Chapter 20 - jack o lantern

840 63 5
                                    

Jem's POV

"So nakita mo ba ang jowa mo?" kaagad na tanong ni Ecka nang pumasok ako sa room nya.

Napabusangot naman ako sa tanong nya.

"Anyare sa iyo mars? Mukhang galit na galit ka?" takang tanong nito.

"Wala!"

"Asus wala daw pero yong mukha mo hindi maipinta. Ano ba kase ang nangyari? Pinagpalit ka na ba ni Dana dahil ang sungit mo?" tumawa pa ito waring natatawa sa sariling joke nya.

"Hmp! Tumahimik ka nga Ecka!" singhal ko sa kanya.

"Aaay.. Galit nga."

"Humanda talaga siya sa akin pagdating nya!" I muttered to myself. I just can't forget the fact that she left me. It pisses me off.

"Hoy. Jemimah! Anong binubulong-bulong mo dyan ha? Para kang baliw."

I didn't answered but just glared at the curious girl.

"Peace mars. Hehehe. Maglalaro nalang ako ng ML na one hand lang." sabi nito sabay labas mg cellphone niya.

Biglang bumukas ang kwarto at iniluwa ang taong kinaiinisan ko. Nakapagpalit na nga ito ng damit. Suot na niya kase yong damit niya kanina na asul na maong na pantalon at dilaw na tshirt. May beltbag na nakasabit sa kanyang dibdib.

"Tara na ai." diretsang sabi nito, ni hindi man lang binati si Ecka.

"Aayy, invisible na pala ako ngayon Dana noh?" sabi naman ni Ecka sa bagong dating.

"Hi." tipid na bati naman ni Dana sa kanya.

"Awit... Ayy nga pala huwag ka munang lumapit masyado sa jowa mo. Baka bugahan ka ng apoy. Masyadong mainit pa ang ulo nyan." sagot naman ng isa na baliwala nalang ang pagiging sarkastiko ni Dana.

Napaismid naman ako sa narinig habang masamang nakatingin sa bagong dating na buwisita.

"Huh? But we have a date." kunot noong sabi ni Dana habang nakatingin sa akin.

"May date nga pala kayo ngayon ano? Pano ngayon yan? Eh sinapian ng dragon yang jowa mo."

"Hindi ko sya jowa noh!!" bulyaw ko kay Ecka.

"Huh? Pero sabi mo kay Alice kanina na girlfriend, syota, jowa mo ako ah." nalilitong sabi ni Dana na ikinapula  ko. Gusto ko nang maglaho. Bwisit ka talaga Evans ka.

"Ay binakuran mo talaga mars? Iba ka talaga Jemimah! I'm so proud of you." masayang sabi naman ni Ecka.

"Shut up Ecka! Wag ngayong mainit pa ang ulo ko! Pati rin ikaw Dana. Inis pa ako sa ginawa mong pag-iwan sa akin kanina!" inis na sabi ko sa dalawa kaya tumahimik na ang mga ito.

"At sinong nagsabi makikipagdate ako sa iyo Dana?"

"Pero-"

"I-date mo yang mukha mo!!"

"Ano ba yan Jemimah. KJ." singit ni Ecka.

"Hindi ka kasali dito Ecka kaya huwag kang makialam."

"Pero may deal pa tayo Jem. We'll do what couples do. And going out on a date is a part of it right?"

"Bwisit na deal na yan."

"A deal is a deal Jemimah."

"Fine! Pero ito na ang huling deal natin!"

"Ayaw. Lugi naman ako niyan Jemimah."

"Anong lugi ka dyan?!"

"Hmp! Basta date tayo ngayon. Tara na ai. Bye Ecka." tila qalang narinig na sabi nito saka hinila na ako palabas.

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon