Isip ni Condrad
"Pero kailangan mo pa ring ipacheck-up yang mga bruises mo. Natawagan ko na si Dr. Condes para matingnan yang mga sugat at pasa mo. Mamaya 9am ang appointment mo Maria Candelaria." seryosong saad nito kay Jem habang nakatingin pa rin sa mga pasa nito. Napasimangot naman ang kanyang apo sa narinig at napilitang tumango at sumang-ayon.
"Pati na rin ikaw Dana. Sumama ka na rin kay Jemimah para matingnan ka na rin." baling naman nito sa isa pang teenager na tahimik na kumakain sa tabi ni Jem.
Pero napakunot ang noo ng matanda nang wala man lang siyang nakitang galos o pasa kay Dana.
'Kakaiba talaga siya. Hindi na siya dapat nagugulat pa.' isip ng matandang Elizalde realising kung ano talaga si Dana.
"Salamat din at niligtas mo ang apo ko at ang kaibigan niya. Kung hindi ka seguro dumating ay baka may masama nang nangyari kay Jemimah." he said sincerely.
Nasabi ni Jem sa kanila kahapon ang buong pangyayari. Pati ang ginawa pagligtas ni Dana dito at kay Ecka. Segurado si Condrad na grabeng takot ang naidulot ng mga pangyayari sa kanyang apo. Nanginginig kase ito sa takot habang nagkukwento. Naisip ni Condrad na kailang nyang i-undergo ang mga teenagers sa stress debriefing sa isang psychologist. Baka na trauma na mga ito. Mabuti na iyong nakakasiguro.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
أدب المراهقينWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo