"How's work?" Panimula ni Andree nang makapasok ako sa loob ng sasakyan niyan. Aabutin niya na sana ang seat belt nang unahan ko na ito. Kung dati ay salitan at nakagawian na ito namin, ngayon ay ayaw ko nang ibalik pa ang lahat sa kung anong meron dati. We've been so toxic towards each other. Though I still love my best friend, dearly.
"Tiring but I'm enjoying it so far,"
Tumango naman ito bilang sagot.
Sa kaswal na pakikisama ko sa kanya ay nangangahulugan na bang pinapatawad ko na ito sa lahat ng mga nangyari nung nakaraan?I guess that's what she's thinking. Hindi ko na rin alam, may utang na loob ako sa kanya. I'll never be having this one heck of a freedom if it's not because of her help that easily convinced my mother in a snap. I wonder what's with her that makes mama drawn to her that much.
"You're always on deep thoughts, should I exchange a penny for one?"
Halata namang pilit din nitong pinapagaan ang sitwasyon."Not for sale." Pambabara ko. Narinig ko naman itong tumawa.
"Nagugutom na ako mag drive ka na nga lang." Inirapan ko nalang ito. Bakit ba kase ang genuine ng mga ngiti at tawa niya. Nakakainis parang nakokonsensya ako pag sungitan at barahin ko siya ulit.
"Whatever oldie," Pagsagot nito. Maputla ito ngayon parang pagod na ewan. Para namang tinusok ang puso ko nang makita ko nga ang pagod sa kanyang mga mata.
Ano na naman kayang mga pinag gagawa ng isang to.We dined in a fancy restau, knowing this woman she'll eat in a fast food once in a blue moon.
Maselan nga rin naman ito. Ang sarap kaya ng mga sikat na kainang pang masa.
Abot kaya pa ng karamihan at mahal na mahal ng mga bata."Kumain ka pa nga, mukha kang mamatay na." Hindi ko mapigila ang aking bibig dahil nag aalala rin naman ako sa kalagayan niya.
Malaking eyebags, maputla, nangangayat. Iisipin ko talagang mamatay na ito sa lagay niyang iyan."I reached my 20's it's fine if I'll die na." Balewalang sabi nito at inikot ikot ang tinidor sa kinakaing pasta. Pati ba naman ito pinaglalaruan niya lang.
"You're out of your mind again," Sabi ko nalang at hindi rin napigilang paluin ito sa braso.
"You can say that," At tumawa. Sumimsim pa ito ng wine at tinitigan ako. Kumunot ang noo ko nang mapansing bahagyang pag iba ng mukha nito nang tamaan ko ang braso. Pilit nitong hindi pinapahalata iyon.
I just shrugged my shoulders and continued munching my food. Ang sarap talaga pag libre noh.
"Why did you applied in Attorney Serano's family business?" Muntik nakong mabulunan sa narinig. Inabutan naman ako nito ng tubig at kaagad na hinagod ang aking likod. Naguguluhan akong binalingan din ito ng tingin.
"What?"
"You didn't know?"
"Pag aari nila iyon?" Nagulantang talaga ako sa sinabi nito.
"How can you apply in a company without checking their background," Tiningnan ako nito na parang nanghuhusga.
"O baka naman interesadong interesado ka lang sa kanya." Dagdag nito na ikina irita ko.
"Magugulat ba ako nang ganito?" Irap ko rito.
"You're good at reaction formation, so good at it." Irap nito saken pabalik.
She's referring to a defense mechanism of acting out the opposite of what you really feel.
"Bahal ka dyan." Ininom ko nalang din ang wine na naka lapag saken.
"I'll have my share on the bill." Nilapag ko nalang din ang dalawang libo sa mesa. Natawa lang ito at tinaasan ako ng kilay.
Bala siya hindi ko sinabing kalahati yung akin. Hindi kase ako nakapag withdraw kanina kaya iyan lang ang laman ng wallet ko. Alam ko namang kung card ang ibigay ko ay hindi nito aabalahing kunin.
![](https://img.wattpad.com/cover/308269907-288-k933924.jpg)