Chapter 4

1.4K 77 4
                                    

Matutuloy nga kaming mag bar pagkatapos mag paaalam ni Andree sa momma niya.
Pagabi naman din kaya kumain muna kami sa resto at sa second floor ang bar nila.
Bilang lang ang mga panahong nag ba-bar ako. Masyadong strict si mama. Kaya for sure hindi naman sinabi ni ninang kung asan kami ng anak niya ngayon. Buti pa tong nga magulang ni Andromeda cool unlike mine.

"Nabusog ako sobra." Parang nag rereklamong usal pa ni Andree.

"Reklamadora. Ikaw na nga tong busog at libre ko pa." Sabi ko at sumimsim ng wine.

"Oh edi Thanks." Sabi nito at umayos ng upo. Para kase itong taong kanto kanina. Jusko.

"Gusto mo ba talagang mag abogaga talaga?" Out of curiosity lang. I know matalinong tao ito si Andromeda kaso lang minsan napapa isip din ako sa mga desisyon nito sa buhay. Raskal nga ito. Wild child kung I describe ng mga kamag anak nila. Super cool din kase nina tita Charlie kahit pa isiping nag iisang anak lang ito nila. Diba kase karaniwan mahigpit pag mga only child.

"Aren't you convinced with my academic performance in Law school huh?" Tila nainis pa ito saken dahil sumimangot at tinitigan ako nang masama.

"Bakit nga ba?"

"I just wanted to help people. Those who are oppressed in this fucked up society. Sa public attorney's office ako mananatili hangga't gusto ko. She said with conviction.

"Standing ovation for Atty. Constantine." Itinaas ko pa ang kopita.

"No biggie." Natatawa nitong sagot saken.

"Mukha hindi pang lawyer yung get up mo Andree. Mukha ka lang spoiled brat rich kid na mahilig mang agaw ng boyfriend." Napahalakhak na ako sa sariling sinabi. Hindi naman ito ata na offend dahil sinipat pa ang kanyang suot. Naka tube top at denim jacket lang ito at cargo pants at parehas din kami ng nike air max 90 hindi ko alam bat dalawang pares ng sapatos ang nasa closet nito sakto naman saken kay hiniram ko na pero hindi ko na to ibabalik pa. Napangisi ako at inapakan ang paa niya. Wala lang gusto ko lang dumihan.

"Nag iibang anyo rin ako pag nasa school noh. Akala mo lang mukha akong tanga sa fashion statements ko." Pang rebut nito saken.

"Ouch!" Sigaw ko at nakitang naningkit lang ang mata nito.

"Hindi ka pa rin nag babago, akala mo di ko alam na nang dudumi ka ng sapatos?" Natawa nalang ako dahil doon. Hindi na ako sumagot at naglalaklak na. Namiss ko to shesh.

"Hindi naman nakaka lasing yang iniinom mo noh, balak mo na ata gumapang pa uwi." Iling nito at kinakalikot ang telepono.

"Idol mo pala yung abogada kanina. Nice." Puna ko. Kumunot naman ang noo nito.

"Idol my ass."

"Puring puri mo siya diba?" Tanong ko.

"Well, yeah sobrang galing nun. Pero isnabera. Kaya nga gulat na gulat ako nang makitang kinakausap ka. Tas binigyan ka pa ng calling card."

"Interesado lang siguro sa magandang shots ko." Hinagis ko sa kanya ang DSLR niya.

"Hey careful, regalo ni mommy to!"

"Ay sorry sorry." Paumanhin ko. Galing nga pala sa nanay niya yan.

"Akin na muna yan a. Pahiram ako." Dagdag ko at tinunga na ang huling patak ng wine. Damn ang sarap.

"Nice face prof Serano."

"Intimidating but she has soft features. She's too young to be a lawyer."

"Duh she's older than us na noh."

"How'd you know?"

"Gossips everywhere."

"Ibang katauhan ata ni Atty. Serano ang nakilala mo kanina. Tang'na." Gulat na gulat pa rin ito base sa kanyang ekspresyon. Hindi ko nalang din ikwe-kwento ang sinabi nito saken about her being a patient. It will be not so good for her student to pry on her personal matters. Marites pa naman itong kasama ko.

"Is she that scary? Cause' she looks like an angel to me." Dreamy ko pang sabi pero na putol iyo nang batuhin ako ng napkin ng babaeng to.

"Huwag mong sabihing babaliko sa kanya tas saken hindi." Nakasimangot ulit ito.

"What the fuck." Plain na sabi ko.

"Your face is annoying. At interesado ka sa kanya noh hindi naman obvious." Sarkastiko nitong sabi.

"Akyat na tayo gusto kong mag wal wal." Hinigit ko na ito at nag iwan ng bill sa mesa. Keep the change nalang I have my own money na naman and I'm not asking my parents for my daily allowance although si Mommy ay nag tatransfer pa rin sa account ko kahit pa sinasabi kong huwag na.

"Hold my hand pa." Pang aasar ng isa. Kinurot ko nga ang palad niya dahil puro kalandian ang nasa isip ng babaeng ito.

"Hey, give us Belvedere pure." Pang hihingi ni Andree sa bartender. Napailing nalang ako. Feeling entitled talaga ang brat na to.

"Thanks." Ngiti ko at nag pasalamat dun sa cool na bartender. Ang galing nitong mag halo ng mga inumin.

"Maging wasted talaga agad ang gusto mo noh. Ilang taon ka palang Andromeda."

"I'm giving you the best drink duh."
Irap nito at nag simulang uminom.

"Heck- ang tapang naman nito." Inamoy amoy ko at onting shake sa vodka.

"Ellen George, Ellen Georgie." Pang hahype nito saken gaga talaga.

"Remind me again why the heck we get along so well." Natatawa ko ring sabi matapos tungain ang alak.

"Best friend zone mo nga lang ako eh." Minsan itong babaeng to kung ano ano sinasabi. Nakakalito rin ito madalas eh. Pero nah if ever totoo man itong mga kagagahan niya ay alam naman niyang hanggang sa pagiging magkaibigan lang kaming dalawa.

"Ewan ko sayo gulo mo kausap."

"Elle it was true."

"Ha?"

"That night. During my 16th birthday. I told you I'm in love with you."

"Oh." Nilagok ko nalang ang inumin.
Yeah I remember that night. First time namin nun maka tikim ng alak. We stole it from tita Amanda's collection. Kahit na nasa wastong gulang na ako para lumaklak ng alak ay inantay kong umedad ng sixteen ang lukaret dahil usapan naming sabay kaming titikim niyon.

"Your mother was really mad that time." Pinaalala nito ang mukha ni mama nang makita kaming wasted sa attic ng bahay nina Andree.
Tumawa kami parehas sa naalalang iyon. Kahit pa ngayong mag bebente kwatro na ako ay masyadong mahigpit parin si Mama sa mga ganitong bagay. KJ.

"Ano anong naalala mo, bilis mo naman malasing." Biro ko dito. Pero ang mukha nito ay seryosong naka titig lang saaken.

"Hindi pa rin mag babago ang sagot ko Andromeda."

"Andree I love you too but not romantically. We're bestest friends although you left. Those long years I was blaming myself for our ruined friendship." Nakakalungkot lang na umalis ito at ilang taon kaming hindi nag kita.

"I left because I felt like it was for the best. Ayaw ko ring maging martyr noh masaya kayong dalawa ni Leon tapos ako." She snorts like she's nauseated with the idea of Leon. Pero inakit niya at pinatulan. Baliw talaga.

"Ano nga bang nakita mo sa lalaking iyon."

"Dahil lalaki nga siya."

"Lame. Ang babaw mo." Wow buti hindi ako madaling ma offend ha. Ako mababaw?

"Leon was a good catch. Kilala ko siya simula bata pa lang." Dagdag ko.

"Kilala? Hah kilala."

"Or so I thought." Nakakalungkot lang kase marami kaming pinagdaanan. We grew up around each other. He's also a dear friend to me. But I can no longer trust him.

"Baka talaga hindi kami." Natawa nang malakas naman ang isa. Aba lasing na ito.

"Kase tayo talaga."

"Hmm o baka si Serenity." Biro ko na ikinatigil ng pag tawa nito.

"That woman is one hell of a complicated one. Namatay ang asawa at anak niya dahil sa mga kasong naipanalo nito." I gasped of what I've heard.

"So babe do yourself a favor to stay the fuck away from her." Tapik nito sa pisnge ko. Kase natuod ata ako sa isiping grabe pala ang nangyari dito. Her career cost her loved ones lives. That must be so painful. Fuck.

A fine Madness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon