Chapter 10 - exasperating seatmates

987 68 1
                                    

Jem's POV

"Si sketch girl." kompirma naman nitong katabi ko na tudo pa ang pag-ngiti

'What the hell is she doing here?!' nanlaki ang mata ko nang makita ko sya. Hindi makapaniwala sa mga ngayayari.

'Di pupwede to! Kailangan kong tawagan si lolo!'

'Your lolo and dad was controlled by her so why waste time?'

I huff very discouraged realizing that fact. Mapapasama pa ako kung kokontra na naman ako.

Samantalang ang lapad naman ng ngiti ng babaeng nasa harapan ko habang nakatingin sa akin. Bruhilda talaga.

'Sira na talaga ang araw ko!'

"Kindly introduce yourself iha." sabi pa ni Miss Lopez dito.

Himalang tumango naman ang bruhilda habang nilibot ang mata sa buong classroom. Napakunot pa ang noo nito na tila hindi nya gusto ang  nakikita.

"Hi, I'm Dana Evans Manansala." walang ganang pagpapakilala nya sa sarili nya. Halatang parang napipilitan lang sa ginagawa niya.

Meanwhile my classmates are gawking at her na para syang artista. Well, hindi ko sila masisisi. Mukha naman talaga syang artista. Ang tisay nga nitong tingnan parang foriegner.

"Ganda ng crush mo sa personal ha." tuksonb bulong ni Ecka sa akin kaya siniko ko sya.

"Shut it!" I hissed very annoyed.

"You're so mean mars." nag-eengles pang reklamo nito.

Tiningnan ko siya ng masama para tumahimik na kaya ayon, napasimangot at bubulong-bulong sa sarili.

"You may take your seat Dana." sabi ng teacher namin.

Buti naman walang vaccant chair na katabi ko. Kundi mas lalong nasira ang araw ko. Alam ko kaseng tatabi ito sa akin para mas lalong inisin ako. Kaya nakahinga ako ng maluwag sa kaalamang yon.

That's what I thought. Nalimutan kong walang modo pala ang babaeng yan.

Di ko man lang napansin na nakalapit na pala ang bruha.

She cleared her throat habang nakatingin sa katabi ko.

Hindi kay Ecka ha, kundi kay Nico na tahimik na nakaupo kabilang side ko.

Ang lapad pa ng ngiti ng loko sa kanya na akala mo kung sinong gwapo. Eh di naman.

"Yes?" tanong pa nito habang nakangiti ng wagas.

Masyado lang assuming. Di ko rin sya masisi. Ikaw ba naman ang lapitan ng magada at bagong kaklase. Syempre magfaflattered ka rin.

But Dana just look at him dangerously and gestured, to leave his seat.

Ayon tuloy nalusaw ang ngiti ng loko kasabay ng pagkaputla ng buong mukha nito.

Ikaw ba naman ang pandilatan ng nakaktakot. Tingnan ko kang kung di ka manginig sa takot. Di pa sya nagsasalita sa lagay na yan ha.

'May something aura talaga tong si Dana na nakakapangilabot talaga.' napailing nalang ako sa ginawa niya kay Nico.

Kaya ayon sapilitang lumipat si Nico sa ibang upuan sa bandang likod. Hindi na ito pumalag pa.

"Shoo." Bulong ni Dana as she takes the seat beside me. Then she looks at me smugly. Kaya inirapan ko ito.' 'Bahala siya dyan! Hindi ko siya papansinin. Manigas siya!' sabi ko sa sarili ko.

Bigla-bigla'y nagsalita ito.

"Hello Maria Candelaria." nangiinis na bati niya sa akin.

"Tsss!" I scowled at her at di sya pinansin. Alam kong nagpapapansin lang ito sa akin.

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon