Chapter 22

842 40 2
                                    

Umuwi ako ngayon sa mga magulang ko dahil ilang araw naman akong off at gusto ko lang mag isip-isip muna sa ngayon.
Ang akala ko nga ay sasampalin din ako ni mama dahil sa nangyari sa inaanak niyang mas mahal niya pa kesa saken. But to my surprise she did not do such. Funny how I applied numbing cream on the both of my cheeks just incase. Mukha tuloy akong tanga ngayon na hindi maramdaman ang mukha. Pero namaga talaga yung sampal ni tita Charl. Bahagya pa nga itong halata dahil hindi naman ako pala lagay ng kolorete.

"Anak eat some more, nangngayayat ka." Ang malambing na boses ni mommy ang gumising saken. I've been spacing out again.

"I'm full mom." Ngiting balik ko. Tumigil ito sa pag nguya at nag punas muna ng bibig bago bumaling saken.

"What's this?" Hinawakan nito ang aking ulo para tingnan ang kanang pisnge ko. Patay.

"Wala yan—

"Sino sa kanilang mag asawa ang gumawa niyan?" Nangigigil nitong sambit. Ang ugat nito sa leeg ay humataw.

"Allaine we're in middle of a sumptuous lunch. Can you not spoil this?" Sabat ni mama. May pakiramdam akong alam na naman nila talaga ang buong istorya.

"No Tamara! their daughter is too much! Sobra sobra na ang ginagawa ng mga yan sa anak ko!" Ngayon ko lang nakitang nagalit si mommy at sa mismong hapagkainan pa talaga namin. This is sacred for us and I can't believe she's displaying anger right now.

"Mom, mama, please." Hindi na naka tiis si Gior habang nakayuko lang ang bunso kong kapatid. Nanunumbig na rin ang mata nito nang tumingin saaken. Geth is also against the idea of  me still sticking with Andree despite of what happened to us.

"Ellen, honey stop that nonsense anak huwag ka nang bumalik pa doon. They're both physicians they can tend their child's needs." Pakiusap saken ni mommy.

"Al ano ka ba, they are together na. It's Elle's duty to take care of her girl."

"Ellen?" Tawag ni mommy saken.

"Nagkakamali kayo ma, I'm not her girlfriend." Lumunok muna ako ng laway bago nag patuloy.
"May nagugustuhan akong iba."

My other mother gasped. Nag simula nang manubig na naman ang mga mata ko.
If they'll not accept the fact that Andree and I will never be going to end up with each other, I should pack up and disappear this week.

"How can you do that to her Ellen?" Nawalan ng gana si mama sa kanyang pagkain. My other siblings excused themselves so it's only the three of us left. Ayaw pa nga sanang umalis ni Geth pero hinatak na ito ni Gior para bigyan kami ng privacy na maka pag usap nina mom.

"Isa pang konsente sa anak ng kaibigan natin Tamara." It was a warning from mommy. Natahimik na si mama at nag baba nang tingin. Pag napupuno lang si mommy ay tinatawag niya sa pangalan ang asawa.

"It's alright honey, don't cry please." Pakiusap nito saken at lumambot na ang mga mata.

"Ellen look at me," Inangat ni mommy ang mukha ko gamit ang malambot niyang palad.

"Mommy I'm sorry." Umiiyak kong sabi. Tumayo na ako sa aking upuan at nag madaling umakyat sa aking kwarto. Hindi ko na kaya ang bigat na nilalamon ako pailalim.

"Shh, let's not disturb them Geth." Saway ko kay Giorgeth nang dadaan na sana kami sa library upang pumanhik sa kanya kanya naming silid.
Naabutan naming nag tatalo sina mommy. Sumisigaw si mama at mukhang problemado naman ang isa.

"Ate I swear this is not a good idea." She whispered back.

"Matatapos din yan, kilala ko si mommy dakilang under yan." Natatawa kong omento at ikinailing lang ng isa. Napapagod na akong bumamaba at gusto ko na ring matulog nang matiwasay.

A fine Madness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon