CHAPTER : SIXTEEN

11.2K 403 83
                                    

Yanna

Balik manila na kami ulit. Nagstay muna kami ng isang araw pa sa Iloilo bago naisipang umuwi dahil marami pang lessons at schoolworks ang kailangan naming gawin ni Demonyita.

Hindi na talaga ako nagulat na magkasama kami sa iisang bahay pero ang kinatutuwa ko ay magkaiba kami ng kwarto.

That's a sigh of relief.

Nasa may kanan ng hagdan ang kwarto ko habang ang kaniya ay sa kaliwa. Mas okay pa na hiwalay kwarto namin hindi ko kakayanin kapag isang taon kaming magsasama sa isang kwarto baka may batang mabuo kung sakali man.

Chos.

Naglalakad lang ako ngayon sa gitna ng hallway papunta sa Architecture Building. Actually masyado pang maaga para pumasok ng University ngayon pero gusto kong makaiwas kay Demonyita.

Masama ang loob ko dahil sa ginawa niya kagabi. She wants to give me the Apple product she bought from Iloilo last time.

Jusme halos tatlong milyon ginastos niya du'n tapos ibibigay niya sakin ung iba. Ayaw na ayaw ko pa naman sa lahat ay ung tumatanggap ng mga bagay sa ibang tao p'wera nga lang sa magulang ko. Kahit kela Isla ay hindi ako masyadong tumatanggap ng regalo.

It feels like when someone gave me a gifts, I owe them.

Tanggi ako nang tanggi kagabi pero wala rin akong nagawa dahil ginamitan niya ako ng panakot niya sakin na isusumbong niya kay Mamita na nambabae ako.

Mukha ba akong babaera?

Tinanggap ko nalang ung binigay niya sakin at ito nga hawak na hawak ko ung Iphone 13 Pro Max. Maganda ang specs lalo na ung camera. Tinabi ko nalang din 'yong luma kong phone sa may drawer ko.

Magagamit ko nalang siguro un kapag gusto kong tingnan ung mga pictures namin nila Sierra. Maraming pictures at memories ung phone kong iyon kaya mahirap bitawan.

Mangangapa na naman tuloy ako sa bagong phone na 'to. Mas maganda pa rin kung Android ung phone dahil maraming privileges hindi tulad sa ios.

Megapixels at Storage lang naman habol ko sa phone.

"Aga natin ah?"

Nagulat naman ako na pagpasok na pagpasok ko sa room ay bumulaga sakin si Eleanor na may ngising nakapaskil sa labi niya at alam kong may binabalak 'to o 'di kaya mang aasar lang siya.

"Morning." Nasabi ko nalang at dumeritso ng pasok sa room bago umupo sa may designated seat ko.

Nu'ng una katabi ko pa si Eleanor pero bigla akong nilipat sa harap ni Demonyita. Hindi naman siya ung Adviser namin for this semester kundi si Miss Dela Costa.

Masyado siyang desisyon at du'n ako pinaupo sa may first row sa may tapat mismo ng desk nila.

Hindi nga rin tumutol si Miss Dela Costa eh. Hinayaan niya lang akong umupo sa may harap habang ung asawa niya nasa likuran talaga. Mukhang ayaw pagtinginan ung asawa.

Tsk.

"So Mare spill the tea. Sino ung asawa mo?" Tanong niya at umupo sa katabi kong upuan.

I mentally rolled my eyes because for sure they will bombard me with a lot of questions later but for now I will deal with this girl besides me.

"Demonyita." I mumbled almost whisper.

Wala akong narinig na salita sa kaniya ng ilang minuto pero ganu'n nalang ang pagkainis ko nang humagalpak ito sa tawa.

"I knew it! Babagsak ka rin pala sa crush mo." Natatawa niyang usal at napapahawak na sa tiyan sa sobrang kakatawa.

Sa sobrang inis ko ay hinampas ko siya ng libro naming napakakapal.

The Contract Where stories live. Discover now