Jem's POV
Grilled
Ito yong situasyon ko ngayon habang kami nandito sa cafeteria para maglunch break. Feeling ko di na ako lulubayan ng tanong ni Ecka.
Ito naman kasing isang maldita katabi ko eh ayaw sumagot sa tanong ni Ericka. Masyadong fucos ang bruha sa kinakain niya at parang hangin nalang kami sa kanya. Hindi man lang nito pinansin ang kaibigan kong maingay na kanina pa dada ng dada. Nakakakulili na sa tenga ang boses niya.
"Ang ingay mo Ecka. Let's just eat. Gutom na ako." naiirita kong sita sa kanya.
"Eh...Jem naman." Maktol na sagot naman nito habang nakapout pa.
Ayaw talagang tumigil. Kita na nga niyang kanina pa siya inii-snob na nitong si Dana. Tuloy pa rin. Aba.
"Bahala ka." sabi ko habang nag-umpisa na akong kumain.
Greek salad na inorder ko kase less muna sa rice baka tumaba ako. Sayang naman ang sexy figure ko. Napasimangot akong tumngin sa kaharap ko. Ang takaw takaw niya sa kanin. Nakailang extra rice na kaya si Dana. Grabe sa pagka PG dinaig pa ang mga pulubi na ilang araw nang di kumakain.
"Paanong nangyari na sa inyo sya nakatira? Magkaano-ano ba kayo nitong si Dana? At bakit sya sa mansyon nyo nakatira Jemimah hah? Alam mo frend. Madami ka nang nililihim sa akin. Live in na pala kayo ni Dana!" patuloy na tanong naman nitong isang katabi ko na tila hindi narinig ang mga sinabi ko at natawa pa sa huling sinabi nya. Nang-aasar talaga.
"Anong Live in ka dyan?! Kanina ka pa ha!" inis na sagot ko dito at tiningnan siya ng masama.
Aba-aba! Gumagawa na naman ng issue ang isang ito. Kung ano-anong iniisip.
"Ehh... Sa inyo siya nakatira hindi bah? Eh di live-in kayo." she said smugly. Proud na proud pa sa kanyang analysis. Napa-face palm nalang ako.
"Geeze Ericka.. Ang kulit mo rin ano?!" napaingos nalanag ako. Kaasar lang ang bruha.
Tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Sasagot ka ba? o sasagot ka Jemimah?" matatag na sabi naman nitong di man lang natinag kahit na alam nyang inis na ako.
"Fine."
Napabuntong hininga nalang ako at napilitang sagutin ang tanong nya. Kase di rin nya ako lulubayan ng sangkaterbang tanong. Na daig ko pa ang nagtake nang long exam para sagutin ang mga tanong nya.
"Apo sya ng matalik na kaibigan ng lolo galing Australia at kararating nya lang dito sa Pinas and wala silang kamag-anak dito so naki-usap young childhood best friend ni lolo to which he owes a lot na sa amin muna yang si Dana titira." pilit na sagot ko sabay subo ng vegies.
"Is that true Dana?" Baling na tanong naman nya kay Dana na hanggang ngayon ay busy pa rin sa paglamon. Tiningnan lang sya nito at nagpatuloy ulit sa pagkain.
Kita mo tong isa. Sinagot ko na nga ang tanong nya nagtanong pa ulit kay Dana para makumpirma. 'Walang tiwala sa akin te? Napaka talaga! Ang sarap tirisin!'
"You should've never asked me if you wouldn't believe in what I say. Nagtanong ka pa talaga sa akin Ecka." naiirita kong sabi sa kanya.
Naguilty naman ito sa sinabi ko.
"Peace na friend. Eh gusto ko lang naman isali tong si Dana sa usapan natin nang di naman sya ma-OP. Kawawa naman. Wala pa siya kaibigan o kalilala man lang." mahabang paliwanag naman nito sabay ngiti nang wagas.
I rolled my eyes sa sinabi nya. Papansin lang talaga.
"Di mo pa ba nahahalata na ayaw ngang makipag-usap nyang si Dana? It just mean she doesn't like you."
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo