Chapter 7 - first night

1.1K 78 9
                                    

Jem's POV

Di makapaniwalang napatingin ako sa katabi ko na tila walang pakialam sa kalalabasan ng suhestyon niya. Blanko lang itong nakatingin sa amin.

Maging sila lolo at dad ay natigilan sa sinabi nito. Hindi nila inaasahan na sasabihin yon ni Dana.

"No way!!" protesta ko saka marahas na napatayo nang mahimasamasan sa pagkabigla.

'Ano bang iniisip nito? Hindi ko nga pinapatulog ang bestfriend ko sa kwarto ko. Siya pa kaya na kakakilala ko lang. Feeling close lang? May sapak ba siya?!'

At galit binalingan ang katabi ko.

"You have your own room!! Doon ka!! An dami namang room dito ba't sa room ko pa?!" I ranted out panicking.

Samantalang ang katabi kong intrimitida ay nagtatakang nakatingin sa akin. Hindi ata nito inaasahang papalag ako at maghuhuramentado sa naging suhestyon niya.

"There's no way I'm sleeping with you! Ano ka hilo?! hindi tayo close para matulog ka sa kwarto ko!!" patuloy na protesta ko. Kung pwede nga lang mag-rally ay ginawa ko na.

"But I want to." parang balewalang sagot nito.

Mas lalo pang uminit ang ulo ko nang makita ko ang amusement sa mga mata niya at ang ngiting pinipigilan nya.

'The hell! She really did this on purpose to pissed me off! Did she?!!'
Nagbabagang tingin ang binigay ko dito na para bang binabalatan na ito ng buhay.

"Jemimah. Maghunusdili kang bata ka." saway ni lolo sa akin kaya natigil ako sa kakapukol ng masamang tingin sa katabi kong bwisit. Iniripan ko pa ito bago umupo ulit na nagpupuyos pa rin sa galit. 

"Baka di sanay si Dana na matulog mag-isa. Pagbigyan mo na Jemimah. Malaki naman yang room mo tsaka malapad yong kama mo." saad naman ni dad na tila walang pakialam sa akin. Ang kapakanan pa ng bisita namin ang mas inuuna. Kaya mas lalo akong nanggagalaiti sa katabi kong bwisit.

"Lo... " hingi ko ng tulong kay lolo na halatang hindi sang-ayon sa sinabi ni Dana.

"Dana, Lets talk privately. Follow me." seryosong saad ng lolo at naglakad papunta sa labas. Sumunod naman si Dana sa kanya with this unreadable expression.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na ang dalawa. 'Buti naman!Si lolo lang talaga ang kakampi ko.' Kase naman si dad. Parang kampi pa na sa kwarto ko matutulog itong si Dana eh hindi pa namin ito lubos na kilala. Ewan ko ba anong nakita niya sa babaeng yon bakit ganon nalang ang trato niya rito. Eh napakawalang modo nga nito.

After a few minutes of talking, the two went in again with Dana wearing a smirk on her face. 'No way!! Huwag ming sabihing nilason niya na rin ang pag-iisip ng lolo?!'

"Jemimah, Dana will be sleeping with you." seryosong saad ni lolo. Hindi mo mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip niya.

'What the hell?!!' nashock ako sa narinig at di makapaniwalang napatingin ako kay lolo. I mean akala ko ba kampi kami?

"But-" I tried to argue but he cuts me off.

"No buts Jemimah! My decision is final. Besides, tama si Arturo! Hindi sanay si Dana matulog mag-isa." patuloy na saad ni lolo, inoring my whining.

"Nooo!!.." I whined stumping off my feet.

Disappointed na tiningnan naman ako ni lolo kaya itinigil ko na ang walang katuturan kong pagrereklamo. I hate it seeing him disappointed at me like that.

'Fine! Pagbibigyan ko na sila!' I huffed dejected.

"Jemimah! Tama na yan! Samahan mo na itong si Dana sa room mo nang makapagpahinga na kayo." mautoridad na sabi sa akin ni dad habang tumango naman si lolo sa akin. Wanting me to just follow them. Kaya ayon wala na akong nagawa pa kundi sapilitang sumunod.

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon