Jem's POV
"Mars ano bang nangyayari sa iyo ha at kanina ka pa tulala dyan?" tanong ni Ecka na kanina pa nagtataka sa ikinikilos ko.
"Eh sino ba naman ang di mapapatulala eh. Nakipagkasundo ba naman ako kay Dana. Kay DANA!! Demonyita yon! Bakit pa kase ako sumang-ayon sa kanya kanina. Di ko alam gagawin ko." I groaned. I totally regret that I did that. I'm so disappointed with myself.
"Asus ang OA mo naman Jemimah. Para yon lang. Ano namang hiling ang iniisip mong hihilingin ni Dana na takot kang ibigay ha?" she asked frowning.
Tiningnan ba naman ako na parang nag-iinarte lang ako. Promise ganon siya makatingin. Hindi ko nga alam kung bestfriend ko ba talaga ito.
"Di mo kase sya kilala Ericka!! At di ko rin sya gaanong kilala! Di natin alam kung anong tumatakbo sa kokote nya. Napakamisteryoso ng babaeng yan. I didn't know how she even manipulated my grandfather in just like that. Eh masyado na kayang nakakatakot Lolo ko hindi ba? Lalo pa sa mga di nya kakilala. Di ka ba nagtataka doon?" I explained very exasperated.
Parang I was stuck in a room with nowhere else to go. I don't know what to do.
"Di ba nga sabi mo nga bff ng lolo mo ang lolo nya. So baka dahil doon yon. Para na ring apo turing nya kay Dana. You're just being overly dramatic Jem."she nonchalantly retorted back shaking her head.
"Hmp! Anong apo? Eh parang inis nga si lolo sa kanya eh. Kala mo di ko napapansing inis sya sa mga banat ni Dana sa kanya. Di lang sya makapalag. Parang may something na powers over him talaga ang Evans na yan." nakanguso kong sagot sa kanya.
"Alam mo tigilan mo na yan Jemimah. Napaka judgemental mo. Kaliit-liit na bagay pinapalaki mo. Wala pa ngang nangyayari. Kung ano-ano na ang ini-emagine mo. Advance lang mag-isip."
"Eh kase naman..."nagpapapadyak na turan kong ikinagiti lang nito. Para na kase akong bata tingnan for sure.
"Hay naku tara na nga sa Cafeteria at gutom na ako mars. I'm sure nandoon na yong babaeng laman ng isip mo ngayon. Ayeee.." she teases me nanakapagpasimangot sa akin pero it doesn't stop making me blush.
"I-shshshsh!"
"Bilisan mo na at hinihintay na tayo ng baby loves mo.. Ayeee..."
"Nakakainis ka talaga Ericka!"
Tumawa lang ito as we sauntered towards the cafeteria.
At tama nga ito, nandoon na nga si Dana. Nag-iisang kumakain sa isang table sa may sulok. Walang nangahas makishare ng table. Kase she ignored them all as usual. Her deathly glares surely scare them off. And as usual very focused pa rin ito sa pagkain nya.
"Dana, kanina ka pa dito?" Ecka ask gleefully.
Tuminging lang naman ito at tumango saka balik sa kanyang pagkain. Medyo okay na ang reaction nyang yon. Tumango na ito. Compared kase dati na titignan ka lang at ii-snobin pagkatapos.
"Mabuti naman di ka binuro ni sir De Jesus doon sa guidance office." sabi pa ni Ecka.
Kru kru kru
Walang sumagot sa kanya.
"Dito kami makikiupo Dana ha?" tanong pa rin nya dito.
Kru kru kru
"Haay naku di makagets. Di ka papansinin nyan Ecka kapag lumalamon yan. Hindi ka ba nasanay." turan ko kay Ecka na nagpapakatanga.
Ngunit ang tigas pa rin ng ulo ng bestfriend ko. Patuloy na kinulit pa rin nito si Dana kahit hindi pa sya pinapansin nito.
"Basta dyan kami makikiupo Dana ha? Tara na Jemimah bili na tayo ng pagkain. " bilin pa nya sabay hila sa akin para bumili ng pagkain.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo