CHAPTER : TWENTY - THREE

11.3K 419 127
                                    

Yanna

Tamad na tamad akong naglalakad papuntang gymnasium habang bitbit ang bag na naglalaman ng Digital Piano Roland Go sa kanang kamay at pagkain naman sa kaliwa.

Hindi p'wedeng walang pagkain kapag ganitong may practice, it should be always present.

Medyo drain pa ako ngayong araw dahil sa mga naganap kahapon. Puro plano tungkol sa kasal ang bukambibig nila. They even asked about our opinion kaya nag-go with the flow nalang ako.

Panay iwas na rin ako kay Demonyita kahapon para naman kahit papaano kumalma puso ko.

Gago talaga nitong si Kupido eh sarap niyang tirisin ng buhay.

Isa rin 'tong si Eros gawa gawa siya ng salitang Love tapos ang binigay sakin pain?

Tapos one sided love pa eh.

I don't know if I could confess my feelings for her.

Or maybe I should keep it para walang problema. Hahayaan ko nalang mabulok ang lecheng feelings na'to.

Magtitiis lang naman ako ng isang taon at pagkatapos niya voila aalis nalang ako.

Magiging rich tita nalang ako para sa mga anak ng mga kumag kong kumare. Iyon nalang magiging role ko sa future.

Tapos magaampon nalang ako ng pusa o 'di kaya aso nalang para sumaya buhay ko kahit papaano.

"B-beh!"

Napakunot naman ang noo ko nang makita si Visarius na kasama ang Oliver Ian na'to.

Kailan pa naging close ang dalawang ito? So far wala pang nababanggit sakin si Visarius about diyan.

Pinagsawalang bahala ko nalang 'yon at baka nagkataon lang na nandidito silang dalawa sa University.

Pero ano naman gagawin nila rito aber?

"Visarius, tagal mong hindi nagpakitang bakla ka. Saan ka nagsusuot?" Nakataas kilay kong tanong sa kaniya at binigyan ng makahulugang tingin bago tingnan ang katabi nitong nakangiti na sa akin.

Hindi ko alam pero naiirita na ako sa ngiti niya.

Naalala ko ung kaganapan sa opisina ni Demonyita kapag nakikita ko ung bunganga niyang may virus.

Kung dati rati ayos na ayos pa sakin ang presensiya at mukha niya pero ngayon hindi na.

"Diyan lang sa tabi tabi." Sagot niya pero ang mata nito ay ilag sakin.

Nakalagay rin ang dalawang kamay niya sa may bulsa ng suot nitong pants.

There is something off with him right now.

May dahilan rin siguro kung bakit siya missing in action. I already saw yesterday that he posted a picture on his IG account. A man who's hugging him from the back.

Kapag itong lalaki 'to nagtago ng secret sakin, edi nagtago ng secret. Ayaw ko namang ipilit siya du'n. Hahayaan ko nalang na siya ang kusang magsabi sakin kung meron na nga ba.

But hell his caption made me intrigued who's that guy is.

His exact caption yesterday was '365 days being with you. S'agapo'.'

Sanaol diba.

"Sure ka bang sa tabi tabi lang? Pansin ko rin ang pag-ilag mo sakin these past few days." Mataray kong turan sa kaniya.

He's not actually missing in action.

Madalas ko siyang makita sa hallway pero ang gago iniiwasan ako. Nahuhuli ko rin minsan na nakita na niya akong papasalubong sa kaniya pero agad ring iiwas.

The Contract Where stories live. Discover now