Jem's POV
Nang matapos ang klase inaya ko na si Ecka na magmalling. Masyado na stressfull sa school dahil sa pagpatay kay sir De Jesus, dumagdag pa ang pag-aamok ni Coby.
'Ano bang nagyayari sa mundo?'
Di ko na inaya si Dana kasi bigla nalang itong nawala. Ewan ko kung saang sulok na naman ito naglakwatsa.
Nagpasya kaming magstarbucks nang mapagod na kaming kaiikot sa mall.
"Kumusta na kaya yong imbestigasyon nila kay sir De Jesus noh?" sabi ni Ecka.
"Bakit ako tinatanong mo eh di naman ako ang imbestigador?"
"Eh, baka lang naman may alam ka. Marami ka namang access para malaman diba?"
Masyadong chismosa.
"Fine."Napailing nalang ako sa assumptions niya. Which is true though. Yan na nga at hinihintay na magkwento ako.
"Ang alam ko pinatay daw si sir nang serial killer. Dahil parehong pareho "kuno" ang pagkakapatay sa kay sir Castro. Gilit sa leeg at may markang D sa noo. May nakaukit din sa likod nito."panimula ko.
"Nakakatakot!" sabi nitong hinagod pa ang mga braso nya na tila kinikilabutan.
"Pero i-veverify pa daw muna ng mga imbestogador if yong serial killer nga talaga ang gumawa. Marami kasing naglipanang poser ang killer na yon. Yon lang ang sabi ni ma'am Lacumba nong nagtanong ako sa kanya." kwento ko sa kanya.
"Yong the Crackers mars?" nanghihilakbot na tanong nya.
Muntik na akong matawa sa sinabi nya. Kahit kailan talaga napaka malilimutin nito.
"Crackerjack." pagtatama ko sa kanya.
"Oo pero di pa nga daw segurado if sya nga. Di na ako nagtanong pa beyond that baka malaman pa ni dad na nanghihimasok na naman ako at mapagalitan na pa ako." disappointed kong sagot.
"Teka, Si Dana, diba pinatawag sya kahapon ni sir De Jesus? Wala ba syang nasabi sa iyo?"
"Sabi niya kaninang umaga nang tinanong siya ni dad, umalis daw syang school mga alas syete. Kase nga sarado na ang school pag seven. Pero duda pa rin talaga ako dyan kay Dana eh. Nine na kase siyang nakauwi ng bahay kagabi. Di rin ako naniniwala sa explanation nya kung bakit sya late nang umuwi kagabi."
"Eh bakit ba daw late sya nakauwi?" tanong ni Ecka.
"May sinundo daw. Tinanong namin kung kaibigan niya. Hindi naman daw sabi niya. Ang labo niya. " napaismid na sagot ko dito.
"Asus. Selos ka naman?"
"Hindi ah. Ba't naman ako magseselos?"
"Asus Jemimah. Huwag ako." hindi naniniwalang sagot niya.
Napaismid pa akong lalo.
"After that, naglaro ng online game on some computer shop somewhere." dagdag ko pang kwento.
"Gamers pala yang si Dana." she chuckled.
"Pero duda pa rin ako sa kanya.
"Yan na naman po tayo."
"Hmp!"
"Change topic na nga tayo Jemimah, nae-estress ako sayo. Buti pa pag-usapan nalang natin yong nangyaring eksena kanina. Para mas lalo tayong maestress." tumawa pa ito sa naisip.
"Pinaalala pa! Hmp!."
"Pero sa totoo lang mars, na-stress talaga ako nung muntik nang jombagin ni papa Coby ang jowa mo. Nainis itong ex-manliligaw mo kasi naman itong jowa mo, pasaway! Makailang beses ba naman niyang binato ng bola na puro sapol sa mukha si papa Coby. Mukha talaga pinuntirya nya ha! Nasira tuloy ang poging face ni papa Coby. May galit ba si Dana kay papa Coby mars?"
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo