Jem's POV
The girl with cold unreadable expression walks in as my lolo calls her.
"Holy shiz!!" I gasp so surprised seeing the girl I loathe a while ago.
I was scanning at her wide eyed. Muntik pa akong makapagmura. Buti nalang natakpan ko agad ang bibig ko.
She has this below the shoulder chocolate brown wavy hair which compliments her soft feminine features. Prominent jaw line, slightly turn-up nose, cute cleft chin and those rosy thin lips. What got my attention is her eyes. The last time I saw it, it was glowing blue which draws you into the depth of darkness and drain all the life in you. But now the golden brown orbs only shows mystery.
Hindi ko lubos maisip na ang taong ilang araw nang bumabagabag sa isip ko ay narito na sa harap ko ngayon. In flesh.
In fairness mas matangkad sya sa akin. Yes. Hindi ako gaanong nabiyayaan ng height. Seguro noong nagpaulan ang langit ng height ay tulog ako. Pero binawi naman sa ganda at talino so okay na. Ecka even compared me to Tinkerbell with bob cut hairstyle. Cute small face with ash blonde bob cut hair. Cute height. Napagkakamalan nga lang akong bata.
Di ko mapigilang mapasimangot sa kaalamang yon.
Aaminin ko. Over all maganda naman talaga tong babaeng nasa harap ko. At hindi ko yon tanggap.
Matiim naman naya akong tinititigan na gaya ko ring masusi niyang binabasa
Nang dumako ang mga mata niya sa mata ko ay doon na na nagwala ang puso kong to na ang lakas ng kabog. Na parang di na ako halos makahinga. 'Langya kang puso ka! Ano bang nagyayari sayo ha?'
Then someone cleared its throat causing me to snap out from further reading her.
Si dad pala yon. Nahuli ako. Kaya ayon pinandilatan tuloy ako. Naman! Sasabihin na naman nyan na rude ako. It's rude to stare nga diba, lalo pa sa bagong kakilala.
Napabuga nalang ako ng hangin para hindi na mainis pa. At inilihis ang paningin mula sa babaeng kaharap ko na parang Emo sa soot nito. Naka-itim kase ito mula ulo hanggang paa. Mula sa itim na hoodie hanggang sa itim na boots. Parang ganito din yong damit nya noong unang ko syang nakita. Oh siya nga ba yon?
Bigla kong naalala na galit pala ako dito dahil sya pala yong nakita kong ipignagshopping ni lolo kanina.
"Who is she? lo?" nagpipigil sa inis na tanong ko.
Ang tagal naman kaseng ipakilala ni lolo. Kanina pa kami nakatayo.
'Ano to? Titigan portion?'
'Atat lang Jem? Di talaga makapag-antay na makilala ang crush mo? Kaloka!' tuya ng isip kong sarap itakwil kung pwede lang.
Dahil sa tanong ko ay parang na-untag ito sa malalim na pag-iisip. Binalingan ako nito na para bang nagdadalawang isip.
Habang ang bisita naman namin ay inip nang naghihintay sa kanyang sasabihin. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pinipigilan nitong ngiti na para bang naaliw itong makitang nalilito ng ganito ang lolo. Mas lalo tuloy akong naasar sa kanya.
Bigla itong nagsalita. "Who am I Conrad?" patuya nitong tanong dahil sa tagal makasagot ng lolo ko. Nainip na ata.
'Well in fairness ang lamyos ng boses ha. Hindi nga lang bagay sa mukha niyang parang may gagawing kalokohan.'
'Weh?' kontra ng konsensya ko. Bwisit lang.
Ikinagulat naman ni dad ang bigla nitong pagtatanong. Nabahala ata si dad sa pagiging walang galang ng bisita kay lolo. Kilala nito si lolo. Madali itongnmagalit sa mga walang modo. Baka agad nitong patalsikin ang bastos naming bisita pagmagkataon.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo