Chapter 18 - real wolf

817 72 12
                                    

Jem's POV

"Mars, huwag kang mag-alala. Walang mangyayaring masama diyan bebelabs mo." mahinang tapik ni Ecka sa likod ko habang nakatingin sa papalayong si Dana.

"Hmp!" inirapan ko siya. Ayan na naman siya sa mga biro niya.

Nagkaroon ng malakas na bulong bulungan sa loob ng classroom nang tuluyang makaalis ang mga pulis kasama si Dana. Ang ingay na tuloy ng classroom tinalo pa ang palengke. Lahat may kanya kanyang opinyon.

Kaya naman pumalakpak ng tatlong beses si sir Harvey na nakatayo sa harapan para madivert sa kanya ang atensyon ng mga estudyante.

"May ilang katanungan lang ang mga autoridad kay Manansala. Kaya tigilan na ang mga chismis na yan." seryosong saad nito.

Tumahimik ang buong classroom.

"Let's start our class."

Nag-umpisa na itong magturo.

Ako nama'y hindi pa rin mapakali. Ewan ko ba bakit nag-aalala ako kay Dana.

'Ito naman gusto ko diba? Ano ba yan?! Di ko dapat nararamdaman ang ganito!'

Matatapos nalang ang klase, ni isang topic sa nilecture ni sir Harvey ay wala akong naitindihan dahil sa kaiisip kay Dana.

'Ano na kayang nangyari sa babaitang yon? Di naman kaya siya sinaktan ng mga pulis? Walang modo pa naman yon.'

"Class dismissed." sabi ni sir Harvey nang tumunog na ang bell. Doon lang ako nagising mula sa kakaisip kay Dana.

"Miss Mirafuentes. Please stay, I have something to discuss to you." tawag ni sir Harvey kay Ecka na ipinagtaka ko. I mean this is the first time na may pina-iwan siya sa classroom.

Napatinging ako ng puno ng pag-aalala kay Ericka.

'Ano kayang kailangan nito kay Ecka?'

"Opo sir." kinakabahang sagot ni Ecka. Ngayon lang kase siya pina-iwan sa klase.

"Antayin nalang kita sa labas mars." sabi ko sa kanya. Tumango lang ito na parang wala sa sarili.

Nag-hintay ako ng ilang minuto sa labas ng classroom bago lumabas si Ecka na di mapakali.

"Mars okay ka lang? Ano ba ang nagyari?" nag-aalalang sabi ko sa kanya kase ang putla nya.

"Mars, tulungan mo ako." mangiyak-ngiyak na sabi nito.

"Bakit anong problema? Anong pinag-usapan niyo ni sir?"

"Eh kase, sabi niya, hindi daw niya makita you term paper ko. Yong pinagawa ni Mr. Castro dati. Eh nakapasa naman ako. Diba sabay nga tayong nagpasa noon? Pero sabi niya wala daw ang term paper ko sa mga term papers na itinurn-over sa kanya." na-iiyak na salaysay ni Ecka. Namumuo na ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Patay ako kay papa kapag bumagsak ako sa subject niya." sabi niya habang pinunasan ang luhang pumapatak sa kanya mga mata.

"Mars, tahan na. Masosolve natin yang problema mo. Tutulungan kita." alo ko sa kanya. Kawawa naman. Di naman niya kasalanan na nawala yong term paper niya.

"Talaga?" tila nabuhayang tanong niya.

"Syempre naman mars! What are friends are for hindi ba?" re-assured ko sa kanya.

"Binigyan ka ba niya ng chance? Usually naman nagbibigay talaga ang teacher ng chance sa mga students lalong lalo na sa mga unexpected circumstances."

"Oo mars, sabi niya ipasa ko daw ulit yong term paper ko pero within this day lang daw. If wala na siya sa office niya pagpasa ko mamaya, ihatid ko nalang daw sa bahay niya." paliwanag ni Ecka.

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon