Chapter 24

847 45 0
                                    

Kanina pa ako nakatitig sa mga kemikal na narito sa aking harapan. It's funny how it both cure and kills. Depende sa kung anong trip mo.
Kanina pa may mga makahulugang mga tingin ang ipinupukol saken ni Yna. Parang kulang nalang itapon sa akin ang mga naritong kasangkapan.

Wala naman akong pake kung malaman niyang may namamagitan samin ng kapatid niya. It's just that it's her sister, surely she's got a say.
Kahit kay Geth ay ganoon naman din siguro ako.

"Ynah, I'm almost done here, did you inform them already?" Tanong ko nang hindi na ito tiningnan dahil alam ko namang kanina pa ako nito tinititigan.

"Yes, ma'am." Tipid na sabi nito at nag patuloy sa kanyang ginagawa.

"Thanks..." I cleared my throat before continuing. "It's lunch time, let's... Go?" Pag babaka sakali ko. Maybe this will be a perfect timing to talk about it.

"I'm surprised you asked me." Napakagat ako ng labi sa tinuran nito. Nung mga nakaraan kase ay nagkikita kami ni Serenity sa itaas. We have our meals together. This is the first time I asked her again to join me.

"Hmm...It's been—

"There's no need to explain ma'am." Nakayuko nitong sabi. Simula nang magkaroon kami ng koneksyon ng kapatid niya ay hindi na kami gaanong nakaka pag usap ng batang ito. My spare time is for Sere and the other is for Andree. Kahit nga si Getty ay may tampo pala saken simula nang madalang na akong nauwi kina mommy.

"Please, let's have our lunch together."
Tumango lang ito pero hindi ngumiti gaya nang lagi niyang ginagawa noon.

Sumapit ang break time at inaantay ko nalang na lumabas si Yna. I'm wearing a turtle neck sa napakainit na panahon. Kaya medyo naiinis na ako sa pag aantay sa kanya sa may parking lot. Hindi ko naman pwedeng tanggalin ito dahil hindi ko nilagyan ng concealer ang mga bakas ng kalandian ko. I was running late to work that's why I opted wearing such. Okay nang mag mukhang baduy kesa naman maintriga ng mga pasimpleng marites sa lab.

"Hey, sorry I was caught off by a bothersome suitor." Naiirita nitong bati nang makita ako.
Iginiya ko na ito sa loob ng sasakyan.

"The pharma guy with big glasses?" Pag kumpirma ko.

"Yeah that idiot." Natawa ako sa tinuran niya. Naisipan kong sa ibang lugar siya dalhin dahil boring ang mga restau malapit sa building.

Nagpaalam naman ako sa supervisor na dalawang oras kaming mawawala. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Serenity sa ramdam kong special treatment saken ng mga higher ups. Ramdam ko kaseng nag iba ang approach ng mga ito saken. Kahit ang dami ng workloads sa laboratoryo ay nabawasan. Ikaka tuwa ko ba ang mga ito? O maiirita dahil halos wala na akong ginawa. I even thought about getting another job, not that I needed money but I want to be busy.

"I'm so full... this is bad," Usal ng kaharap ko. Kanina pa nag lalakbay na naman ang utak ko sa kung saan.

"You'll get sleepy for sure." Sagot ko rito at bahagyang natawa sa itsura nito.

"Not that, I'll gain weight again." Hilot hilot ang sentido nito. "At saka, I can sleep even in a middle of my work."

"Perks of being a Serrano?" Napakunot ang noo nito na parang nandiri sa sinabi ko.

"Who the hell told you that? Perks? I'm not even using their name." Hindi ako kumurap dahil nag babadya ang masamang panahon sa mukha nito. Naalala ko ngang hindi nga sila magka parehas ng apelyido ng ate niya.

"I—thought."

"Nope. No one knows about my real identity. You're the only one. Since you and Serenity are whatever—"

"Okay, chill. Masyadong kang on fire."

"Tsk." Palatak nito. "What I meant is that, Our seniors are lenient with us. Kung dati para silang nag babantay ng mali natin pero ngayon ay sobrang luwag na nila." Mahabang paliwanag nito. Ako naman ay natigilan. So I was not imagining things all along.

"Napansin mo rin pala." Natawa ito bago uminom.

"Must be Sere then. Babaeng yun talaga masyadong possesive."

"What do you mean?" Tumatawa pa kase ito at mukha akong tangang takang taka.

"Ma'am I know what's happening between you and my sister." Sumeryoso na ang mukha nito.

"Uh we're just— hindi ko na madugtungan kase ano nga ba kami.

"Wala namang problema. It's just that,"

"What Yna? Is there something going on?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"I don't think she'll handle shits again. I mean after her kid and her husband's death I've seen how difficult it was for her."

"Even her father can't do something for Serenity. She isolated herself for years, trabaho lang ang inaatupag ng isang yon. She become fearless as well. Kahit malalaking sindikato na ang kalaban ay hindi na siya nag aalala." Mahabang lintaya nito na ikina-awang lang ng bibig ko.

"She failed on her attempts that's why I think she's just going with the flow. A natural death is much easier to take." Mapakla itong tumawa.

Ang akala kong walang pakealam sa mundong katrabaho ko ay halos maiyak ngayon at punong puno ng lungkot.

"Do you think I'll just cause her another misery?" Nag aalangan kong tanong.

"Will you?" Nang hahamon na sabi nito.

"Yna to tell you frankly, I am also in huge mess right now. I care about her, deeply."

"You. care. about. her." Sarkastiko itong tumawa. Nag baba ako ng tingin dahil kahit ako ay nahiya sa binitawang salita.

"It's not enough that you only care for her!" Pigil na sigaw nito. Kung wala siguro kami sa public ay baka nasabunutan na ako nito. Nakakatakot pag tahimik si Serenity pero mas nakakatakot pala ang kapatid niya.

"If you only wanted to bed her please just spare her that bullshit. She needs someone who will love her! you piece of—

"I'm sorry Yna."

"Serenity attempted to take her own life multiple times. Maswerteng lagi ko siyang naabutan. All those years I've seen her vulnerability. I don't think she'll handle another goddamn heart break." Mistula pa itong na inis nang hindi siya maka kuha ng nga sagot saken.

"And you know what, I thought she was going insane when she told me about this person that makes her want to live again." Mapait mang nito pero nakangiti itong tumitig saken.

"Is it me?" Parang tanga kong tanong.

"Are you stupid?" Naiiling na sabi nito saken.

"Serenity is the most reserved person in this planet. She's a no nonsense bitch. I wonder how come she'd come to like you." Nangiinsultong sabi nito.

Okay binabawi ko nang mabait ang babaitang ito. Wagas kung manglait ha.

"Seriously though, I care about her Yna."

"It's not enough! are you deaf?"

"Anong gusto mo madaliin kong mahalin siya?" Naiinis na rin ako sa mga pangunguna niya.
I feel something for Sere. Aminado naman ako but I got some things to deal with first.

"If she'll try to take her life again and if this time you're the freaking trigger, I will mail you an anthrax and will make sure it'll go straight in your throat." Hindi ako kumurap sa banta nito. Lecheng bata.

"You must love your sister very muc-much." I swallowed the invisible lump in my throat.

"She might not fully accepted our the same biology, but to me she is my only family." Tila nanlambot ako sa sinabi nito. How come Serenity isn't fond of this kid.

"I'll do my best Yna."

"You better do it absolutely."

A fine Madness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon