Umalis si Andromeda kaya naiwan muna ako sa bar counter. Hindi ko rin naman gustong mag sasayaw ngayon. Medyo nahihilo na ako't ewan. Hinayaan ko muna si Andree na mag enjoy. Napailing nalang ako nang makitang may kasayaw itong hunk. Okay na rin ang itsura hawig pa nga ni Derek Sheperd ang buhok at balbas. Uhuh not my type. I like clean shaved people. I mean, ayaw ko sa may balbas, ganon.
Quarter to eleven na rin kaya pa wild na ang mga tao. Para sa tulad kong lumaki na malayo sa nakararami ay nasisiyahan ako sa kalayaang ito. Growing up my mother was so paranoid in keeping us. Buti nalang andyan si Mommy para mag neutralize sa mga bagay. They are perfect fit for each other.
"Everyone's eyes are on this lovely lady drinking all alone here." A sultry voice woke me from my thoughts.
Ano to naririnig ko na yung boses ni Serenity ngayon? Napatawa ako at tumungo sa counter top.
"Lasing na ata ako naririnig ko na yung boses ng babaeng yun."
"Yeah I suppose you're already drunk lady." Kinilabutan ako nang mismong sa tenga ko ang may bumulong.
"What the- I stopped midway nang pagkalingon ko ay may mukha ng babaeng nakausap ko kanina sa hardin ang bumungad sa akin.
"I thought I was hallucinating." Ngumiti ito at ininom ang nasa harapan niya.
"No, you're not." I heard her chuckle.
"Hey that's mine." Agaw ko rito.
"So?" Balewala nitong tanong at lumapit pa sa kinauupuan ko. Mag kaharap kaming dalawa our legs are touching with each other. Kung iba ito ay hindi ako mapapalagay but with her damn it.
"Baka mamaya lason pala iyon inom ka lang nang inom."
What a triple A bull Elle, lason ha lason? Ang sabihin mo you're just curious of that indirect kiss. What are you thirteen?
Pati utak ko ay ginugulo na rin ako. Ano ba tong nararamdaman ko, masyado na to ha.
"Why, would you cry if I die?" Natawa ito sa sariling Joke. Ang corny ha. Buti maganda siya.
Don't die come on, I wanna get to know you better pa.
Pero sympre hindi ko yan ulit sinabi. Bagkus ay natawa lang ako nang mahina at nag kibit balikat.
"Anyway where is your friend?"
"Dancing with some stranger." Napalingon kami sa hiyawan. Nag bo-body shots na pala si gaga.
"Or so I thought." Parehas kaming natawa. Ang wild na ng isa kase.
"Can you cover up." Abot nito saken ang leather jacket niya.
"I'm not cold. Thanks tho." Pag tanggi ko at sinipat ang suot. Backless tank top and ripped freaking jeans and Nike shoes. Mukha nga kaming gigimik lang sa pipitsuging club.
I heard her hissed at inlagay nga iyon sa balikat ko.
"Pussy."
"I mean pushy." Pagtatama ko, damn may tama na nga ata ako. Tumawa ito nang mahina. Her laughters are eargasmic. Damn again.
Nababaliw na ata ako.
"You're too sexy and I don't want to get into trouble at this very moment." Sabi nito sa mababang boses. Napalingon ako sa dereksyon na itinuro ng mga mga mata nito. There were bunch of guys who are about to approach me. Pero nang makitang sinamahan ako ni attorney Serrano ay nag aalangan na ang mga ito.
"You're alone?" Tanong ko at hinawakan ang bawat dulo ng isinukbit sa aking balikat. This is a Saint Lauren collection ha.
"I am. I've been quite alone." Bakit ako nakaramdam na double meaning iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/308269907-288-k933924.jpg)