Jem's POV
"Go Coby!!!." the crowd cheered loudly as my famost suitor shoot that three point shot.
"Delos Reyes for three!!!" sigaw ng announcer.
"Wooohh! Ang galing naman ni papa Coby Jem!" tili ng bestfriend kong si Ecka as the whole gym roared cheering.
Napabuga ako ng hanagin sa inis. Inis pa rin ako dito dahil sapilitan ba naman akong hinila nito para lang manood ng game na to. Wala namang kwenta. Di ko talaga feel manood ng basketball. At sobrang ingay pa nitong katabi kong ang sarap busalan ang bibig.
Ecka is a really big fan of our basketball team. Lalong lalo na ni Coby Delos Reyes. He's our school's star player and the team captain of Raven Hearst Academy basketball team. Madami siyang fans kaya madaming nakukumahog na panuorin siya. Halos sumabog na ang gym dahil sa hiyaw at tili ng mga fangirls nya. Gaya nitong katabi kong ang sarap sapukin. Nakuha niya pang alugin ako kapag nakakascore ang team namin. 'Sarap itulak!'
Hindi ko alam paano ko nakakayanang magtagal pa dito. Napakainit at napakacrowded lugar. Halo-halong amoy ng pawis ng mga estudyante ang nalalanghap ko. Like yuck! Ang dami pang tili ng tili halos sumabog na ang eardrums ko. Nakakapika na. Konting konti nalang iiwan ko na talaga itong katabi kong napakaingay rin.
"Alis na tayo Ecka!" inis na aya ko sa kanya.
"Naku naman mars ang KJ mo talaga. Hintayin na nating matapos ang game." sagot nitong hindi man lang ako tiningnan dahil busy kakanood ng laban.
"Pagagalitan ako ng lolo kapag nagtagal pa ako sa napakacrowded na lugar na ito!" pananakot ko sa kanya.
Kaya nag-aalala itong napatingin sa akin. Takot kase ito sa lolo kong may-ari lang naman ng school namin.
Napataas ang kilay kong sinalubong ang tingin niya.
Bigla nalang itong ngumiti na parang nalaman na niyang nangbabluff lang ako.
"Naku Jem, huwag mo nga akong tintakot ha. Hindi naman malalaman ng lolo mo kung walang magsusumbong. At saka hindi naman ako ang pagagalitan non kundi ikaw." nakangising sagot nito.
"Ikaw naman ang nagpumilit na pumunta ako dito ah!"
"Nagpapilit ka naman."
Kaya mas lalo akong nainis dito. Napasimangot nalang ako sa tabi niya dahil tama naman talaga siya. She won't receive those long boring sermons.
"Kaya mag-enjoy nalang tayo mars nang mawala na yang stress mo. Saka tingnan mo naman ang manliligaw mo na si papa Coby mars. Halatang nagpapa-impress sa iyo. Masyadong ginagalingan. Look!" kinikilig na turo pa nito kay Coby na nakatingin amin.
Napikot nalang ako ng mata. Siya lang naman ang nag-e-enjoy sa ganito kaingay, kasikip at kabahong lugar.
Aaminin ko. May crush naman talaga ako diyan kay Coby. Bukod sa gwapo ay mabait naman ito. He seems so sweet din naman dahil halos araw araw nga siyang may paflowers sa akin. Caring, dahil hindi nito nakaklimutang kumustahin ako. Pero parang may something na kulang sa kanya. Di ko matukoy kung ano. Kaya pinagbibigyan ko siyang manligaw sa akin. Baka makita ko ang hinahanap ko.
Now back to the game. After a couple of minutes ay nanalo ang school namin sa game with a winning shot courtesy of Coby. The gymnasium almost burst out as the student of RHA cheered celebrating our win. Itong katabi ko nga talon ng talon sa saya. Mapapa-facepalm ka nalang talaga.
"Hey Coby!! Congrats! Ang galing mo talaga!" Ecka excitedly fangirling over my suitor, totaly ignoring my existence.
"Salamat Ericka." Coby smiled at her lightly then look at me with hearts eye.
BINABASA MO ANG
SUNDO (gxg)
Teen FictionWhat if death will be the reason to continue living. Warning: Chapters may contain violent scene and frequent use of profane language. Read at your own risk. Disclaimer : The story is a product of my colorful imagination. ctto: Cover photo