Chapter 22 - star-crossed

857 69 10
                                    

Dana's POV

"Bilisan mo Evans!!" maktol nya.

"Hnggg.. Ang bigat mo naman Jemimah." reklamo ko habang pasan pasan sya.

'Langya! Ganito pala kahirap to?! Sana hindi ko nalang ginaya yong nasa librong nabasa ko!'

"Hmp! Ikaw naman nagsuggest nito so panindigan mo!" nakangusong sagot naman nito.

"Hindi ko naman naanticipate na ang bigat mo pala. Kaliit-liit." I murmured to myself.

"Ano sabi mo?!" she asked very irritated.

"Wala!"

"Anong wala?! Eh narinig ko!"

Hindi ko mapigilang mapaikot ng mata.

"Narinig mo naman pala."bulong ko ulit nang masa mahina pa para hindi nya na marinig.

'Grabe ang talas ng tenga!'

"Malapit na tayo oh! Ngayon ka pa nagreklamo." sabi pa nito sabay turo sa daan. Eh ang layo pa.

"Malapit ka dyan!"

"Anong sinasabi mo dyan?"

"Wala Mimah. Sabi ko nga malapit na tayo." sagot ko nalang nang matapos na to.

Hindi ko talaga naiintidihan bakit ang dali nyang magalit. Maldita talaga!

Ilang minuto pa ay tumahimik na ito. Buti naman at nang makapagpahinga naman ang tenga ko.

Patuloy pa rin sa paglalakad na nakasampa siya sa likod ko. Dahil wala rin naman akong magagawa. Lagi nalang siyang nanunumbat. Eh nagmagandang loob lang naman ako.

Nagpumilit pa kase ako kanina na pasanin siya dahil sa kakareklamo niyang masakit na ang paa nya. Hindi ko naman lubos maisip na ang layo pala ng pupuntahan namin. Dinaig pa ang bundok sa tarik ng daan. Buti nalang sementado ang daan at maganda naman ang tanawin sa paligid.

So much for being chivalrous I guess. Pero I don't know why I feel so happy right now. The feeling was just amazingly good whenever she's near me like this. Even though she always nags at me. Ganito ba talaga kapag in-love ang isang tao? Parang timang lang.

Sa di kalayuan may namataan kaming parang tindahan. Kaya binilisan ko na ang aking paghakbang nang matapos na ang paghihirap ko at makapagpahinga naman ako.

"Akalain mo yon? May ganito pala dito." sabi pa niya nang makababa na sa likod ko habang sinipat sipat ang maliit na tindahan.

Para itong shop ng mga souvenirs. Dami kaseng nakadisplay na abobot at kung ano-ano pa.

'Buti nalang hindi pa ako nakuba!' I thought to myself. Nakahinga ako nang maluwag saka hinihingal na napaupo sa tabing daan.

'Ganito ba talaga ang role ng jowa? Dinaig ko pa ang aliping sagigilid.'

"Oh!" masungit na sabi nito sabay abot ng bote ng malamig na tubig sa akin.

'Ang sweet naman kahit pilit. Akalain mong may ganitong side pala to? Eh lagi nalang nya akong inaaway.'

Napatingin ako sa kanya saka ngumiti ng pagkatamistamis.

"Salamat ai!" masayang sabi ko pa sabay kuha ng mineral water sa kamay niya saka ininom. Hindi naman halatang uhaw na uhaw ako no.

"Baka sabihin mong wala akong pakialam sayo. Hmp!" sumbat pa nito sa akin.

'Oh diba. Sweet talaga ng jowa ko. Sarap sakalin ng pagmamahal.'

Nginitian ko nalang siya ng malapad. Alam nyang pilit lang yon kaya inirapan ako.

Muling itong nagbalik sa shop. Titingin siguro sa mga paninda doon. Hilig kase nitong mamili ng kung ano-ano. Sumunod naman ako nang makapagpahinga na. Nakita ko siyang may dinapot na bracelet. It's a silver bracelet attached with tiny jade stones. It looks so cute. Bagay sa kanya.

SUNDO (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon